LOVE OPINION

1 0 0
                                    

~♥~♥~♥~

L. O.
Number Four
"Love is like a book"

Tayo ang mga characters. Ano kayang uri tayo ng characters pagdating sa story of love?

Round?

Often stereotypical. Ito talaga yung mahirap i-gain yung trust. Once kasi na nasaktan na 'to, mahirap na 'to magtiwalang muli. Kapag sinaktan mo at gusto mo ulit balikan, goodluck sa'yo. You need a lot of patience on this type of character. Kasi stereotypical siya eh. Once na nagcheat ang isang tao sa kanya, akala niya lahat ng nasa paligid niya ay ganoon na din. Once na nasaktan siya ng isa, akala niya sasaktan na siya ng lahat. For example, may nanligaw sa kanya at nangakong maghihintay pero napagod at hindi tumupad sa pinangako, masasaktan 'to. Kapag may nanligaw ulit sa kanya, hindi na 'to maniniwala. Ayaw na niya. Parang ang motto niya, "once is enough. I don't believe that in the second time around, you'll never do it again". Ganern! Pero maganda ang character na ito. Siya talaga ang gusto ko sa mga love characters. Parang slightly kasi ganito ako. HAHAHA. Pero inaamin kong minsan masama din ang pagiging ganito kasi hindi naman natin masasabi kung totoong ganoon nga talaga ang mangyayari. Kung nangyari man ng una, hindi dapat muna natin husgahan agad ang pangalawa. Baka, malay mo, hindi naman pala katulad nung una, edi ikaw pa ang talo. Baguhin mo lang ang motto mo round character, dapat ang motto mo ay, "once is enough. Twice can be consider but thrice is too much to take in".

Sabi nga ni Round, "Bilog ang mundo. Hindi mo matutukoy kung sino ang isang tao kung hindi mo pa nakikilala ng totoo kaya dapat matuto rin tayong sumubok at kuhanin ang pagkakataon".

Flat?

Huwag kayong ano diyan! Hindi ito yung dibdib mo! Wala 'tong kinalaman do'n! Ikaw ba ay yung tipo ng character na flat? Exhibit many traits specially when it comes to love. You can be anyone. Napakaraming traits pagdating sa pag-ibig. Ikaw na tanga na nga, martir pa. Ikaw na bulag na nga sa katotohanan, manhid pa. Ikaw na 'di nakikinig sa sinasabi ng iba para masunod lang ang ibinubulong ng puso. Ikaw na talaga! Lahat na yata ng kabaliwan pagdating sa love ay alam mo. Ikaw ito. Ikaw si flat character kung inangkin mo na lahat ng awards pagdating sa love. Hakot awards nga raw. Pero sa sobrang dami mong traits, minsan pati ikaw hindi mo na kilala ang sarili mo. Okay lang maging flat character basta always remember to love yourself first para sa dulo kilala mo pa rin talaga kung sino ka at mapapatawa ka na lang kung hanggang saan ang nakaya mo para lang umarte sa sarili mong palabas at kwento.

Sabi nga ni Flat, "huwag mong dibdibin, wala ka naman no'n. Charr!".

Flat's reply: Author, ano pong connect? HAHAHA.

Jokie lang! Eto na talaga. Sabi nga ni Flat, "it's okay to be the hakot awards queen in love than to be the loser of my own fight".

Dynamic?

You are the type of character that changes. You can change just for your love. You are willing to be a good or bad person. To be a selfish or selfless person. To be the most hated or loved person of people just for him/her to notice you. You can change your whole self. Dahil love na ang umiiral sa sistema mo bilang karakter sa istorya, kaya mo nang gawin lahat kahit pa baguhin ang sarili mo. Kahit pa ang pagbabagong iyong gagawin ay makakasira sa'yo o makakabuti, go ka pa rin para yakapin si changes. Basta dynamic character, tandaan mo lang na dapat isipin mo munang mabuti ang pagbabagong yayakapin mo. Piliin mo kung sinong changes ang tatanggapin mo. Dapat si good changes ah. Good for you. Good for him/her. Good for the people you love. At tandaan mo ring minsan, hindi natin kailangang maki-go to the flow at tanggapin na lang nang tanggapin ang pagbabago. Kasi minsan, maganda na makilala mo yung taong tanggap ka maging sino ka man. (Huwaw! HAHAHA)

Love Opinions [COMPLETED]Where stories live. Discover now