Chapter Five

1.6K 83 0
                                    

Disclaimer Alert
Wag mong kakalimutang mag Subscribe sa aking Youtube Channel na Pempem Vlogs
*****************************************

GEORGE POV
Merong biglang malakas na pwersa ang tumama kay sir kaya tumama ang kanyang katawan sa lamesa dahilan para masira ito... at nararamdaman ko sa aking katawan na parang gustong lumabas at umilaw na lang bigla ang aking mata

THIRD POV
Gulat na gulat ang guro sa kanyang nakikita ngayon at di nya pa makuha-kuhang tumayo dahil sa gulat, nawala naman ang ilaw sa mata ni George at nakita ang kanyang guro na nakahandusay sa sahig kaya nilapitan nya ito agad at pinatayo
“sorry po sir” sabi ni George sa kanyang guro
“its okey” sabi ng guro kay George
“ano pong nagyari sir, bakit meron pa rin akong naaalala sa mga nangyari kanina?” tanong ni George sa guro
“hindi ko alam pero kung itoy ating titignan, ang iyong kapangyarihan ang pumipigil sa aking kapangyarihan para mabura ang iyong memorya, and I am telling you this kakaiba ang kapangyarihan mo” sabi ng guro kay George na nagpakunot ng kanyang noo
“so ano nang gagawin ko sir alangan naman na ganito na ako” medyo may lungkot na sabi ni george sa kanyang guro. Pero biglang umilaw ang bandang dibdib ni George at ng itoy tignan ni george ay may nakita itong tatak na parang heels at biglang umilaw ang mata ng guro at bigla itong ngumiti.
“wag kang mag alala merong paaralan dito sa earth na punong puno ng mga mahika” sabi ng guro kay George at napatingin agad sa guro at nawala na din ang ilaw sa kanyang dibdib
“saan po yan sir??” tanong agad ni George sa kanyang guro
“sa La Fins Scolastica kung saan dadaan ka muna na sa isang portal para pamunta sa paaralan na iyon at kaya kong gawin yun, pero first kakausapin ko muna mga magulang mo” sabi ng guro
“luh! Sir wala silang alam sa mga nangyayari sa akin” sabi agad ni George sa akin
“kung wala pa si lang alam, edi karapatan ni lang malaman kung sino ka at kung ano ka” sabi ng guro at tumango na lang si George
“wag ka na lang papasok bukas para dun ko kakausapin ang mga magugulang mo para next week Monday ay pupunta ka na sa bago mong school maliwanag ba?” sabi ng guro at umoo na lang si George
Sa araw na iyon tinapos na lang ni George ang mga requirements para makapag transfer ito at ang mga ka klase nya ay parang wala lang sa kanila ang nangyari kanina kasi nga nabura na ang mga memorya nila at parang masaya pa sila ng nalaman nila na mag tra transfer na ito, pero okey lang yan sabi na lang ni George sa kanya sarili, at umuwi na ito ng matapos na ang  mga requirements kasabay din ng pag uwi ng mga studyante sa hapon. Nakita nya ang kanyang papa Henry na naghihintay sa labas ng gate at lumapit na ito at sabay na silang umuwi.
Nakauwi na sila ng kanyang ama sa kanilang bahay at naabutan nila si Liway na nagluluto pa lang sa kanilang kusina

GEORGE POV
“oh magbihis na kayo dyan para kakain na tayo mamaya” sabi ni mama sa amin ni papa
“opo ma” sagot ko naman at tumakbo na sa aking kwarto at nagpalit agad habang nagpapalit ay iniisip ko ang reaction ng aking mga magulang bukas pag nalaman nilang may kapangyarihan ako, nanaiiba ako sa ibang mga tao
Pero iwinaksi ko muna iyon at bumaba na sa kusina para kumain, habang kumakain kami ay tinatanong ako ng aking papa at mama kung kumusta ba ang pag aaral ko sa aking pinapasukang paaralan, ang sagot ko naman ay okey naman, sinabi ko na rin na hindi na muna ako papasok bukas, at hindi na sila nag tanong pa
Ng matapos na akong kumain ay pumunta na ako sa aking kwarto at natulog na lang para kahit kunti ay makalimot sa mga nangyari kanina

kadiliman lang ang aking nakikita, hindi ko malaman kung ako ba ay bulag na, nasaan ako, pati sarili ko ay hindi ko na makita “tulungan mo kami!!” mga sigaw na aking narinig, nakakatakot pakinggan ang tinig “asan ka na!!!???” ng iyon ay aking narinig kumaripas na ako ng takbo kahit hindi ko na alam kung saan ako patungo “asan ako!!!!” yan ang tanging sigaw ko

at bigla na lang akong nagising
“ano yun? Parang napunta ako sa ibang lugar, my gosh! Nakakatakot yun ah” sabi ko na lang  sa aking sarili
“anak baba ka na dyan, may bisita tayo, nandito guro mo” sigaw ng aking ina at dali dali na lang akong bumaba at tama nga si mama nandun si Sir Charles, nagulat kayo nuh! na Charles ang name ng guro na tinutukoy ko sa last chapters hahahahah anyway
“maghanda ka muna ng maiinom dun anak” sabi ni mama at pumunta na ako sa kusina at nagtimpla ng juice hahahahah mahirap lang kami walang mga coke at walang mga pepsi hahahah juice lang
Tsaka ako pumunta sa sala at nakaupo na sila papa at mama dun  kaharap si sir Charles
“ano pong pag uusapan natin sir?” tanong ni mama kay sir Charles
“gusto ko sanang ilipat si George ng paaralan kasi hindi sya nabibilang sa dati nyang pinapasukan” deretyahang sabi ni sir Charles kina mama at papa na nagpagulat sa kanila
“anong ibig ninyong sabihin?” tanong naman ni papa
“alam ko na alam ninyo na merong kakaiba sa anak ninyo” sabi ni sir sa aking mga magulang
Na nagpatahimik sa kanila bigla pero nakapagsalita naman agad si mama
“wala kaming alam sa mga sinasabi mo sir” sabi ni mama
“wala nga ba?” tanong ni sir at naalala ko na nakakabasa pala ng utak si sir
“kagaya ng anak ninyo ay meron din akong kapangyarihan” sabi ni sir nanag-pagulat na naman sa aking mga magulang
“kaya kung basahin ang laman ng inyong mga isipan, at masasabi kung meron kayong alam sa mga nagyayari kay George” sabi ni sir
“oo tama ka pero bakit ngayon pa?, bakit ngayon pa lumabas ang mga kapangyarihan nya?” sabi ni mama at naluha na nga ito bigla, hindi ako galit sa kanila sa kadahilanang alam nila na ganito ako, bakit ako magagalit kung sila naman ang nag alaga sa akin
Niyakap ko si mama at pinatahan ito sa pag iyak
“saan naman mag aaral ang aming anak?” tano ni papa kay sir
“sa paaralan na kung saan puno ng mahika pero wag kayong mag alala ito ay nasa parte pa rin ng ating mundo at ito ay ang La Fins Scolastica”


ABANGAN

The Gay And The Magic High Heels (BXB) COMPLETEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن