LOVE OPINION

1 0 0
                                    

~♥~♥~♥~

L. O.
Number Six
"True Love Waits"

For me, we should really wait until our true love came. We need a lot of patience when it comes to love. Hindi pwedeng tayo ang maghahanap ng true love natin. Kasi ang love hindi hinahanap, kusa itong dumarating. Ang love hindi ipinipilit, ibinibigay. Ang love ay hindi isang bagay na pwedeng makuha nang ganun ganun lang. We should wait until it was given to us by our God. We should wait until Cupid made our right match. Ako, aaminin kong hindi talaga ako marunong maghintay kaya minsan sa sobrang excited ko ata, ako ang nadidisgrasya. Sa hindi ko paghihintay na tumigil ang stoplight sa pula ay ako ang nabangga nung tumawid ako ng padalos dalos. Ako ang may kasalanan. Isipin nating kung hindi tayo naghintay ng tamang tao, babagsak tayo sa maling tao na sasaktan, iiwanan tayong luhaan. Duguan ang ating mga puso. Kunwari ang stoplight ang tamang oras. At nasa kabilang side ng kalsada yung tamang tao para sa'yo. Kapag naging berde, ibig sabihin tumigil sa pagtawid dahil aandar ang mga sasakyan. Ang mga sasakyan ang mga maling tao na kapag hindi ka nag-ingat, mababangga ka. Baka gawin lang sa puso mo ang hit and run modus. Babala, maaari kang mabangga sa maling tao. Ibig sabihin ng berde, maghintay ka pa. Kapag naging orange na, maghanda ka na. Malapit na kayong magkita. At kapag naging pula, pwede ka nang tumawid ng kalsada at puntahan siya. Hindi rin pwedeng maghihintay ka na siya na lang ang tumawid dahil baka sa pagtawid niya, may makasalubong siyang iba. Ikaw rin! Baka umiyak ka ulit at walang magawa kundi maghintay na naman nang panibagong pagpula ng stoplight. Dapat salubungin mo siya. Pareho kayong magkita sa gitna bago sabay na pumunta sa dulo. Ang dulo ay ang simbahan kung saan kayong dalawa mangangako sa harap ng dambana. Ipapagkakaisa ang mga dibdib at babasbasan ang inyong pagmamahalan. Doon ay ngingitian kayo ni God at masayang ibubulong sa'yo ang mga salitang, "salamat sa paghihintay, anak". Nagbubunyi si Cupid dahil isa na naman sa mga match niya ang naisakatuparan. All in all, still, true love needs patience. Our hearts should wait like how true love waits for us. Lovelots.

Lovingly Yours,
Miss EMO

~♥~♥~♥~

Paalala: Ito ay opinyon ko lamang lahat. Maaaring paniwalaan, maaari ring hindi. Kaya't huwag pong masyadong exaggerated kung manghuhusga, okay? Salamat po sa respect. At hindi rin po ako ang gumawa ng quotation na nasa itaas para malinawan po kayo. Ginamit ko lamang po ito. Salamat po sa tunay na pinagmulan ng quotation.

Love Opinions [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon