Chapter 18

597 23 3
                                    

Chapter 18

 

NAKANGITI akong bumalik sa respective room namin matapos kaming mag-usap ni Adrian. Yung tinik na nakabaon sa puso ko, bigla nalang nawala. Ang gaan gaan na ng pakiramdam ko.

Sinabi ko sa kanya na humanap siya ng babaeng nararapat sa pagmamahal niya. Naweirdohan ako sa sarili ko nung sinabi ko 'yun sa kanya. Ano nga bang alam ng isang disi-syeteng katulad ko ang tungkol sa pagmamahal? Bata pa ako para pag-usapan ang bagay na 'yun pero, may mga bagay talagang hindi maiiwasan. May mga bagay talagang, hindi mo aakalaing maiintindihan mo sa kabila ng murang edad.

Ano nga ba ang pagmamahal para sa akin? Maraming klase ng pagmamahal. Sa sobrang dami, dapat lahat ng tao sa mundo masaya pero may pagmamahal na nagdudulot ng sakit. Hindi lang sa pisikal kundi pati sa kaloob-looban. ‘yong tipong nakangiti ka nga pero ‘yong umiiyak naman ‘yong puso mo. Ang weird no?

I loved Adrian but I never loved him enough. Puppy lang kung tawagin. Pero kay Prim, ano nga ba ang nararamdaman ko? Parang ang bilis naman ata. Ilang buwan palang ako sa kolehiyo, pero bakit biglang ganun nalang? Sabi ko nga, people nowadays are unpredictable. So as feelings. Maaring magbago yung nararamdaman ko. Maaring mapunta sa iba. Hindi ko alam, siguro tadhana nalang ang makakapagsabi.

Pero, kapag nakikita ko siya parang kumpleto na ‘yong araw ko. Kapag kinakausap niya ako, parang nasa langit na ko sa saya kahit hindi halata.  I don't know if this is already love but I'm happy. At least kahit minsan sa buhay ko, nakaramdaman ako ng ganito. Maybe I'm too young but I'll just go with the flow. Hindi ako mag-aassume ng kung ano, makukuntento nalang ako kung anong meron.

 Kung masaktan sa bandang huli, edi masaktan! Pero hindi ako magsisisi. Ganun naman talaga e. Tao lang naman ako. Normal.

Humahanga nga lang ng palihim.

Pero siguro, kapag hindi ko na kaya. Ako na mismo bibigay. Kahit anong kahihinatnan ng nararamdaman ko para sa kanya, ako pa din ang dapat na maging responsable. Hindi ko siya sisisihin, hindi ko siya pipilitin na magkagusto saakin. Hindi naman kasi natuturuan ang puso, ‘di ba?

Pag-ibig. Kusa mo nalang itong mararamdaman.

"Lowriz, bukas kailangan maaga tayong magising kasi kukuhanan natin ng litratro 'tong UN para sa documentation, pati na din yung mga kasamahan natin at mga estudyante dito. Since, tayo lang dalawa ang photography club staff baka matagalan tayo kaya magsisimula tayo ng umaga. Kanina kasi kumuha na ako ng pictures para sa first day," sabi niya saakin pagkatapos namin kumain. Binigyan ko naman siya ng isang tanga bilang sagot.

"Tapos bukas din yung pangalawang seminar. Wag mong kakalimutan yung notes mo. Okay?" paalala niya.

"Oo naman. Hindi ko naman yun kinakalimutan.."

Pagkasabi ko nun bigla nalang siyang umalis ng hindi nagpapa-alam. Kumunot yung noo ko pero kaagad ko din binawi. Bakit nga naman siya magpapaalam saakin. Staff niya lang ako, ‘di ba? Yun lang ‘yun, pero bakit ganoon? Bigla nalang may kumikirot na ano sa bandang puso ko.

Napayuko nalang ako at napabuntong hininga. Kaso biglang may umakbay sa akin kaya’t napa-angat ako ng ulo. Nakita ko si Kuya Ero pala ‘yun.

In just one click (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon