Chapter 9: Bonding Time

1.6K 42 0
                                    


Casey's POV


"Hello po Tay? Napatawag ka po?"

"Anak, na miss na kita kaya napatawag ako. 1 buwan ka nang di nagpapakita sa akin."

"Pasensya na po Tay, naghahanap pa po kasi ako ng trabaho e."

"Ganun ba? Kamusta ka naman jan sa Maynila?"

"Ok lang po tay, medyo mahirap."

"Ganyan talaga yan anak, tawagan mo lang ang tatay pag kailangan mo ako."

"Opo Tay!"

"At tsaka, baka naman gusto mo na ako ipakilala sa gerpren mo."

Takte.

"Tay naman. Wala pa nga ako trabaho, girlfriend pa."

"Hahahaha. Joke lang anak."

"Tay, ok ka lang ba jan?"

"Oo naman. S.. Sige na anak. Balik na sa trabaho si Tatay."

"Sige tay. Ingat ka po lage. Bye."


Ano kaya ang problema ni tatay at napatawag to? Hmmm.

Naalis na lang sa isip ko si tatay nang dumating na si Pia.


"Im sorrryyyyy.. Antraffic!" sabay beso sa akin.

"Its ok."

"Tara na."

"San tayo?"

"Heto" sabay abot sa akin ng movie tickets.

"Ahm. Movie?"

"Obvious ba? HAHAHA. Gustong gusto ko yang panoorin last week pa e."

Binasa ko kung ano ang title neto.

"Resident Evil: Retribution... Maganda ba yan?"

"Super. Idol ko yang bida jan e. Si Mila."

"Ah. Sige."

"Wait, di mo pa napanood ang kahit isa sa mga Resident Evil movies?"

"Nope. Di pa. Pero naririnig ko na siya noon pa. Kaso wala kami pang movies e. HAHAHAHA"

"Ganun ba?"

"Oo."

Habang naglalakad kami papuntang Movie Theatre, nakasalubong namin ang isa sa mga nagmamanage kay Pia.

Bigla naman itong nagtago sa likuran ko.


***

Pia's POV


GEEEZZZZZ. BAKIT BA KASII????

"Pia? Wag ka nang magtago at nakita na kita." sabi ni Mamshi Jona, ang baklang manager ko. I mean isa sa mga managers ko.

"Hi... Hi po.."

"Akala ko ba may sakit ka at pinacancel mo lahat ng mga gawain mo today?"

"T...Tita sorry na po. Napapagod kasi ako e."

"Haaay. Talaga kang bata ka. Napakaswail mo talaga."

"Sorry na po. Nagpapahangin lang ako dito."

Napatingin siya kay Casey na ang mga matay nakatingin kahit saan.

"At sino naman tong pogi mong kasama?"

My Ever Gorgeous BekitaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon