Chapter 21: The Calm Before The Storm

742 16 3
                                    

This is it! Kahit anong gawin ko hindi ko na talaga mapipigilan dumating ang araw na ito.

Wedding anniversary na ng parents ni Jasper. Ayoko sana pumunta kaso sabi nga niya ipapakilala na raw ako ng Mommy at Daddy niya sa mga partners nila sa business and other relatives nila. Gosh! Pressure ito ha!

And isa pa, ayoko na rin pumunta dahil ayoko mag-cause ng gulo sa party ng parents niya. I know for a fact na darating dun si Cass. Ayoko naman gumawa ng WW3 dun di ba? Pero sabi nga ni Kate nung bumili kami ng damit sa store last Wednesday...

FLASHBACK...

"Friend, wag na lang kaya ako pumunta?"

"At bakit naman? Andito na nga tayo bumibili ng damit saka ka mag-baback out?!"

"Eh kasi naman... stress na nga itong paghahanap ng damit at sapatos, pressure pa yung parents ni Jasper and most of all, andun si Cass."

"So?"

"Anong so?! Kate naman... alam mo naman na magkakagulo lang dun sa party pag nakita niya kami ni Jasper. Besides, ayoko naman na malaman ng iba na hiniwalayan siya ni Jasper dahil sa akin."

"Girl kaya ka nga pupunta dun to set boundaries eh."

Anong 'set boundaries' pinagsasasabi mo diyan?!"

"Hayyy!! Too naive! Syempre, sayo na ngayon si Jasper.. hindi na sila. So dapat malaman ni Cass kung saan siya lulugar. Hindi mo na kasalanan yun kung ikaw ang pinili ni Jasper. Wala naman tayong magagawa kung minahal ka niya di ba?"

"Pero Kate... masakit pa rin sa part niya yun."

"Siya masasaktan? Ang sabi nga sa akin ni Jasper pera lang daw talaga ang habol sa kanya ni Cass."

"At kailan naman kayo nag-usap?"

"As your bff, it is my responsibility to interrogate your soon-to-be boyfriend."

"Ay nako Kate.. puro ka kalokohan eh. I hope you'll be there."

"Sheena, pwede ba? You're od enough! And wala ako dun kasi kasama ko si Josh sa bahay ng parents niya. They can't wait to spend their weekend with me. Trust me, kaya mo yan. And you're going to wear the best dress and the best shoes ever!"

...........

Kaya eto ako ngayon nagpprepare na for tonight. Sabi ni Jasper, susunduin niya ako ng 8 pm sharp dito sa condo. Kanina pa umalis si Kate kasama si Josh. Nakabili kami ng dress ni Kate. Lime green and black ang color niya. Kasya lang naman siya hanggang sa upper knee ko and hindi naman naiipit si Little Chap since balloon type naman siya. Though gusto ko mag-heels, nagflats na lang ako. Delikado sa sitwasyon ko magsuot ng heels at baka madapa pa ako o madulas.

As for my hair, nakataas lang siya and yung ibang hair ko naka-curl naman sa side. Okay na to. Hayyyy... sana... ayoko naman magmukhang ewan sa harapan ng family ni Jasper and ni Jasper na rin. Nakakainis naman kasi!

One Night StandWhere stories live. Discover now