Chapter 28: Valedictory Speech

1.1K 31 0
                                    

A/N: At dahil matagal akong nawala, I'll make it up to you.. Heto na ang karugtong. Enjoy.. Don't forget to like and leave a comment!

 Don't forget to like and leave a comment!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Flashback

Yun na nga, grumaduate ako with flying colors. With united colors of Benetton talaga.

Araw ng graduation. Nasa unang hanay ako kasama ang 9 ko pang nasa Top 10. Ganun pa man, galit parin sa akin ang aming Salutatorian, handang handa na daw siya sa kanyang Valedictory speech sana na inihanda ng kanyang advisor, namemorize nya na 1 month ago pa. Ako, simple lang ang naging Valedictory speech ko at alam kong tumatak ito sa batch namin..

"We may call on our Valedictorian, Casey, for his Valedictory Speech..."

Palakpakan ang lahat habang tinatahak ko ang kahabaan ng stage. Dinig na dinig ko din ang cheers ng aking mga kaklase sa 3rd Section....


"To our beloved principal Mr. Tadeo, to Miss Alegado, our assistant principal, teachers, admins, schoolmates, good morning! Nandito po sa inyong harapan ang patunay na anything can happen if you will just aim for it. 

It all started with a hope of being part of Section 1, kasi alam kong kapag naging part ako ng Section 1, may chance akong mapasama sa Top 10 or magkaron ng chance na maging iskolar sa highschool, I had that dream. Sa kasamaang palad, ng dahil sa mga di kanais nais na pangyayari, naging hindi maganda ang aking grades nung Grade 5 at naging dahilan ito para maging parte ako sa Section 3 ng Grade 6.

Sa totoo lang, I was a bit disappointed kasi nga I was hoping to be part of the 1st section dahil nga sa goal ko. Dahil sa aim ko. Dahil sa dream ko. Akala ko tapos na lahat, akala ko hindi na ako makakatapos ng pag-aaral dahil salat lang po kami sa salapi. *nangingilid na ang luha ko*

Hindi ko po ikinakahiya na nangangalakal po ako halos araw araw para makapagbaon. Ayoko po kasing manghingi kay nanay at tatay kasi alam kong kailangan din nila ito para sa aming pang araw araw na gastusin. Bagama't salat man kami sa pamumuhay, ay mayaman naman ako sa pagmamahal nila. Kaya tayong lahat, magpasalamat tayo sa ating mga magulang dahil anjan sila para sa atin. Para sa ating kinabukasan. Nay, tay, maraming maraming salamat po sa lahat ng sakripisyo nyo. Hindi ko po ikakahiyang naging magulang ko kayo. Mahal ko po kayo... *Yun na, naluha na ako*

Ahm.. *habang pinupunas ang mga luha*.. Gusto ko ring magpasalamat sa aking advisor, Mrs. Bustamante sa walang sawang pagsuporta sa aming mga mag-aaral nya. Salamat po at hindi ka sumuko para sa amin. Salamat sa pagiging pangalawang ina namin.

Sa mga naging guro ko, namin. Maraming maraming salamat po sa inyong pasensiya kahit alam kong sumasakit ang ulo nyo paminsan minsan. Lalo na sa section namin. Salamat at patuloy parin kayong nagbibigay ng encouragement na kinakailangan talaga ng bawat isa sa amin. Maraming salamat po.

Sa mga klasmeyts ko. Maraming salamat at dahil sa inyo, nahanap ko kung ano talaga ang passion ko, at yan ay ang maging inspirasyon ng bawat isa sa inyo. Naging malaking tulong kayo upang makamit ko ang lahat ng ito pero nagpapasalamat ako sa Diyos dahil lahat tayo ay nakarating sa Finish Line. Lagi nyong tandaan, na ang buhay ay isang laro lamang, sometimes you win, sometimes you lose, but when the ball strikes hard, then you should strive harder. Lage nating tandaan let's always fight for a seat to a table. Ipakita mo kung ano ka. Kung ano ang kaya mong gawin. 

My Ever Gorgeous BekitaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon