Chapter 11

635 25 2
                                    

Chapter 11

LUMIPAS ang ilang araw sanay na ako sa mga gawain dito sa photography club. Oo, natanggap ako. Si Prim mismo ang nagbalita saakin bago kami bumalik sa kung saan namin iniwanan sina Darwin kasama si Ate Jami.

 Nakakatawa nga. Kaya pala di ako nakakatanggap ng text o tawag kay Prim dahil mali pala yung isang digit na nalagay ko dun sa parang log book. Hindi ko alam kung pa’no nangyari. Memorize ko naman ‘yong number ko. Siguro dahil wala ako sa wisyo ko nun. Hindi ko alam at wala na akong balak pang alamin. Tapos na rin naman.

 Naglilinis kami ngayon ng mga pinagkalatan namin. Nag-gupit gupit kasi kami ng mga papel na iba’t ibang kulay tapos nag-dikit kami nung mga pictures na kinuhanan namin last event ng school.

 Di na ako masiyadong magkukwento sa iniyo tungkol dun. Wala naman din kasing kakaibang nangyare. Sina Celyn at Darwin naman. Medyo busy din. Sumali kasi si Celyn sa Taekwondo class. Ewan ko kung anong trip ng babaeng yun. Si Theory naman busy sa english club.

 Napalingon ako kina Ate Chin ng magsalita siya. "Bakit ang tagal naman ni Pri!" kaklase niya si Prim. Chinita si Ate Chin. Mahaba ang buhok, slim at may salamin. Medyo malabo kasi ang mata.

 Nakita ko naman na tinapon ni Kuya Ero yung mga kalat na na-ipon niya sa trash bin sa gilid ng pinto. Siya ang Editor in Chief ng The Flash. Lagi siya dito tumatambay at tumutulong samin. Kaibigan niya kasi si Prim.

 "Baka may pinuntahan na naman. Alam mo naman yun. May pagka Dora the explorer.." dahil dun sa sinabi niya. Natawa yung iba maging ako, ang kukulit kasi nilang kasama.

 Mas maputi si Kuya Ero kay Prim. Medyo kulot ang buhok. Makinis ang mukha. Marami ngang nagkakagusto dyan. Bukod sa matalino na, gwapo pa. Crush nga yan ni Celyn.

 "Totoo naman e. Diba Lowriz?" nabigla ako ng tanungin niya ko. Ngumisi nalang ako at bahagyang tumango.

 Nagpatuloy nalang ako sa pagwawalis hanggang sa matapos kami. Umupo kami dun sa sofa para magpahinga. Medyo marami din kaming nilisin.

 "Ero bebe. You going na?" tanong ni Ate Dia kay Kuya Ero.

 Nakita ko siyang tumango. "Tinext ako ni Sir Apol. Urgent meeting daw," Nagpa-alam muna siya bago tuluyang umalis.

Tinignan ko yung relo ko. Alas kwatro na pala. Halos dalawang oras na pala ko dito. 2-30 kasi uwian ko.

 "Ang takaw mo talaga Choi. Bigyan mo nga ko," napatingin ako ng kina Ate Chin at Kuya Choi. Nag-aagawan kasi sila dun sa V-cut.

 "Lowriz, gusto mo na bang umuwi?" biglang tanong ni Ate Dia. Umiling ako sa kaniya atsaka ibinalik ang cellphone ko sa bulsa.

 "Hindi pa naman po. Hinihintay ko din ang text nina Darwin. Sabay sabay kami uuwi." Si ate Dia ang Vice president namin dito.

 Halos ka-close ko sila lahat. Ang babait kasi nila at sobrang pala-kaibigan. Kahit na bago lang ako, di nila yun pinaparamdam. Yung tipong sobrang welcome ko sa kanila.

 Napaliyad ako ng sundutin ni Yell yung tagiliran ko. 2nd year na siya pero ayaw niyang nagpapatawag ng ate.

 "Ang cute nung Darwin na ’yun. Bagay sila no, Ate Dia." napangisi nalang ako. Sanay na akong ina-asar kay Darwin. Buti nalang wala kaming ilangan. Kasi wala namang namamagitan sa amin bukod sa pagiging magka-ibigan.

 "Nako, hindi ah. Mag-kaibigan lang kami nun. No string attached." natatawang sagot ko kaya’t natawa din sila.

 Napalingon kami ng marinig namin ang pagbukas ng pinto.

 It was him. The guy who looks so cool with the scarf around his neck. Sino pa nga ba? Edi si Prim. Wala namang iba e, bukod kay bamboo siya langa ng kilala kong gumagamit niyan.

 "Hi guys," bati niya samin at naglakad papunta sa table niya. Nakita kong ibinaba niya ang kaniyang bag pagkatapos ay pumalakpak sa hangin kaya't nagsitayo kami.

 "Guys, we’ll have a short meeting. I have an important matters to announce." Aniya.

 Umupo na kami sa mga kaniya kaniya naming pwesto. Napangisi ako ng maalala ko na dito sa harap ng mesa at sa mga taong ‘to ako nagpresent. Parang kailan lang, ang bilis nga naman ng panahon.

 Nakita ko na nasa harap na si Prim. Magsasalita na at siya kaya't makikinig na ‘ko.

"Una sa lahat. Sorry kasi ngayon lang ako nakabalik. May inasikaso lang akong ilang bagay tapos nagka-urgent meeting kami kanina. Kasama ko si Ero sa meeting at sinabi niya na kanina niyo pa ko hinhintay." ang lumanay talaga niyang magsalita.

 "It’s okay Prim, go on.."

 "Thanks Dia. Okay, I just want you to all know that I'm going to attend a seminar this friday to sunday. And Lowriz is coming with me.." bakit kapag nagsasalita siya parang ang payapa. I mean, ang ganda ng boses niya. Tamang tama lang.

 "Any violent reaction?" pansin ko ang tingin nilang lahat saakin kaya’t napa-ayos ako ng pagkaka-upo. Teka... What’s happening in here?

 "Lowriz?" napatingin ako sa kaniya ng banggitin niya ang pangalan ko.

 "Yes?"

 "Are you with us?"  naningkit ang mata ko sa tanong niya.

 "Ofcourse! Ang sabi mo aattend ka ng seminar tapos isasama mo si Low--" napahinto ako sa sinasabi ko at tila nagbalik ako sa katinuan.

 Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

 "A--ako?" na-uutal na tanong ko sabay turo sa sarili ko. Narinig ko ang tawanan nila pero hindi ko na pinansin bagkus ay hinarap muli si Prim.

 "Yes Lowriz. Ikaw nga, isasama kita. Since you’re new here you have to experience the seminar I am attending."

 "P-pero--" pinutol niya yung sinasabi ko.

 "No buts. You are coming with me. That’s your punishment," laglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi niya pa din talaga nakakalimutan yung sa wrong number na nalagay ko.

 Friday to sunday with him?  Oh, Jesus why are you doing this to me? You are really making things so complicated. UGH!

In just one click (Completed)Where stories live. Discover now