Chapter 24: She's Coming Out!

591 9 5
                                    

SHEENA'S P.O.V

This is the 2nd week of January. Ilang weeks na lang darating na si Little Chap ko. Sabi ng doctor ko dahil nga palapit na ako manganak, it's really important na magpahinga ako. Baka daw kasi pag nastress ako biglang lumabas si baby ng di pa niya oras.

At dahil nga dun, eto ako ngayon bantay sarado sa mga kaibigan ko. Si Kate and Josh ayaw na ako paalisin ng bahay pag gabi na. Kahit nga office meeting pinapauwi ako ng maaga. Bawal na rin ako matulog ng late. Nakakainis nga si Kate! Para hindi ako magtrabaho sa bahay, tinatago niya ang charger ng laptop ko. My goodness!!!!

Ito pa ang isang nakakabaliw sa lahat. Masyado atang kina-career ni Jasper ang pagiging Daddy niya. Every time na gagabihin ako ng uwi, siya ang magsusundo sa akin. Nag-hire na rin siya ng driver para mahatid at sundo ako kung wala siya dito sa Pilipinas o kaya naman stuck siya sa meeting. Every morning may free breakfast din ako from him. Lahat ng gusto kong kainin kahit madaling araw na ay hahanapin niya at dadalhin sa condo namin.

Hindi ko na nga alam ano ang gagawin ko sa kanya. Though nakakatouch at nakakakilig naman talaga ang ginagawa niya.

If truth to be told, I am in love with him. Ayoko lang sabihin sa kanya dahil I'm really not so sure about it. Ayoko na rin masaktan. Syempre pag nasaktan ako, this time hindi lang ako ang masasaktan at magddrama. Syempre kailangan ko rin isipin si Little Chap. Ano mararamdaman niya if ever di pala kami magkatuluyan ng Daddy niya?

"Sheena?"

"Yes?"

"Ano na naman iniisip mo? Di ba sabi bawal kang mastress. Wag mong sabihin work na naman yan ha!"

"Baliw ka talaga Kate! Hindi no."

"Oh eh ano na naman ang iniisip mo? Alam mo friend, sayo parang kasalanan ang hindi nag-iisip. Ano yan hobby?!"

"Sira! Iniisip ko lang si Jasper."

"Bakit? Natauhan na ba siya?!"

"Baliw ka talaga no!!?"

"Hahahaha!!!! Ikaw naman di na mabiro! So, bakit nga?"

"Eh kasi...."

"Wait. Wait. Wait. Narinig ko na yang linya mo na yan eh. As far as I can remember... Naging linya mo rin yan nung umamin ka sa akin about kay..."

"Kate!!!!!"

"Don't tell me...... Omg!!!! Sheena!!! Kailan pa?!"

"Di ko alam. Siguro bago pa mangyari ang lahat ng ito. I guess nung time na naging mas close kami dahil kay Little Chap. And it goes on and on lalo na ngayon dahil sobrang inaalagaan niya ako and nakikita ko sa kanya na sincere siya sa sinabi niya sa akin na mahal niya ako."

"So... What's the plan? Aamin ka ba?"

"Kate... Alam mo naman na..."

"Yeah... I know. The last time na umamin ka sa lalaki ay nasaktan ka ng bonggang bongga. Eh ano plano mo ngayon? Itatago mo yan sa kanya? Baka naman mas lalong mawala yan pag pinaghintay mo pa."

"Complicated kasi."

"Walang complicated girl. Ginagawa mo lang complicated ang lahat. Look, he loves you so much. Don't you dare deny it. Alam ko at alam mo na hindi joke ang pinapakita niya sayo. And YOU love HIM TOO. Anong complicated dun friend?!"

Kate has a point. Pero dapat na ba talaga akong umamin kay Jasper? Hindi ba pwedeng maghintay pa ng konti? I mean hindi naman siya nagmamadali eh. I just need to be sure. This time ayaw ko ng magkamali.

"I'll tell him....soon."

"Yeah right. Sana lang hindi matauhan tong si Jasper. Hahahaha!!!!"

"Sira! Speaking of him... Andiyan na daw siya sa baba. Sasama ka ba sa amin?"

