Chapter 12

678 26 1
                                    

Chapter 12

NAKAUWI na ako lahat lahat, pero hindi ko pa din nakakalimutan yung tungkol sa seminar na 'yun. Iniisip ko palang yung mga posibleng mangyare parang hindi ko na kinakaya. Nanginginig na agad ako sa kaba at hindi ako mapalagay.

Tatlong araw mo ba naman kasama ‘yong taong ayaw mo ng mapalapit saiyo ng tuluyan pero tila yung tadhana na yung gumagawa ng paraan para maging malapit kami sa isa't isa. Na kapag nangyare 'yun, alam ko sa sarili ko ako ang magiging talo sa bandang huli. Ako ang iiyak at masasaktan. Ako ang magdudusa sa mga desisyon ng mapaglarong tadhana.

 "Lowriz, ano nga ba ‘yong sinasabi mo kanina?" biglang tanong saakin ni Papa kaya't napatingin ako sa kaniya. Kasama niya si Mama na naka-upo sa sofa habang nanunuod.

 Napalunok ako bago nagsalita. "May seminar daw po kaming kailangan puntahan sabi nung President po namin sa Photography club. Sa byernes po 'yun hanggang sa linggo," napakagat labi ako matapos sabihin 'yun. Pinagmamasdan ko ang magiging reaksyon ng mga magulang ko. Sa mga oras na 'to, pinagdadasal ko na hindi nila ako payagan ng hindi talaga ako matuloy sa pagsama kay Prim.

 Nakita kong tila nag-iisip si Papa ng sasabihin saakin kaya't nagsalita ako. "Pa, okay lang naman kung hindi pwede. Sasabihin 'ko nalang po na hindi niyo ako pinaya---"

 Biglang pinutol ni Papa yung sinasabi 'ko. "Okay lang anak. Sumama kana, para naman may exprience ka sa mga ganung bagay at isa pa, may tiwala naman kami ng mama mo saiyo kaya hindi na kami mag-aalala pa ng husto basta lagi mong kaming ko-kontakin para alam namin kung ano ng ginagawa mo dun," laglag ang panga sa sinabi ni Papa.

 Pinayagan niya ako? Seriously? Totoo talaga? Napapikit nalang ako at napabuntong hininga. "Pa, hindi niyo pa nga alam kung saan yung seminar na 'yun pinapayagan niyo na nga ako. Sobra sobra naman po ata tiwala niyo saakin," nakasimangot kong sambit. Yeah, imbes na matuwa ako kasi pinayagan ako pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Aish!

 "Bakit Lowriz, hindi mo ba gustong sumama dun at para bang gusto mo na hindi kita payagan kaya't tila kumokontra ka at naghahanap ng butas para bawiin ko yung sinabi ko?" nakataas kilay na tanong ni Papa saakin.

Umiling ako bilang pagtanggi kahit na gusto kong sabihin sa kanila na ayaw ko talaga, kaya lang kapag ginawa ko yun hindi nila ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi yung totoong dahilan sa kanila.

 Inihagis 'ko yung katawan ko sa kama. Nagpagulong gulong pa ko baka sakaling maiwasan kong mag-isip ng tungkol dun. Kung hindi kaya maling number yung nailagay ko dun sa log book, siguro hindi ako ang isasama niya. Pero, kung ganun nga ang babaw naman ng dahilan niya.

 Kailangan ko sigurong mag-isip ng malalim na dahilan para hindi na ako ang isama niya. Pero, ano namang sasabihin 'ko? Alangan naman, sabihin kong ayokong sumama sa kaniya dahil ayoko siyang kasama. Parang ang sama ko naman kung ganun. Eh, ang bait bait niya nga sa akin.

 Kinabukasan, huwebes na. Oh great! Bahala na si batman, pero kakausapin ko nalang si Prim at sasabihin sa kaniya na huwag ako iba nalang.

In just one click (Completed)Where stories live. Discover now