Chapter Twelve

1.1K 73 1
                                    

Disclaimer Alert
Wag mong kakalimutang mag Subscribe sa aking Youtube Channel na Pempem Vlogs
*****************************************

Third Pov

"Evil Queen merong kakaibang kapangyarihan ang nasa ating mundo, kung tutuusin nasa kingdom ng Scola sya ngayon" sabi ni Good Queen pero kontrolado parin ito ni Evil Queen

"Anong ibig mong sabihin na kakaibang kapangyarihan?"
Tanong ni Evil Queen na nagkakaintirisado na sa sinasabi ni Good Queen

"Hindi maintindihan ang kanyang kapangyarihan pero natitiyak kung kaya mo itong pantayan"
Sabi ni Good Queen na nagpangiti kay Evil Queen

"Sabihin mo sa mga kawal na mag ensayo para sa susunod na sasalakayin nating kaharian at ito ang Kingdom ng Winda ihuhuli natin ang Kingdom ng Scola"
Sabi ni Evil Queen kay Good Queen

"Masusunod mahal na reyna"
Sagot nya at umalis na ito sa harapan ni Evil Queen

George Pov
Patayin mo silang lahat.... gumising ka at maghasik ng lagim..... wahhahahahahha

At bigla na lang akong napadilat pero ng tignan ko ang aking paligid ay nandun parin ang mga studyante at lahat sila ay nakatingin sa akin nasa tabi ko ang mga Wizard Prof at meron din akong nakitang mga kasamahan nilang mga studyante at sila ang mga nakita ko sa upuan ng mga wizard na nasa Demistar Section pero merong lalaking pumukaw sa aking mata at nagpatibok ng aking puso, gwapo sya, maputi ang kutis, matangos ang ilong, mapulang labi, at bilogang mata, hahawakan ko na sana ang aking bandang dibdib para pakiramdaman ito pero ngayon ko lang napansin na nasa loob ako ng bilog na salamin at ang mga kamay at paa ko ay may kuryenteng nakatali... pinipilit ko itong tanggalin pero sadyang malakas ang mahika

"Pakawalan ninyo ako dito!"
Sabi ko

"Hindi ka namin papakawalan hanggat hindi namin nalalaman ang pakay mo"
Sabi ni Prof Lerma

"Wala po akong pakay, ang gusto ko lang ay mabuhay ng payapa dito sa inyong mundo"
Sagot ko at nagsibagsakan na pala ang aking mga luha

"Hindi kami madadala sa paiyak iyak mo na yan"
Sabi ng lalaki na nagpukaw ng aking tingin kanina

"Pakiusap"
Sabi ko pero lumapit ang lalaki at hinawakan ang bolang salamin na kung saan nandito ako ngayon at napahiyaw ako sa sobrang sakit na hindi ko malaman kung ano ang dahilan

"Hanggat hindi mo sinasabi kung sino ka, mawawalan ka ng lakas hanggat maghina ka kaya sabihin mo na kung sino ka"
Sabi nya at napabunghalit na ako ng iyak sa sobrang sakit na ngayon ay aking nararamdaman

"Tama na yan!!!"
Sabi ng isang studyante at nakita ko na si Ruhama ang sumigaw nun

"Wag kang makialam!"
Sabi ng babae na kasama sa Demistar Section at biglang umitim ang mata ng babae at biglang dumilim sa paligid at pinatamaan si Ruhama ng kidlat

"Wag!!!!"
Sabi ko at nakita ko namang nasangga ni Ruhama ang kidlat pero kitang kita mo kay Ruhama na bigla na lang itong naghina at nakita kung inuubos pala ng lalaking nagpapahina sa akin ngayon si Ruhama at muli na namang pinatamaan ng babae ng kidlat ang aking kaibigan ng pa ulit ulit at nasasangga parin ni ruhama ito pero merong time na natatamaan na ang katawan ni Ruhama

"Wag!!! Itigil mo yan babae!!!"
Sabi ko sa babae na may kapangyarihan ng kidlat

At ng tumagal ay matatamaan na si Ruhama ng kidlat pero

"Tama na yan!!!!"
Sigaw ko at biglang umilaw ang aking bandang dibdib at ang aking mata at nabasag ang bilog na salamin at napatalsik ang mga Wizard Prof at ang mga Demistar Wizard at napunta agad ako sa side ni Ruhama at sinangga ang kidlat

Hindi ko alam kung anong nagyari pero parang nag teleport ako sa tabi ni Ruhama

Third Pov
Tumingin si Robert kay Marivic na may kapangyarihan ng kidlat at nakuha nya agad ang pinahiwatig ni Robert sa kanya kaya pinatamaan lang ng paulit ulit sina Ruhama at George pero walang kahirap hirap na sinasangga lang ito ni George

Tumingin si Robert kay George para kontrolin ito at biglang tumigil si George pero tumingin rin ito sa kanyang mata at biglang sumakit ang kanyang ulo at napasigaw si Robert sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman at nagulat ang mga Wizard Prof at mga Demistar Wizard kasi heto lang ang kaunaunahang natalo sya sa Mind Controlling

"Tumigil na kayong lahat!!!!"
Sabi ni Havana na ngayon ay nasa ere at umiilaw ang kanyang mata

ABANGAN

The Gay And The Magic High Heels (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon