Chapter 6

782 30 9
                                    

Chapter 6

 NANDITO ako ngayon sa office ng photography club, ngayon kasi yung interview ko. Alam niyo yung feeling ko ngayon? Para akong kakatayin sa sobrang kaba. Kanina pa kumakalabog yung puso ko. Kahit anong pilit kong pagpapakalma sa sistema ko, walang effect.

 Kasalanan 'to ni Darwin eh. Nanginginig na din yung kamay ko pasmado pa naman ako. Buti pala at naka-upo ako feeling ko kasi kapag nakatayo ako bibigay yung tuhod ko.

 Nakakinis kasi, bakit kaya ganito epekto saakin nung lalaking yun? Hindi naman ako ganito kapag si Adrian eh.  Atsaka isa pa, hindi din kami close ni Prim tapos biglang ganito nalang ‘yong nararamdaman ko kapag malapit siya. Seriously, anong nangyayari sa akin?

Tumingin ako sa paligid. Busy yung iba, may mga ginagawa atang article. Si Prim naman, wala pa. May inasikaso lang sa labas.

 Hintayin ko daw siya dito.

 Makalipas ang ilang minuto, narinig ko na yung boses niya. Lalo akong kinabahan. Feeling ko natatae ako na ewan.  Nakita kong binati niya yung iba niyang kasama bago siya umupo sa upuan niya. May sarili kasi siyang table.

 "Hi. Ayos ka lang?" tanong niya saakin. Tinignan ko naman siya nakangiti siya. Nakita ko na naman tuloy yung kulay ng braces niya, kulay white.

 Tumango ako bilang sagot. 

 Nabigla ako ng hawakan niya yung noo ko. Jusko, mamatay ata ako ng maaga. Kuryente! Nakaramdam na naman ako nun. "Parang kasing namumutla ka. Wala ka namang lagnat."

 "Nako, wala ah. Ganito lang talaga ako." Iwinawagayway ko pa yung kamay ko nun sa ere na nagsasabing wala talaga.

 "Sige sabi mo eh." tumahimik siya sandali tapos nagsalita ulit. Inextend niya yung kamay niya saakin.

 "Prim Madriga nga pala." tintigan ko yung kamay niya. Hindi ko alam kung kukunin ko. Paano, basa yung palad ko. Pasmado nga ako eh. Nakakahiya naman kung pagkahawak niya mabasa din yung palad niya.

 "Uy! Wala akong germs, nagsafeguard ata ‘to" dugtong niya pagkatapos ay tumawa kaya’t napangiti ako.

"Sorry. Ano kasi---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko siya na mismo yung kumuha sa kamay ko. Buti nalang napunas ko na sa palda ko yun kanina.

 "Yan. Wag ka ng mahiya," tapos shinake niya yung kamay namin. Then pinat niya yung ulo ko. "Ikaw si Lowriz ‘di ba? Nice meeting you for the third time."  Tapos tumayo siya kaya’t sinundan ko siya ng tingin, kinuha niya yung upuan sa gilid at inilagay niya sa harapan ko at do’n siya umupo.

Natitigan ko tuloy siya ng mas malapitan. Medyo mahaba yung buhok niya, may konting highlights. Medyo makapal yung kilay pero tama lang sa mukha niya, hindi siya ganoon kaputi pero hindi din maitim. Moreno ba, pero bagay sa kaniya. Yung mata niya ang ganda, parang ang lalim tapos kapag tinignan ka parang nanunuot sa buo mong pagkatao.

 "Okay, ganito Lowriz magsign ka lang dito." may inabot siya saaking parang log book. "Tapos, bubunot ka mamaya kung ano yung ifefeature mong mga pictures, ipiprint mo nga yun ilalagay mo sa porfolio with your name then ipass mo lang saakin. I'll be giving you one week. Tapos, tawagan nalang kita kung nagustuhan namin yung mga shots mo. Gets mo ba?"

 Sinulat ko na yung pangalan ko dun kasama yung section, address at cellphone number. Tapos may kinuha siya sa gilid na parang bolang crystal.

Ewan ko ba kung anong tawag dun, sa loob nun mga mga nakatuping papel. Do’n siguro ako bubunot.

 "Dito ka bumunot," sabi niya kaya ginawa ko naman. Kinakabahan ako baka mahirap ang mabunot ko. Pero, hindi kaya ko ‘to!

 Binuksan ko na yung papel na nakatupi, pagtingin ko ang nakalagay Inspirations. Binigay ko naman sa kaniya.

 Napangiti pa siya nung binasa niya yun. Nag-iwas ako ng tingin nung bigla siyang tumingin saakin. Baka akala nito, tinititigan ko siya eh. Kahit oo naman. Haay, Lowriz!

 "Madali lang 'to. Kaya mo 'to panigurado," sabi niya saakin. “And, I’ll just give you a piece of advice. Kapag kukuha ka ng litrato, wag lang puro click hindi porket maganda yung subject mo, magiging maganda na ‘yong kalalabasan ng shots mo. You have to give your heart on it, aryt?” Tumango naman ako. Hindi ko maiwasang mapamangha, ang galing niya kasi. Tapos, nakikita ko na alam na alam na niyang sinasabi niya. Yung tipong tested proven na.

"Tatandaan ko po,” sabi ko sa kaniya.

 "Wag mo na akong i-po, nakakatanda eh. Tawagin mo nalang ako Prim o kaya Kuya Pri. Ikaw bahala," Napa-isip ako. Mas prefer ko ata yung Prim lang, para pantay lang.

 Magsasalita sana ako ng may biglang tumawag sa kaniya. "Pri! Si Jami nasa labas na, hinihintay ka."

Tinignan ko yung reaksyon niya. "Speaking of.." Bakit ganoon? Bakit parang... ay hindi. Wag ka ngang mag-isip ng kahit ano Lowriz.

 "Ano?" kunot noo kong tanong. Hindi ko kasi gets yung sinabi niyang speaking of. Ginulo naman niya yung buhok ko at bahagyang tumawa.

 "Wala. Osiya, una na ko ah? Kita nalang tayo next week, same time and same place," umalis na siya nun, ewan ko pero bakit parang ang saya niya. Kinatyaw pa nga siya nung mga kasamahan niya dito eh.

 Nakalabas na ako ng office nila pero bago ko tuluyang maisara ‘yong pintuan, may narinig pa ako.

 "Bagay sila no?" Napahinto ako sa tapat, bakit ganoon? Bakit parang may kumurot.... sa may puso.

In just one click (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora