LOVE OPINION

0 0 0
                                    

~♥~♥~♥~

L. O.
Number Eight
"Facts for me about love"

Love and sacrifices are two different things but closely related. Because love is all about sacrifices. Para sa akin, hindi love ang nararamdaman mo kung hindi mo kayang magsakripisyo/hindi mo naranasang magsakripisyo. Hindi lang naman kasi about sa kilig o kasiyahan ang love. Marami pang pwedeng maging branches ng love. It can also be pain and hatred. It is so dangerous yet amazing to be in love. You can feel a hundred of emotions. Love can make you feel complete but also can make you broken. It's too much. Sabi nga sa H. U. na kwento ni Kuya KIB, "Once you enter, there's no turning back". Nakakamatay. Jokie! It's not deadly but it's scary. Kailangan marunong kang sumugal dahil kundi matatalo ka na hindi man lang nararanasan ang lumaban o pumusta man lang kahit minsan. To be in love is not a choice. Hindi naman kasi natin madidiktahan ang puso. Kapag ba sinabi mong sa iba ka na lang tumibok heart, (it's not literal ah! Jombagin ko kayo diyan!) susunod ba kaagad 'yan? Ang tigas kasi ng ulo ni heart! Sabi nang huwag sa kanya kasi may mahal na 'yong iba, doon pa rin talaga sumiksik at namalimos ng pagmamahal. Huwag nating pigilan ang pag-ibig na nararamdaman natin. Hayaan lang natin pero dapat matuto tayong kontrolin lalo na't alam natin na sa una pa lang ay wala na talagang pag-asa. Kinokontrol para hindi masyadong masakit. Hindi ko sinabing hindi ka masasaktan kapag kinokontrol mo ah, pero baka sakaling mabawasan naman di'ba? Hindi ko talaga sasabihing hindi ka masasaktan kasi once na nagmahal ka, dapat ready kang masaktan. Iready ang heart sa madugong labanan baka kasi mamaya, umuwi tayong luhaan. Dahil kahit gaano pa kataas ang pader na itinayo mo at kahit na gaano pa katibay ang materyales na ginamit mo, kung bukas naman ang gate, edi makakapasok rin ang mga kalaban–ang sakit, selos, kamartiran, katangahan, at marami pang iba. Panatilihing safe ang puso, huwag na tayong magmahal! Charengss lang! Asa pa tayo. Pwede naman tayong magmahal basta iready ang buong pagkatao kasama ang puso at kaluluwa mo. Hindi mo kasi alam kung yung dumating ba ay yung taong bubuo na sa'yo o dudurog pa pala sa'yo ng todo. Ingat lang. Lovelots. And spread love, not hate!

Lovingly Yours,
Miss EMO

~♥~♥~♥~

Paalala: Ito ay opinyon ko lamang lahat. Maaaring paniwalaan, maaari ring hindi. Kaya't huwag pong masyadong exaggerated kung manghuhusga, okay? Salamat po sa respect. At hindi rin po ako ang gumawa ng quotation na nasa itaas para malinawan po kayo. Ginamit ko lamang po ito. Salamat po sa tunay na pinagmulan ng quotation.

Love Opinions [COMPLETED]Where stories live. Discover now