LOVE OPINION

2 0 0
                                    

~♥~♥~♥~

L. O.
Number Three
"Love is like a game"

It's really a game and our hearts are the players.

Sa una, nangangapa ka pa sa laro hanggang sa matutunan mo na kung paano at maadik ka na sa paglalaro na ito. Kailangan ng pag-iisip at stratehiya upang manalo ka. Hindi pwedeng pabastahin ang paglalaro dahil ikaw ang matatalo.

May mga times na gagastusin natin ang mga gems ng walang pakundangan at hindi nag-iisip kung para saan ito. At kapag dumating ang time na kinailangan na ito, wala na tayong magagamit. Doon lamang natin marerealize ang halaga ng gem na ginastos mo. Parang sa love din 'yan. Sa una, hindi natin pinapahalagahan ang mga taong pilit na ipinararamdaman sa atin ang kanilang pagmamahal at sa dulo, kapag nawala na siya sa atin, doon lamang natin marerealize na ang tanga pala natin dahil sinayang nating siya. Wala na ang isang mahalagang tao sa atin.

Pero tuloy ang laro ng pag-ibig. Kailangang humakbang pasulong. Isipin ang aral na ibinigay nito sa ating mga puso at gamitin sa bagong challenge. Bagong laban. Gumamit tayo ng power-ups upang matulungan ang mga sarili nating humakbang pasulong. Gamitin ang star booster upang palakasin ang iyong puso. Gamitin ang potions para paghilumin ang mga sugat. Gamitin ang keys para sa second chances. At gamitin ang equipment of trust and positivity upang umabante.

Hindi matatapos ang pagsubok. May mga villain na darating para pahinain ka at turuan ng leksyon para sa pangalawa o pangatlong ulit na makaharap mo ang katulad na problema ay ikaw na ang makakakuha ng victory. Iyang mga villain na iyan ay dumadaan lamang para patibayin ka. Para hulmahin ng mabuti ang iyong puso upang matapos mo ang laro.

May iba naman na gusto ng multiplayer game. Ayan tuloy, maraming nasasaktan. Ikumpara natin ang multiplayer sa third parties na nagaganap. Masakit kasi hindi mo alam, minsan yung kakampi mo pa pala ang papatay sa'yo. Hindi natin alam kung sino ang dapat nating pagkatiwalaan. Sasabihin lang nung nakapatay sa puso mo na hindi niya sinasadya ang ginawa sa iyo pero makikita mo na lamang na tumatawa. Ito talaga yung mga ahasan. Don't worry, hindi lahat ng multiplayer ay masama. Ikumpara din natin ito sa mga tunay na taong palaging nandiyan para icomfort tayo at palakasin ang loob. Yung iba ay poprotektahan tayo at icocover sa laban para sabay kayong manalo. Ang susi lamang sa multiplayer, choose wisely kung sino ang pagkakatiwalaan mo.

Minsan din sa isang game. Kailangan mong gumawa ng mga sacrifices. Kailangan mo munang magpadefeat para malaman at pag-isipang mabuti ang gagawin mong strategy. Pero ayos lamang iyon dahil nagmature ka at may natutunan ka. Na hindi lahat ng bagay, dapat ipaglaban. Yung iba dapat hinahayaan at iniiwan na lamang bilang isang ala ala. Don't forget to take a picture of it and share your lessons to your friends. Ipunin natin ang tokens of lessons natin. At ivalue ang mga gem hearts natin. Bago gastusin ang coin of love para sa tamang tao.

Kapag natalo, i-press lang lagi ang restart at subukang muli. Patuloy lang sa pagsubok hanggang makuha mo ang treasure box sa dulo. Ang treasure box na naglalaman ng bubuo sa'yo. Ang treasure box na inaasam mo.

You can also fix your avatar if you think that it needs to. Alisin ang nagpapasama sa'yo. Alisin ang mga pangit na pag-uugali pero huwag ikahiya ang sarili. Palaging ipagmalaki at hanapin yung taong tanggap at mahal ang avatar mo.

It's okay to be a loser sometimes. But don't do it always. You should always aim for victory. You should be bold and brave to be a winner. Subok lang ng subok di'ba? Fighting lang always!

Lovingly Yours,
Miss EMO

~♥~♥~♥~

Paalala: Ito ay opinyon ko lamang lahat. Maaaring paniwalaan, maaari ring hindi. Kaya't huwag pong masyadong exaggerated kung manghuhusga, okay? Salamat po sa respect. At hindi rin po ako ang gumawa ng quotation na nasa itaas para malinawan po kayo. Ginamit ko lamang po ito. Salamat po sa tunay na pinagmulan ng quotation.

Love Opinions [COMPLETED]Where stories live. Discover now