Chapter Twenty One

1K 56 0
                                    

Third Pov:
"Prof hindi ko na talaga kaya"
Sabi ng isang wizard student kay Havanna

"Tiis tiis lang, makakalabas din tayo dito, maghintay lang tayo"
Mahinahong sabi ni Havanna pero hinang-hina na ang kanyang katawan pero hindi nya lang pinapakita sa mga wizard students
Maya-maya lang biglang nawalan ng malay ang wizard student na nagsalita kanina na ikinagulat ng mga kasamahan nila lalong-lalo na ang mga wizard prof

"Havanna, pano na yan?"
Tanong ni Prof Lerma

Sasagot na sana si Havanna ng biglang nagbukas ang pintuan at ang sikat ng araw ang syang nagsilbing ilaw sa loob kung saan nakakulong ang nga wizard students at wizard prof's

"Prof!"
Sabay na sigaw ng mga demistar wizard at napatingin silang lahat sa mga bagong paparating
Lumapit ang mga demistar wizards sa mga prof's at nagtanong agad

"Okey lang po ba kayo?"
Tanong ni Marivic
At kitang kita mo sa mga bagong kararating ang pag aalala sa kanilang mga mukha

"Okey lang kami, britney kung pwede pagalingin mo na silang lahat ihuhuli mo na lang kaming mga prof at tulungan nyo narin silang makatayo siguradong hindi na sila makatayo dahil sa pagod at gutom"
Sabi ni Havanna sa mga Demistar wizard

"Opo"
Sabay na sabi nilang lahat at umalis na silang lahat sa kanilang harapan
Pero napatingin si Havanna sa taong nakatayo malapit sa pintuan at inaninag nya ng mabuti kung sino iyon

Bigla namang umilaw ang dalawang markang heels sa bandang dibdib ni George na ikinagulat ni Havanna at pinilit ang katawan na makatayo para lapitan ang binata

"Ikaw na ba yan?"
Tanong ni Havanna
At napatingin naman ang lahat ng mga wizards na nasa loob kina Havanna at George

"Ako po ba?"
Tanong ni George
Biglang lumapit si Havanna kay George at tinignan ang markang heels at napangiti si Havanna

"Nagbalik ka, ngayon makakabalik na ako sa totoong anyo at kapangyarihan ko"
Sabi ni Havanna na ipinagtaka naman ni George

Hinawakan bigla ni Havanna ang markang heels at umilaw ito kasabay ang katawan ni Havanna
Ng nawala na ang liwanag parang ibang wizard na ang Havanna na kaharap nya bagkus nagbalik na ito sa pagiging Guardian at nagbalik na ang mga lakas at kapangyarihan neto
Pero biglang nawalan naman ng malay si George
Buti na lang at nasalo ito ni Havanna

"George!"
Sigaw ni Ruhama
At tatakbo na sana ang dalaga papunta kay George pero pinigilan na ito ni Havanna

"Ako na ang bahala, bilisan na ninyo dyan para makabalik na tayong lahat sa La Fins Scolastica"
Sabi ni Havanna at pinalipad ang katawan ni George sa ere at lumabas na sya at nakasunod sa kanya ang walang malay na katawan ni George

Sumunod naman ang mga nasa loob na lumabas at ng nakita na ni Havanna na nakalabas na silang lahat tyaka lang sya gumawa ng portal para makabalik na sila agad sa paaralan ng mabilis

Portalyos
Bulong ni Havanna at biglang lumakas ang hangin na syang naging bilog at naging portal
Manghang mangha ang mga wizard students pwera na lang ang mga demi wizards at ang mga prof's

"Tayo na"
Sabi ni Havanna
at nauna na syang pumasok sa portal kasabay ang katawan ni George na nasa ere
At sumunod narin ang iba


ABANGAN

The Gay And The Magic High Heels (BXB) COMPLETEDWhere stories live. Discover now