One Night 59: I feel so...hot.

Mulai dari awal
                                    

“Bakit ba kanina ka pa tingin ng tingin sa labas?” tanong ni Zar habang nakangiti.

“Sshh!” pagpapatahimik ko sa kanya saka mabilis na punta sa harap nya. “Hinaan mo lang ang boses mo, baka magising ang tatay ko.” pabulong kong sabi sa kanya.

Lalong lumawak ang mga ngiti nya.

“O talaga?” mapanlaro nyang tanong.

Mabilis nya akong hinawakan sa bewang ko saka hinigit paforward papunta sa kanya. Sa gulat ko, nawalan ako ng balance at walang nagawa kundi mapaupo sa lap nya.

“Zar…” saway ko sa kanya. Ano baa ng nakain ng lalaking to? Bakit ba napaka playful nya?

“Sabi mo magbulungan tayo. Paano kita maririnig bumulong kung malayo ka sakin? Dapat ganito kalapit.” Bulong nya malapit sa tenga ko kasabay ng paghigpit ng yakap ng mga bisig nya sa tyan ko.

Oh Gahd! Ayoko pang mamatay sa sobrang kilig!

“Ah…Zar…mas makakapagusap tayo ng…mas maayos kung…sa tabi mo lang ako uupo at hindi sa….” Hindi ko na matuloy ang sasabihin ko sa sobrang kaba at…oh my! Kilig ata ito!

“Sorry.” Natatawa pa nya akong binitawan at pinaupo sa kama katabi nya. Agad ko namang inayos ang damit ko. Kulay pink and blue satin pajama…uhh, hindi ata magandang idea na hindi ako nagpalit ng damit. Habang ako kasi mukhang batang matutulog na, si Zar, mukhang business man na nakainformal attire lang. Gwapong gwapo pa rin sya sa dark green long sleeves at denim pants nya. At ang amoy nya…naku, kaya ko syang amuyin kahit buong magdamag.

“Ano ba yung…gusto mong sabihin?” tila ba kinakabahan ko paring tanong. Kinakabahan talaga!

Ngumiti sya bago mas naging seryoso ang mukha nya. Nakangiti parin pero alam mong seryoso na tong sasabihin nya.

“Hm, gusto kong sabihin na…seryoso ako sayo.” Diretso syang nakatingin sa mga mata ko, walang halong pagbibiro katulad kanina at para bang sa mg iilang salita na yon, biglang nagbago ang aura ng kwarto ko. Para bang biglang uminit.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko na naguguluhan parin.

“Nakipagusap ako sa Daddy mo.”

“Ano? Nakipag usap ka sa Daddy ko? Bakit? Anong sinabi mo? Anong sinabi nya?” sunod sunod kong tanong.

Sya? At ang Daddy ko? Paano? Kelan?

Napangiti sya.

“Don’t panic.” Hinaplos nya ang kanang pisngi ko. “Naging maayos ang pag uusap namin.”

“Ha? Teka teka…pero bakit kayo nag usap?” naguguluhan ko paring tanong.

“Kasi, gusto kong maging maayos kami ng Daddy mo. Kaya kami nag usap.” Kalmado nyang paliwanag. “Kahit ano pa mang mangyari, ayoko talaga ng may kaaway.” Sabay ngiti na para bang nagbibiro.

Bumuntong hininga ako. Ito yung mga panahong sobrang gwapo nya na pilit ko yung tinatanggal sa isip ko kasi seryoso nga yung pinag uusapan pero…kung ganyan ng ganyan ang mga salitang lumalabas sa kanya, tapos sabayan pa ng ngiti….mababaliw talaga ako dito!

“Uhm, sabi mo…naging maayos ang pag uusap nyo. Paanong ibig mo sabihin maayos?” tanong ko nalang, setting aside kung ano man tong iniisip ko.

“Pumayag na syang ligawan kita.”

Agad na nanlaki ang mga mata ko.

“Ano? Pumayag sya?” hindi ko makapaniwalang tanong.

A One Night LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang