Chapter 21: Surprise Visit

1.2K 45 2
                                    


Casey's POV


Nagising na si Papa mula sa pagkakacoma neto ng 2 araw. Napaiyak ako.

"Pa! Salamat sa Dyos at gising ka na!"

"A..An..Anak...!"

Napayakap ako sa tatay ko ng mahigpit. Akala ko ano na mangyayari dito.

"S..Sino tong mga to?" sabay tingin sa mga bisita ko.

"Ah.. Si Darryl at Pia po."

Habang nagpakilala ako sa mga bisita ko, nag bless naman si Hero kay papa.

"Mabuti naman po at nagising ka na po."

"Uyyy. Hijo."

"Siya yung nag kontak sa akin pa nung nangyari to sayo."

"G..Ganun ba? S.. Salamat dong."

"Walang anuman po. Kahit sino ay gagawin din naman yung ginawa ko."

"A.. Anak. U..Uwi na tayo. Wala tayong pambayad sa bills dito." habang nakatingin sa akin.

"Wag ka na po mag-alala tito. Settled na po lahat." ani Hero.

"P.. Panong..?"

"Sila mama at papa po."

"G... Ganun ba? Yun talaga sila o. Ambabait talaga." ani papa na parang maluluha na.

"Kaya wag ka na mag-alala pa. Magpahinga ka na lang."

Ngumiti si Hero sa akin. Na tila kinainisan ni Darryl.

Maya maya pa ay lumabas si Darryl at Hero para bumili ng makakain namin for lunch. Pinigilan ko sana sila kaso nainis silang dalawa nung tinanong ni papa kung sino si Pia. 

KUNG GIRLFRIEND KO BA ITO.

O_O

"Naku po, magkaibigan lang po kami ng anak nyo. Pero malay po natin." sabay kindat sa akin ni Pia. Namula ako. Di ko alam nararamdaman ko.

"Nakuuu. Pag ikaw ang naging GF ng anak ko, maswerte ka jan. Mabait, matalino at gwapo pa."

Napaubo ako.

Sinasakyan naman ni Pia si papa.

"Naku. Alam ko po ang mga yan kaya gustong gusto ko tong anak nyo." si Pia naman na may pangungutyang ngiti.

"Oh. Anak? Ano pa hinihintay mo? Baka maagaw pa to ng iba." sabay sabi sa akin ni Papa.

"Pa!..."

"Pasensiya ka na Pia. Palabiro talaga yang papa ko na yan."

Yung dalawa ayun at lumabas na. Parang sasabog na e. HAHAHAHAHA.


FLASHBACK | Final Days of Grade School Life


Naging matagumpay kaming lahat sa section namin kasi kaming lahat ay nakapasa sa Final Exam. Tuwang tuwa ang aming guro na si Mrs. Bustamante. Mangiyak ngiyak pa siya nung binasa nya ang resulta ng final na exam sheets. Di siya makapaniwala na sa 10 taon nyang mag handle ng section 3, nakapasa at gagraduate ang lahat. Nagpasalamat siya ng taos puso sa akin. 

"Hindi po mam. Ikaw po ang dahilan kung bakit lahat kami makakagraduate. Dahil po sa suporta nyo. Sa pagiging maalahanin nyo po sa amin. Salamat po." aniko.

Napayakap sa akin si Mrs. Bustamante.

"Nga pala, sasama ka sa akin sa meeting mamaya. May ipapagawa sa inyo." sabi ni Mrs. Bustamante.

My Ever Gorgeous BekitaryWhere stories live. Discover now