LOVE OPINION

5 0 0
                                    

~♥~♥~♥~

L. O.
Number One
"Love is like a rosary, full of mystery"

Sabi nila, "Love is like a rosary, full of mystery". Sa panahon natin ngayon parang kahit anong gawin natin, totoo pa rin ang kasabihang 'yan. Siguro nga, uso na ngayon ang internet. Surf ka sa net at lalabas ang iba't ibang kahulugan ng love.

Love is a feeling of strong or constant affection for a person. Love is attraction that includes sexual desire. Love is the strong affection felt by people who have a romantic relationship. Iyan ang lumalabas kapag nagsearch ka sa dictionary. (Credits to Merriam Webster's Dictionary)

Pero kahit anong dunong mo about sa concept ng love, aminin man natin o hindi pero bobo tayong lahat pagdating dito. There's no concrete science behind love. Kapag umibig ka, masusurpresa ka na lang. Napakadaming misteryo pala talaga ang pagbubukas mo ng kahon ng pag-ibig. Minsan, ang misteryong 'yon, ginagawa tayong malakas. Minsan naman mahina. At minsan, ginagawa din tayo nitong ibang tao. Napakamakapangyarihan nito at napakamahiwaga para sa mga tao. Minsan hindi natin inaasahan na ang pag-ibig na hinahanap mo ay nasa tabi mo lang pala. Minsan din, hindi natin alam na wala pa lang para sa atin pero pilit pa rin tayo ng pilit. Paulit ulit hanggang sa dulo, pag-iyak ang magiging karamay.

Sa sobrang misteryoso ng pag-ibig, nakakatakot na ito. Kasi minsan, ang ibibigay niya sa'yo ay ang sisira pala sa buong pagkatao mo. Minsan, sobrang laki ng dulot nito sa'yo. May iba na nakakagawa ng masama dahil nalulunod sila ng sistema ng pag-ibig. Ang pag-ibig ang kumokontrol sa kanya. May iba naman na hanap pa rin ng hanap. Sa sobrang paghahanap, hindi nakita ang nakatadhana. Nabulag ata sa dami ng pagpipilian kaya sa dulo ay nganga ang kinalabasan.

Sa madaling salita. Hindi natin alam lahat kung ano ang kayang gawin ng love. Kung ano ang ibibigay niya sa atin–maaari kasing sakit, pighati, kasiyahan, bagong pag-asa, lessons, at marami pang iba. Isa lang ang magagawa nating lahat. Iyon ay ang ipagpasa-Diyos na lamang lahat. Hintayin nating Siya ang magdesisyon. Hintayin nating Siya ang magbigay ng tamang tao para sa atin. Siya lamang kasi ang nakakaalam ng lahat. Lahat ng daang para sa atin kahit pa ang misteryosong daan ng love. Siya ang gagabay sa ating lahat.

Kahit anupaman, patuloy pa rin tayong maniwala sa love. Nakakatakot man, subukan mo pa rin. Atleast, nagkaroon ka ng karanasan. Natuto kang magmahal kahit minsan. Maging curious tayong lahat sa itinatagong misteryo ni "love". Minsan hindi rin masamang hayaan ang ating kuryosidad na pagalawin ang ating katawan. Malay mo, maganda pala ang naghihintay sa'yo.

Open the mysterious box of love now! It's free! But remember to handle it with caution.

Lovingly Yours,
Miss EMO

~♥~♥~♥~

Paalala: Ito ay opinyon ko lamang lahat. Maaaring paniwalaan, maaari ring hindi. Kaya't huwag pong masyadong exaggerated kung manghuhusga, okay? Salamat po sa respect. At hindi rin po ako ang gumawa ng quotation na nasa itaas para malinawan po kayo. Ginamit ko lamang po ito. Salamat po sa tunay na pinagmulan ng quotation.

Love Opinions [COMPLETED]Where stories live. Discover now