ONE NIGHT 3: The Night part 1

19.8K 319 5
                                    

Heather Stewart

"Hija, nandyan na si Mam Sophie sa baba..” tawag ni Manang Lyn mula sa likod ng pinto, sya ang kasambahay namin dito sa bahay.

"Sige ho Manang paakyatin nyo na lang ho…" sigaw ko kay Manang habang sinasara yung zipper ng dress ko. Bakit kasi kelangang naka dress pa. Ang hirap tuloy isuot to, nasa likod pa kasi ang zipper, pauso yung stylist neto sarap kutusan.

Bumukas na yung pinto…

"Oh. Ang tagal mo naman!! Ano ba yang suot mo?" pambungad na bati sakin ni Sophie.

"Ano ka! Tara tulungan mo nga ako. I zipper mo nga muna to…" sabay tumalikod pa ako para ipazipper sa kanya yung dress ko.

"Heath, ipapapatay kita. Decent yet attractive ba yan? Eh para ka kayang abay sa kasal. Wala ka talagang fashion sense…” tingnan mo tong babaeng to. Hirap na hirap na nga akong suotin tong dress na to kung makapuna pa.

"Ang sama mo talaga noh?! Nakikita mo ba ang paghihirap ko dito? Tsaka wala na kong dress, hindi pa pinapadala ni Aunt Berna yung mga bago nyang biniling dresses at!”napatuloy pa ako sa pagsasalita ng masense kong magsasalita na sya. “Wala na akong dress, maliit na lahat…”

"Alam ko na talagang mangyayari to" napapailing pa nyang sabi. “Para saan pa at nandito ako?” sabay nilabas nya ang isang black dress. Marami itong mga sequence at napaka glossy ng tela na ginamit. Pero…

"Di ba maliit yan sakin?" para kasing ang liit at ang iksi.

"Di yan! Go suotin mo na. Malelate na tayo…" sabay hinawakan nya ang likod ng mga balikat ko and led me to the bathroom.

"Tek---"

"Bilisan mo na!"

=________=

**

“Sophie! Sigurado ka ba dito? Decent ba ng tawag mo dito?” tanong ko kay Sophie ng sobrang lakas tapat sa tenga nya. No worries, walang makakarinig sa amin dahil sobrang lakas ng tugtog dito sa bar.

“Pwede manahimik?”

“Manahimik ka jan? Sino bang hinahanap mo at ang haba na ng leeg mo kakatanaw…Asa naman makita mo ang hinahanap mo sa dami ng tao..”

“Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung sinong hinahanap ko…” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sophie.

“Ano Sophie? Pakiulit nga yang sinabi mo?” humarap sya sa akin at nagsalita. Nagbuntong hininga pa sya saka humarap sa akin.

“Heath,--“

“Sophia Dower?” napatingin kami dun sa lalaking tumawag kay Sophie.

“Ako---“ napatigil si Sophie sa pagsasalita at nanlaki at tumigil naman ang puso ko ng makita ko ang kasama ng lalaking tumawag kay Sophie.

“Lemuel Temprosa.” Pagpapakilala ng lalaki. “Ako yung katext mo, ito nga pala ang pinsan ko, si Lazarus Temprosa, Zar nalang…” pagpapakilala nya rink ay Zar na kasalukuyang tuleleng at mukhang parang wala sa sarili.

Sinamaan ko ng tingin si Sophie at alam nyang marami syang ipapaliwanag oras na maiwan lang kaming mag isa.

“Ah…” nag-umpisa na rin magsalita si Sophie. “Sophie nalang…si Heather, kaibigan ko…” pagpapakilala nya sa akin.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now