Chapter Six

1.3K 71 1
                                    

Disclaimer Alert
Wag mong kakalimutang mag Subscribe sa aking Youtube Channel na Pempem Vlogs
*****************************************

George Pov
"Mag iingat ka doon anak, kung meron mang paraan para makatawag kaman lang anak, tawag ka agad ah..."
yan ang sabi ni mama at hindi nya napigiling umiyak
Kaya linapitan ko na sya at niyakap at napatingin ako sa dereksyon ni papa... at hindi na rin nya napigilang umiyak sa gilid

"Pati ba naman ikaw pa, lapit ka na dito samin ni mama para mayakap na din kita pa" sabi ko na naiiyak na rin kasi nadala na ako sa iyak nilang dalawa, at lumapit na si papa sa aming dalawa ni mama

"Tama ang mama mo anak tumawag ka agad pag merong mang paraang para makontak mo kami" yan ang sabi ni papa ng tapos na kaming nagyakapan
At tumango na akong nakangiti sa kanila, kahit masakit at nakaka lungkot kakayanin ko ito para sa kanila kaya lumingon na ako kay sir Charles na kanina pang nakatayo sa gilid at lumapit na ako sa kanya

"Mauna na kami" sabi ni sir Charles sa aking mga magulang at lumabas na kami sa bahay at nakita kung nasa labas na ang kotse ni sir Charles
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kanyang kotse pero lumingon muna ako sa bahay namin at nakita ko sina mama at papa na nakatayo sa pintuan namin, maraming ala ala ang nagbalik sa akin... at talagang mamimiss ko sila at itong bayan nato kung saan ako lumaki..... hayaan ninyo mama at papa babalikan ko kayo at yayakapin ng mahigpit, at pumasok na ako sa kotse....

At pumunta na kami ni sir sa lugar kung saan matatagpuan ang lagusan papunta sa paaralan ng mga kagaya kung may kapangyarihan

Habang nasa byahe kami merong inabot sa akin si sir na panyo at napatingin ako sa kanya na may pagtataka sa mukha
At dun ko lang namalayan na lumuluha na pala ako kaya kinuha ko na ang panyo na nasa kamay nya

"Okey lang yan, kaya mo yan balang araw malalaman mo rin at matutuklasan mo rin kung sino ka talaga" sabi ni sir

"Pero natatakot ako sa pwede kung malaman sir sa pagpunta ko sa sinasabi mong paaralan" sabi ko sa kanya

"Wag kang matakot kung katotohanan na ang humahabol sayo, ngumiti ka na lang at tanggapin ito kasi ito ang pagkatao mo" sabi ni sir at tama naman ang kanyang sinasabi kaya hindi na lang ako nagsalita

"La Fins Scolastica saan po talaga iyon?"
Tanong ko bigla kay sir

"Sa totoo lang La Fins Scolastica ay isang Unibersidad para sa mga kagaya natin hindi lang sya parang paaralan lang, hindi ko maipaliwanag basta malalaman mo rin ito pag nandon ka na, at ang Unibersidad na yun ay matatagpuan sa Kingdom of Scola"
Sabi ni sir

"Ah ganun po ba, eh saan po matatagpuan ang lagusan papunta sa Kingdom ng Scola?" Tanong ko kay sir kasi nagtataka ako kung saan kami pupunta eh 2 oras na kaya kaming nagbyabyahe at hindi ko alam kung saan nga ba kami pupunta... magpasalamat sya kasi gwapo sya... kung hindi lang , hay nako! Hahaha

"Pupunta tayo ngayon sa Ilocos Sur" sabi ni sir na nagpagulat sa akin

"Ilocos Sur sir! ang layo pala! kaya pala ang tagal na nating nagbyabyahe ay hindi parin tayo nakakarating edi wow! haha" sabi ko na lang, in a joke way ewan kung nakakatawa pero napa smirk naman sya kaya... go lang girl!... landi pa more! hahahah

Habang nagbyabyahe kami ay naisipan ko na lang na  umidlip muna para makaipon ako ng lakas pag nandoon na kami sa Ilocos Sur


ABANGAN

The Gay And The Magic High Heels (BXB) COMPLETEDWhere stories live. Discover now