Chapter 20: Hospital Room Affair

1.3K 44 0
                                    


Casey's POV


"HUY! Nakatunganga ka na lang jan. Kain na uy." ani Hero na ngayon ay nasa harapan ko rin para kumain ng dala nyang pagkain.

"A.. Ay.. I am sorry." antagal ko palang nagmumuni sa nakaraan.

"Hahaha. Ok lang. Kain ka ng madami." si Hero.

Napatingin ako kay Papa. Ang himbing ng tulog nya. Sana naman ay mabilis ang kanyang paggaling para makapagbonding naman kami before man lang matapos ang leave ko sa work. Hindi ko napansin ang haba ng pagbabalik tanaw ko noon.

"You know what? Na miss ko to." biglaang sabi ni Hero.

"Ako din." Nangisi ako.

"Masarap ba ako? I... I mean yung food ni Mama?" mautal utal na sabi ni Hero, tinitease na naman ako.

"Naku Hero, tigil tigilan mo na yang ganyan ha. Graduate na ako sa mga ganyan mo." sabi ko naman habang hinihimay ang pagkain.

Napatigil ito ng very lite. Oo nga pala, for the first time in history, mula nung nag graduate kami sa Elementary, ngayon lang ulit kami nakapagbond. Civil na lang kasi yung pag uusap namin simula mag graduate kami kasi di na kami magkasama sa highschool. Local school ako at bumalik naman siya sa syudad para dun mag aral ng high school. Pero consistent parin naman siya sa pag pupunta ng bahay namin pero di ko na siya hinahayaang matulog sa amin, or ako sa kanya sa bahay nila. Nasaktan kasi ako, Charo. HAHAHAHAHAHAHA.


Continuation of Flashback


May mga lalaking dala dala pamalo. Nakikilala ko ang mga yun. Boyfriend ni Holly ang isa. Ang current 3rd Place overall from Section 1. Galit na galit itong nakatingin sa akin. 4 sila. Alam kong ako ang punterya nila. Sila din yung namugbog sa akin the first time. Di pwedeng mabugbog ako ngayon. Kaya tumakbo na lang ako. Palihis ng daan ko. Palapit sila ng palapit sa akin. Binibilisan ko na ang lakad ko na parang patakbo na. 

"Pre, habulin na natin!" sigaw nung boyfriend ni Holly.

Tumakbo na ako. Pabilis ng pabilis ang takbo nila, malapit na nila akong mahabol nang makabangga ko ang isang lalaki. Mga kasing edad ko pero halatang mayaman.

"araykup!" napatumba ako.

Hahambalusin na sana ako nung mga mokong na iyon pero na high kick nung lalaking nakabangga ko.

O_O

Natumba yung boyfriend ni Holly.

Nakaposition na parang naka taekwondo yung lalaki.

"Gago ka ah! Wag kang mangialam dito." sabi ng kasamahan ng boyfriend ni Holly at sinugod nito yung lalaki na tumutulong sa akin ngayon.

Nakaiwas ang lalaki at bigla niyang na AXE KICK ang mokong, tumaob at parang nahimatay.

Nakaiwas ang lalaki at bigla niyang na AXE KICK ang mokong, tumaob at parang nahimatay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Ever Gorgeous BekitaryWhere stories live. Discover now