Chapter Fourty

777 48 0
                                    

Third Pov
Nagulat ang lahat sa kanilang nasaksihan ng nakita nilang wala ng malay si george at nakita nilang saksak parin ito ni evil queen hindi nagdalawang isip na sugurin ng nga demistar wizard si evil queen na may galit sa kanilang kalooban dahil sa ginawa nila kay george

Pero bigla may lumabas na puting ilaw at tumama sa mga demistar wizards na papasugod sana kay evil queen

At lumabas si good queen at parang prinoprotektahan si evil queen

Pero di sumuko ang lahat at tumayo tyaka silang pumwesto ulit lahat para umatake gamit ang kanilang mga mahika ng may narinig silang

"Wag kayong gagalaw!"
Sabi ng isang boses at lumabas naman si good king na prinoprotektahan din si evil queen

"Wala na ang propisiya na sinabing tatalo sa akin, sadyang makapangyarihan lang ako at walang tatalo sa akin basta-basta, ngayon kayo naman ang isusunod ko"
Sabi ni evil queen

Ikinumpas ni evil queen ang kanyang kamay at merong itim na enerhiya ang papunta kung saan nakatayo ang mga demistar wizards

Shield of kingdom defencia
Sabi ni ruhama at lumabas ang shield pero nabitak ito at nawasak sa isang iglap ng tumama ang itim na enerhiya

Tumingin si robert kay evil queen para pasukin ang kanyang isipan ng biglang sumakit ang kanyang ulo at napatingin si robert kay good king na ngayon ay nilalagyan ng harang ang isipan ni evil queen para hindi mapasok ito ni robert basta-basta dahilan para sumakit ang kanyang isipan

"Ahhh"
Sigaw ni robert sa sakit na kanyang nararamdaman

Electric water explosion
Sabi ni stephen at merong tubig ang pasugod sa pwesto ni good king ng biglang tumigil ang tubig na iyon at bumalik sa pwesto ng mga demistar wizards at sila ang napasabogan at yun ay kagagawan ni good queen

Nagsabay na gumalaw si kevin at diana at pinagsama nila ang kanilang kapangyarihan

Land of fire
(Isang combination ng magic na kayang gawing apoy lahat ng lupa na inaapakan ng mga kalaban)
Sabi ni lang sabay at naging apoy ang lupa na inaapakan nilang lahat at madaming mga halimaw na wizards ang nadamay

Pero itinutok ni evil queen ang kanyang kamay sa dalawa at pinatamaan nya ito ng itim na bola na sumasabog pag dumadapo na sa mga balat na kanyang mga kalaban at napahandusay sina kevin at diana sa gilid

"Wala na kayong laban sa akin"
Sabi ni evil queen

At tinaas nya ang kanyang dalawang kamay at tyaka nagsalita

Ako si evil queen, binubuksan ang portal ng kailaliman ng kadiliman, at higupin lahat ng aking mga kalaban
Sabi ni evil queen at biglang humangin ng malakas sa paligid at tyaka lumindol ng malakas at merong lumabas na malaking itim na butas sa kalangitan na nagpakaba sa mga demistar wizards

"Ngayon makukulong kayo at mamamatay na rin sa kailaliman ng kadiliman, at walang sino man ang makakapagligtas sa inyo, kahit si god odin"
Sabi ni evil queen

"Pero punyal nya ang papatay sayo"
Sabi ni george sa likuran ni evil queen at tinignan ni evil queen kung sino yun pero huli na ang lahat ng nasaksak na ito ni george sa bandang puso neto si evil queen gamit ang punyal ni god odin
At gulat na gulat naman ang mga demistar wizards kasi akala nila patay na si george pero ang george kanina na nakita nilang patay na ay biglang naging abo

"Tapos na ang laban anak"
Sabi ni good queen kay george at tyaka tumingin si george sa kanyang amang hari at inang reyna na lumapit kung saan nakatayo si george

At makikita na rin kay evil queen na nahihirapan na sya

"Pa-paanong?"
Nahihirapang tanong ni evil queen

"Hindi kaba nagtataka na ang hina ng kalaban mong ako kanina?"
Sabi ni george

"Hi-hindi i-ito ma-maa-ri"
Nahihirapang sabi ni evil queen at nagtataka din si evil queen kung paano nya napakawala sa mahika neto ang kanyang mga magulang at kasabay din nun ay nawala narin ang blackhole na ginawa ni evil queen kanina para ikulong sana ang mga demistar sa kailaliman ng kadiliman

At ngumiti si george na nakatingin kay evil queen at tyaka nagsalita

"Paalam at magpahinga ka evil queen"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ABANGAN

The Gay And The Magic High Heels (BXB) COMPLETEDWhere stories live. Discover now