"Nah. Ayoko nga maging third wheel. Hahaha!!!!"

"Sure ka?"

"Yup. I'll be fine here. And besides darating din si Josh mamaya."

"Okay. I'll see you later."

"See yah!"

Paglabas ko ng condo unit namin mabilis naman binuksan ni Jasper ang pintuan ng kotse niya at dahan dahan akong inalalayan pasakay.

Pero bago yun syempre may banat muna siya. Lagi naman niya tong ginagawa pero ewan ko ba di pa rin ako nasasanay.

"You look beautiful today." sabay halik sa kamay ko

Jusko Lord! Ano bang nagawa kong tama at super bless ako ngayon?

"Parang lagi mo naman yan sinasabi sa akin."

"Totoo naman eh. Besides, magaling ako pumili kaya maniwala ka sa akin."

"Yeah right." Eto na naman siya sa pagiging mahangin niya.

"Are you sure you want to go out? I mean baka alam mo na..."

"Di naman tayo magtatagal. Gusto ko rin makalanghap ng hangin. Buong araw na akong nasa loob ng condo."

"Okay."

Pumunta kami sa park ni Jasper at umupo sa bench. Dahil nga gusto ko lang talaga magpahinga sa labas ng bahay, nagdala na lang siya ng mga foods para di na kami bibili. Mostly mga fruits lang ang binili niya dahil hindi naman na ako pwede kumain ng mga junk foods.

Habang kumakain kami pinapanood namin yung mga batang naglalaro sa park. Nakakatuwa yung mga batang ginagaya yung mga nagsasayaw sa court at yung mga aso kasama ang mga nagmamay-ari sa kanila.

"Sheena?"

"Hmm?"

"Kailan ka lilipat sa bahay na pinakita ko sayo nung isang araw?"

WHAT?! Binili niya na yun? I mean, don't get me wrong maganda talaga ang bahay. But that's too much! Napakalaki ng bahay na yun!

Pag nasa loob ka ng bahay, makikita mo yung sala na puro puti at itim naman ang mga gamit. Sa kitchen naman makikita mo ang color white and brown. May 4 rooms ang bahay. Sa bawat kwarto ay may comfort room at walk-in closet. Meron ding mini bar, entertainment room, office and mini gym. Sa labas ay makikita mo ang isang malaking infinity pool at garden na punong puno ng mga halaman habang may 2 swings at maliit na bahay kubo malapit sa pool.

I told you, that's totally enough.

"Are you serious?"

"Yup."

"Pero di ba masyadong malaki?"

"Nope. Mom told me that we should consider it as her gift for Little Chap. You know how excited she is. Mahirap pigilan."

Ayun naman pala. Kaya naman mahirap hindian ni Jasper ay dahil mismong Mommy niya ang bumili ng bahay.

"I don't know? Maybe 2 weeks after pregnancy."

"Okay. I'm willing to wait. I love you Sheena."

Haaaay... Sabihin ko na kaya? Mahal niya ako at ganun din ako sa kanya. Bakit ko pa ba pahihirapan ang mga sarili namin?

"Jasper... May sasabihin ako."

"Ano yun?"

"Jasper kasi...."

Omg.... Ano tong nararamdaman ko?

"Sheena okay ka lang?"

"Y...ye...ah."

Bakit parang ang sakit ng tiyan ko???

"Sheena? Baby?"

"Jasper... Kasi.... AAAAAAARRRRRGGGHHH!!!!"

Dali dali namang tumayo si Jasper sa pagkakaupo.

"Sheena, baby okay ka lang?"

"Jas...per... Sssssss...... Aaaaaarrrrggg!!!!!!"

Ang tiyan ko.... Little Chap....

"Sheez!!! Baby, relax lang okay?"

"ARRRRRGGGGGHHHHHH!!!!! Fvck! Jasper!!!!! Aaaaaaaaahhhhh!!!!!"

"Relax baby. Malapit na tayo sa sasakyan."

Wth?! Relax?! Ang sakit kaya!

"Fvck Jasper! Anong relax?! Sumabog na ang patubigan ko. Lalabas na si Little Chap! ARRRRRGGGGHHHHH!!!!?"

One Night StandWhere stories live. Discover now