Chapter 15

477 23 13
                                    

Chapter 15

NAPANGANGA ako sa sagot niya. Hindi ko ‘yun inaasahan, hindi ko inaasahan ‘yong sagot na ‘yun. Ang dami ding tanong ang biglang pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa nalaman ko sa mga oras na 'to. Hindi ko alam kung anong salita dapat ang lumabas sa bibig ko. Tila ba naging blanko sa akin ang lahat.

"Miss, sino ka ba?" tanong niyang muli habang sinusuri pa din ako ng kanyang mga nanliliit na mata. Nakapameywang siya sa harap ko.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya. Nangangapa ako sa mga salita. Sasabihin ko bang 'Hello ako si Lowriz, ako yung ka.MU nung boyfriend mo!' Napa-iling ako sa naisip ko. Baka kapag sinabi ko 'yun, hindi na ako abutan ng bukas.

Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ‘yong pintuan ng cr. Sabay kaming napatingin.

"Oh, Lowriz nandito ka pala?" nakahinga ako ng maluwag ng makilala ko yung mga pumasok. Sina Ate Cha pala. Sa ibang club ng school namin.

Ngumiti ako ng pilit. "Opo Ate Cha, bakit po?" tanong ko ng hindi ko tinitignan yung girlfriend ni Adrian na alam kong nakatigtig sa akin sa mga oras na 'to.

Tuluyang pumasok sa loob sina Ate Cha. "Hinahanap ka kasi ni Prim eh. Kumain ka muna raw. Alam mo naman 'yun, hindi niya pinapabayaan mga staff n'ya." nakangiti niyang sabi.

Tumango ako. "Sige Ate Cha, mauna na 'ko.."

Pagkasabi ko nun halos patakbo akong lumabas ng pintuan ng banyo. Hindi ko alam kung bakit gusto ko nalang mawala do’n ng mabilis. Hindi ko alam kung bakit naglalakad ako ng mabilis sa mga oras na 'to. Yung tipong umaayaw ako sa katotohanan. Hindi ko din alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Hindi ako masaya pero hindi din ako malungkot.

Napahinto ako at napasabunot nalang sa aking sarili. "Lowriz ako ba!"

"Ikaw si Lowriz?" halos mapatalon ako sa gulat ng bigla nalang may nagsalita sa likod ko. Nilingon ko siya. Sinundan niya pala ako. Nandito kami ngayon sa corridor, walang masyadong tao dito.

"So, Ikaw nga si Lowriz?" inulit niya ang tanong niya saakin ng hindi ako kaagad makasagot. Bakas sa boses niya ang pangamba, hindi ko lang alam kung bakit. At isa pa, hindi ko alam kung bakit niya ako kilala.

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. "A-ako nga. Bakit mo ko kilala?"

Sa isang iglap mas malapit na siya sa kinatatayuan ko. Mabigat ang mga titig niya saakin pero may halong takot akong nakikita sa mga mata niya.

"Wag na wag mong malapitan si Adrian. Please lang, wag ka ng manggulo!" hindi siya sumigaw pero may diin sa bawat pagbigkas niya ng mga salita.

Napa-urong ako. Alam niya ang tungkol sa amin ni Adrian?

"Hindi naman ako.... wala naman akong balak na manggulo sa inyo," mahinahon ang pagkakasabi ko ngunit nabigla nalang ako ng itulak niya ko.

In just one click (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon