Chapter 2

1K 30 4
                                    

Chapter 2

DAHAN dahan kung binuksan yung pintuan dun. Wala naman sigurong masama kung pupunta ako do’n, wala naman akong gagawin. Uupo lang siguro. Nakita ko namang walang tao. Ang laki pala dito.  Tapos may mga musical instrument pa do’n sa may parang stage.

 Lumapit naman ako do’n na amuse lang siguro ako. May drums e. Mahilig kasi akong magdrums. Yun lang yung alam kung musical instrument na tugtugin, tinuruan ako ng pinsan ko may banda kasi yun. I have the urged to play it kasi umupo na ako dun sa tapat nun, nakita ko naman yung drums stick sa gilid.

 Kinuha ka yun, hindi naman siguro ako makikick out kung tutugtugin ko yun ‘di ba? At sa isa pa, walang tao dito at alam ko e, soundproof din dito. Huminga ako ng malalim. Ihahampas ko na san yung drums stick kaya lang may biglang nagflash na ilaw kaya napahinto ako.

 May nakita akong lalaki sa gilid ng pinto na may Dslr at kinukuhan ako ng picture. I was so shock kaya naman nabitawan ko yung drums stick sa may drums kaya naman nagcreate ng ingay. Nakatingin pa din ako dun sa lalaking nakatayo, he's still taking pictures of me. Tinanggal na niya yung Dsrl sa tapat ng mukha niya kaya naman I saw he's face.....

Naglakad siya papalapit sa akin. May bag na nasa side ng left arm niya. He's wearing a simple printed shirt na kulay gray tapos may scarft sa leeg niya. He's very simple pero may dating! Nakita kong unti unti siyang lumapit saakin. Im still in a state of shock. At hindi ko alam kung bakit ang bilis nalang ng tibok ng puso ko by that time.

 "You play drums?" tanong niya saakin na may amusement sa mata niya. Ayokong maging OA pero he's voice is pretty angelic, ang hinahon ng pagkakatanong niya dun. Tumango naman ako bilang sagot sa kaniya.

 "That's nice. Freshmen?" tanong niya ulit. Tumango ulit ako. At ang ikinagulat ko nalang ay bigla nalang siyang ngumiti. Kaya naman nakita ko yung ngipin na na may braces.

 "Don't worry kiddo. Hindi kita isusumbong na nandito ka. At hindi din kita kakainin kaya naman magsalita ka naman. Mukha ba akong nangangain ng freshmen?" natatawang saad niya. Mabilis akong umiling  bilang sagot.

 "Ayaw mo talagang magsalita? Osige. Una na pala ako ah? Better yet umalis kana din after, bawal kasi dito dahil aayusin nila para sa darating na Orientation natin. Okay?" sabi at niya tinalikuran na ako para siguro umalis.

 "Natin?" ewan ko pero bigla ko nalang nasabi. Humarap naman siya nun at tumango lang. Hindi ko alam kung niloloko niya ako, kasi kanina ako yung tango ng tango. Nung malapit na siya sa pinto. Bigla siyang humarap ulit saakin.

 "Thanks for the shots." sabay taas ng Dslr niya. You're pretty cool!" sabi niya pa at tuluyan na akong iniwan do’n.

"AM I cool?" tanong ko kay Darwin ng nasa room na kami para sa second subject. Nalaman ko naman na yung 30 minutes rule pala ay kapag hindi umattend yung prof. mo within 30 minutes meaning lang nun ay wala na kayong klase para sa subject na ‘yun. That's cool! Right?

 "No you're not.." sagot niya tapos halata mong nagpipigil ng tawa. What's up with him? Magsasalita na sana ako kaya lang... "You're hot!" bigla niyang tuloy. Binatukan ko naman siya, puro kalokohan ang alam e.

 "Joke lang!" natatawang sabi niya ulit at hinihimas yung binatok ko. "Bakit mo kasi tinatanong at ang seryoso mo?" tanong niya. Bakit ko nga ba tinatanong? Does it matter, anyway? Tinignan ko lang si Darwin. "Wala. Kalimutan mo nalang.."

 Natapos naman ang second subject hanggang third sa last subject namin ngayong umaga ay wala kaming ibang ginawa kundi magpakilala lang. All in all ang boring ng first day of school. May mga nakilala din naman akong ibang classmates ko, pero nakakamiss pa din yung classmates ko nung high school lalo na yung mga bestfriends ko.

 Yung iba kasi sa kanila next year pa mag-aaral magpapahinga muna daw tapos yung iba naman ay sa ibang lugar nag-aral. In short, loner ako ngayong college. Hindi ko kasama yung mga best buddies ko. Bakit ba kasi kailangan magcollege eh? Hindi ba pwedeng magtrabaho nalang agad? Pero naisip ko din, walang magandang oportunity ang makukuha pag di ako nagcollege. Siguro, tiis tiis muna. Tatlong taon nalang naman e. Kaya ko 'to.

 Naglalakad na ako palabas ng main gate ng Campus ng bigla nalang akong nakarinig ng may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko. Si Celyn pala, isa sa mga classmate ko na nakilala ko lang kanina. Lumapit naman siya saakin.

 "Bakit?" tanong ko agad sa kaniya. Gusto ko na kasing umuwi.

 "Buti nalang naabutan kita. Ayoko kong isipin mo na feeling close ako ah? Narinig ko lang kasi kanina habang nagpapakilala tayo sa room e. Kabarangay pala kita. Pwede bang sabay nalang ako saiyo pauwi?" tanong niya.

 Ngumiti ako. "Sige ba.." Nakita ko siyang ngumiti tapos ay naglakad na kami palabas at nag-abang ng dyip na sasakyan namin pauwi.

 "Pupunta ka ba ng Orientation bukas?" tanong niya bigla ng nakasakay na kami. Nagkibit balikat nalang ako at inabot na yung pamasahe sa driver.

 "Kailangan ba yun? Naorient naman na tayo bago yung pasukan ‘di ba?" tanong ko naman.

 "Iba kasi yun. Yung ngayon sa para sa college lang natin yung Orientation. Punta kana please? Para may kasama ako,"

 She's nice. "Bahala na. Baka tamarin ako e."

 "Ai." sabi at halatang nalungkot. I felt a little bit guilt. Wala daw siyang kasama e. Atsaka half day naman na yung orientation pagkatapos nun ay wala ng pasok.

 "Osige na. Pupunta na ako. Baka maiyak ka pa e," biro ko naman. Nakita kong nagliwanag yung mukha niya at parang ang saya niya.

 "Sinabi mo yan! Salamat Lowriz!" nakangiti pa din siya niyan. Ngumiti lang ako pabalik. I guess, I have another school buddy bukod kay Charles Darwin. And I admit It feels good.

In just one click (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon