Chapter 23: Truths Revealed

513 9 6
                                    

Jasper's P.O.V

Sheeeeez!!!!!! Ano ba tong sinasabi ko?! Teka teka... Uggggh!!!! Jasper! Di ka na naman nag-iisip! At sino naman may sabi sayo na mag- I love you ka?!

See??? Di na siya makapagsalita ngayon! Haaaaay!!!! Lalo lang nagiging ewan tong gabi na to eh. Kasalanan to lahat ni Cass. Hindi pa nga kami nakakain masyado ng mabuti. Panigurado gutom na tong si Sheena.

"Babe... Are you hungry??"

Nakita ko naman ang mga mata niyang bilog na bilog na parang nagulat sa tinanong ko. Yung totoo, yun tinanong ko ba o yung sinabi ko kanina ang nakagulat sa kanya?!

But really... It's not even a question anymore. Isn't it obvious? I'm in love with her. I don't know why this was so fast but everyday being with her, seeing her, having to deal with her mood swings and cravings, dealing with her friends, her work and everything under the sun! I have to deal with those things and it's okay with me. I'm happy making her and seeing her happy.

"Ano bang mahirap intindihin dun?"

"Ha?"

Haaay! Sheez! Napalakas pa tuloy yung iniisip ko!

"Nothing. Do you want to eat somewhere?"

"Nah. I just want to go home."

"Are you sure? You can stay with me tonight. Is that okay with you?"

"Are you sure?"

"Yeah. Sinabi kasi sa akin ni Kate wala daw siya sa condo niyo ngayon. I'm just thinking... What if something happened tonight?"

Nakita ko naman na pinag-iisipan niya yung sinabi ko. Please Sheena... Say yes.

Teka... Ano ba yan! Kung ano ano sinasabi ko.

"Okay."

"Okay?"

"Yes. Okay."

"Bakit?"

"Ha? Anong bakit? Okay ka lang ba Jasper?"

"Ah... Yeah. I'm fine."

Pagkatapos nun ay napuno na naman ng katahimikan ang sasakyan hanggang sa magtake out kami ng food sa Mcdo (yun ang gusto niya) at makarating kami sa condo.

Pagdating namin sa loob kumain lang kami at naligo na rin siya.

Pambihira! Hindi naman kami ganito kanina. Is it because of Cass o dahil sa sinabi ko na mahal ko siya?

Teka... Ano bang hindi tama dun? Yun ang nararamdaman ko eh. Haaay! Ano ba to?! Nakakabading naman kasi. Masyadong madrama!

"I'm done. Dito na lang ako matutulog."

"Okay lang Sheena. Dito or sa spare room na lang ako matutulog. Dun ka na sa kwarto ko."

"Are you sure?"

"Yup."

Tumalikod na siya at akmang lalakad na ulit paakyat pero bigla siyang tumigil. Anong problema?

"Babe, what's wrong?"

"Jasper..."

"Hmm?"

"Totoo ba yung sinabi mo sa akin kanina?"

Oh noooo... Kaya ba siya tahimik buong byahe dahil iniisip niya yung sinabi ko? Sabi na nga ba eh...

Totoo nga ba???

Kahit anong gawin kong pagbali-baliktad ng situation namin hindi mawala sa akin yung nararamdaman ko.

"Yup."

"Ahh... Okay."

"Yun lang ba sasabihin mo?"

Napatigil naman siya sa sinabi ko. Sheez! Jasper! Hindi mo dapat minamadali ang babae.

"Ano kasi..."

"Never mind. Alam kong masyadong mabilis, marami pang pwedeng mangyari. Alam kong marami ka pang iniisip kagaya ang nalalapit na paglabas ni Little Chap. But Sheena.. Kaya ko maghintay kung kailan ready ka na. Kaya kong hintayin yung araw na sasabihin mo rin sa akin yung mga salitang yun. Hindi kita mamadaliin pero hayaan mo akong iparamdam sayo yung mga bagay na gusto kong iparamdam sayo. Please?"

Tinitigan niya ako nang matagal. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

Pwede bang humingi ngayon ng favor? Kahit ngayon lang na mabasa ko ang isipan niya. Tssss...

Parang tatalon na ang puso ko eh. Paano kung hindi siya pumayag? Paano kung all this time wala pala talaga siyang nararamdaman sa akin? Pambihira naman.

Nakakabading na talaga to. Kung alam lang niya ang mga iniisip ko ngayon!!!

Bigla naman siya lumapit sa akin. Hinawakan ako sa magkabilang pisngi at niyakap ako biglaan.

Haaaayyyyyy.... She will definitely be the death of me. And of course our baby. Pag nawala silang dalawa sa akin hindi ko kakayanin.

"Thank you Jasper. Thank you so much. I need time. Ayoko magkamali. Ayoko masaktan. Ayokong.."

"Sssshhh..... I know."






"Don't worry, I'll always be here for you."

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon