Chapter two- Then The Unexpected Thing Happened...

1.9K 16 8
                                    

After ko umalis sa condo ni Jasper, pumunta muna ako sa isang fastfood to grab something to eat. Sa sobrang kalasingan ko nga ata pati panlasa ko sa water alak pa rin kaya I decided to buy coffee. Kailangan ko rin to para mawala yung hang-over ko. Thank God it's Saturday! Wala munang work and all that stuffs!

Pagkauwi ko ng bahay nakita ko Kate sa may table at hawak hawak din niya yung ulo niya. Hang-over din?

"Anyare sayo?"

"I just had a terrible head ache, that's all. By the way... saan ka galing? Bakit yan pa rin suot mo? Di ka ba umuwi? And... kagabi... sino yung kasama mo?"

Mommy?! Is that you?! Seriously, daig pa nito ni Kate nanay ko kung magtanong.

"A friend back in college. Sa kanila muna ako natulog."

"WHAT?!"

"Enough with the questions, sa room muna ako ha?"

"Sure."

Iniwan ko na si Kate sa sala at umakyat sa room ko. For sure kasi pag hindi pa ako umalis dun agad, papaliguan ako ng madaming tanong nun!

Naligo lang ako tapos nagblower ng hair then nahiga na rin ako sa kama. Bakit ganun, wala akong naramdaman? Seryoso ba siya na may nangyari sa amin o nagbibiro na naman yun? Pero hindi eh... natatandaan ko pa kasi yun kahit papano. Ugh! Bakit ba kasi hindi ako nag-isip! HINDI NA PO AKO IINOM NG ALAK ULIT. PROMISE!

BZZT..BZZT..

From: O927*******

Where are you?

Really?! Kanina nanay, ngayon naman tatay?! Ano ba?! I needed a damn sleep! Patulugin naman ako oh!

Hindi na ako sumagot sa text ni Jasper at nilayo na lang sa akin yung cell phone ko. Hindi ko alam pero pagod na pagod talaga ako ngayon at kailangan ko matulog.

"SHEENA!!!!!!"

Nagising na lang ako sa malakas na sigaw ni Kate sa baba. May sunog ba ha? Dire-diretso naman ako lumabas ng room ko tapos andun lang pala siya sa harapan ko. Ano bang topak nito ngayon?

"Ano ba?! Makasigaw ka naman parang wala ng bukas!"

"Hoy Ms. 'A-friend-back-in-college' may bisita ka po sa baba."

"Huh?! Sino naman?"

"Ahhh... sino pa ba?"

Huh? Weirdo nito! Tinatanong ko tapos sasagutin din ako ng tanong?

"Sino nga?"

"See for yourself."

Bumaba na siya ng hagdan kaya naman sumunod na rin ako sa kanya.

"Good afternoon Sheena!"

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman saan ako nakatira?"

"Relax. I've been worried sick because of you. Akala ko hindi ka nakauwi ng safe kanina eh. Di ka kasi sumasagot sa texts or even calls ko."

Oo nga pala. Tinago ko nga pala yung cell phone ko para walang makaistorbo sa akin. Pero bakit naman niya ichcheck kung nasaan ako? Di naman ako bata para mawala ah?

"Aaahhh.... so bakit nga andito ka?"

"Ahhm... alis muna ako guys ha? Be back in a bit."

Umalis si Kate sa sala tapos pumunta ng kitchen. Pero bago siya umalis tinignan niya muna ako with her, 'you-have-some-explaining-to-do-missy' look niya.

"I just want you to ask on a date. Okay lang ba?"

Date?! Ngayon?! Agad?! Nagmamadali? May taxi?!

"Now?"

"No." Buti naman....

"Tonight."

WHAT THE HELL!

It's been two months since Jasper and I started dating. I still remember that day nung inaya niya ako makipagdate. The look on his face when we're eating and the look on Kate's face nung umalis na si Jasper sa bahay.

FLASHBACK...

"You naughty naughty girl! Akala ko ba friend lang? Kailan pa kayo naging 'friend' ni Jasper?! Edi ba nung college tayo, kulang na lang isumpa mo siya? Tapos ngayon..."

"I think he's changed." Ayun lang yung sinabi ko kay Kate tapos umalis na ako sa harapan niya. Marami pa akong dapat isipin like... anong isusuot kong damit and all that. Ugh! Hindi naman kasi ako mahilig mag-ayos. Okay na sa akin yung shirt and shorts o ano yung andiyan. Hindi naman ako model eh... editor at photographer lang.

"So.... anong nangyari kagabi?"

"KATE!"

"What?! Obvious naman sa inyong dalawa eh! Hahahahaha!!! Ikaw ha!"

"Shut up! Alam mo tulungan mo na lang ako dito, pwede?"

"Sure! Para sa upcoming love life ng besty ko.. why not? Hahahah!!!!"

END OF FLASHBACK...

Napakabilis nung mga nangyayari sa amin. Aaminin ko sa inyo, dun sa two months na nagddate kami, medyo nagugustuhan ko na yung ugali niya. Hindi ko alam kung improvement na ba yun o ano. Pero as far as I know, wala pa naman kaming relationship. We're just dating.

Mahirap pa kasi pumasok sa isang relationship ngayon. Lalo na kung kay Jasper Cruz lang din naman.

Sa ngayon, two weeks na kami hindi nagkikita dahil nasa Europe siya for a business trip. Siya kasi yung nagmmanage ng business ng family niya since only child siya.

"Sheena! Tara, kain na tayo ng lunch."

"Sige sunod na ako."

Papatayo na sana ako ng table ko nung bigla akong nahilo.

"Okay ka lang? Gusto mo mag-half day ka muna? Wala namang pictorial sa ngayon eh."

"Okay lang ako."

"Napapansin ko, last last week ka pang ganyan ah? Nagpacheck up ka na ba?"

"Okay lang ako. Baka stress lang to."

"Okay sige. Pero I suggest na magpahinga ka muna ngayon at magpacheck up. Baka mamaya iba na yan."

Ngumiti lang ako kay Kate tapos dumiretso na rin sa canteen.

Pagkatapos ng lunch, umuwi na rin ako ng bahay para magpahinga. Hindi rin kasi nawawala yung hilo ko at parang gusto ko lang ilabas yung mga kinain ko.

Pagkauwi, nagtatakbo ako papuntang cr para malabas ng kinain. Shocks! Anong sakit na naman ba to?

Binuksan ko yung cabinet dun sa may cr tapos may isang bagay na naka-caught ng atention ko. Teka...

Ilang buwan na ba...

Tinignan ko yung diary ko sa room tapos hinanap ko yung date kung kailan yung huling period ko.Nakalagay dun sa diary ko, April pa yung huling period ko.

This can't be true.... 2 months na akong delay...

Hindi kaya.......

One Night StandDove le storie prendono vita. Scoprilo ora