Chapter 20

643 16 4
                                    

Chapter 20

      

NATAPOS ang mga seminar namin sa NU. Yung tatlong araw na pananatili ko do’n, hindi ko masabi kong masaya ba ako sa mga nangyari o ano. Hindi ko matukoy kong ano talaga yung nararamdaman ko. Naguguluhan pa din ako. Yung tipong naayos mo na ‘yong isang problema tapos may dumagdag na nagpagulo na naman sa utak ko.

The hell. Kelan ba matatapos lahat ng 'to? Kailan ko kaya malalagpasan ang ganitong senaryo ng buhay ko?

"Je, samahan mo ko sa NBS. May kailangan akong bilhin para sa isang subject ko. Hindi ka naman busy ‘di ba?" napatingin ako kay Ate Jami ng ayain niya si Prim. Akala ko nga ako ‘yong sinabihin e, si Darwin kasi at ‘yong pa-jeje niya sa akin. Nakaka-ano lang!

Nasa office kami ng Photo club. May tinatapos lang akong article, ganun din yung iba naming kasama. Si Prim naman kaharap yung Laptop niya at may ginagawa do’n.

Nakakainggit naman yung ngiti niya para kay Ate Jami. Ibang iba kumpara sa mga ngiti niya sa amin, sa akin. Masama bang hilingin na sana ako nalang siya? Na sana ako ‘yong ningingitian ni Prim ng ganun? Kasalanan ko ba kung bakit ganito?

Napabuntong hininga nalang ako at nag-iwas ng tingin sa kanila.

"Sige, saglit lang. Tapusin ko lang 'tong ineedit ko," rinig kong sabi niya. "Tignan mo nga kung okay na. Pantay naman yung kulay ‘di ba?"

"Oo! Okay na 'yan. Magaling ka eh," napangisi ako ng marinig kong sabi ni Ate Jami 'yun.

"Naks. Dahil dyan kiss mo ko?" otomatikong napatingin ulit ako sa kanila ng sabihin yun ni Prim. Yung iba namang kasamahan nagtatawanan lang at tinutukso sila.

Si Ate Jami naman umiiling pero natatawa. "Ano ka, sinuswerte?" sabi niya ng pabiro.

"Naghaharutan na naman kayong dalawa. Alis na nga, may bitter dito!" biglang sabat ni Kuya Ero na kakarating lang. Narinig niya siguro yung pag-uusap nila kanina.

"Sige alis kami," sabi ni Prim at tumayo. Nilapitan niya si Kuya Ero na hindi pa nakaka-upo sa may sofa pagkatapos ay hinila niya ito papunta do’n sa tapat ng laptop niya. "Ikaw magtuloy diyan Editor-in-Chief!" sabi niya at sumaludo.

Pagkatapos ay hinila na niya si Ate Jami palabas. Napa-iling iling nalang si Kuya Ero habang umupo sa inuupuan kanina ni Prim.

"Naisahan ako nun ah," sabi niya ng natatawa.

"Nga pala Lowriz," napa-angat ako ng ulo ng marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Tinignan ko si Kuya Ero ng may pagtataka. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya kaya't dali dali akong tumango mula sa pagkaka-upo ko.

Tinanong ko naman siya kung bakit.

"Naghihintay yung mga kaibigan mo do’n sa labas. Pinapapasok ko nga, ayaw naman nila eh. Pwede kana sigurong umuwi.." sabi niya sa akin ng nakatingin.

In just one click (Completed)Where stories live. Discover now