Special Chapter: Surprises

10.5K 162 11
                                    

Heather Stewart.

“Isa! Lumayas ka dito!” tatlong pinto palang mula sa tapat ng condo unit nila, narinig ko na ang malakas na pagsigaw ni Sophie.

Mabilis akong tumakbo para makarating agad sa tapat ng pinto nila. Iaangat ko palang ang kamay ko para mag doorbell, bumukas na ang pinto.

Isang pawisan, nakakunot noo at may mga dalang damit na Lemuel ang tumambad sa akin.

“Oh, ano yang dala mo?” gulat kong tanong sa mga dala nya.

“Pinapalayas na naman kasi ako ni Sophie. Feeling ko ngayon totoo na to.” Para bang nag aalala nyang sagot sa akin.

Tinanaw ko muna mula sa pinto ang loob ng unit para makita kung kita ba kami ni Sophie. Wala naman. Baka nasa kwarto yun. Ang lakas talaga ng boses.

“Wag ka mag alala. Kakausapin ko sya. Gusto mo bang tawagan ko si Zar? Dun ka muna samin matulog kung gusto mo.” Offer ko sa kanya. Kawawa naman, lagi nalang tortured sa kamay ni Sophie tong boyfriend nya. Pag nag aaway sila ganyan naman palagi ang eksena.

“Talaga? Salamat ah. Sabihin mo maghihintay lang ako sa lobby. Baba na ako. Baka makita pa nya tayo.” Pamamaalam nya.

“O sige.” Tango ko naman sa kanya.

Naka pajama pang naglakad si Lemuel papunta ng elevator. Ang aga aga pa kasi ganito na ang eksena nila. Ako naman, tuluyan ng pumasok sa loob ng unit nila. Tinext ko muna si Zar na sunduin si Lemuel at dun muna sa bahay namin ipastay. Bukod kay Sophie, paniguradong kailangan din ni Lemuel ng makakausap.

Magulong sala ang sumalubong sa akin pagpasok ko. Nagkalat ang mga damit sa kung saan saan. May mga balat din ng kung ano anong chichirya ang nandun. May bote pa, kung ano anong plastic Tupperware na parang pinaglagyan ng kung anong pagkain at…napataas kilay at buntong hininga nalang ako sa isang flat screen tv na nakatagilid at may nakatusok pang mic sa gitna. Ano ba ang pinaggagagawa ng dalawang to. Haayyy…

Dahan dahan akong naglakad papunta sa master’s bedroom. Puno rin kasi ng kung ano anong bubog ang sahig nila. Aba, kailangan mag ingat sa ganito.

Naabutan kong nakaupo si Sophie sa dulong bahagi ng kama at nakatalikod sa akin. Nakayuko sya at patuloy ang pagbaba taas ng balikat nya, kasabay nun ang mga hikbi na patuloy ang paglakas tuwing lalo nyang pinipigilan ang pag iyak nya.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya. Saka ko tinapik at hinagod ang likod nya.

“Sige lang.. iiyak mo lang yan.” Pananalita ko sa kanya.

Iniangat nya ang ulo nya. Tumingin sya sa akin ng may namumugtong mga mata, namumulang ilong at patuloy na supply ng luhang lumalabas sa mga mata nya.

“Heath, ayoko na syang makita.” Sabi nya habang umiiyak parin.

Marahan ko syang nginitian. “Magkaka anak na kayo. Ngayon mo pa ba gustong makipaghiwalay sa kanya..” mabagal kong sabi sa kanya.

8 weeks ng buntis si Sophie. Kaya pala nagkasakit sya, kaya pala nag iiba yung taste nya sa pagkain, at kaya pala madalas ang pagkahilo nya ng mga nakaraang buwan. Buntis na pala sya. One month after naming makabalik sa honeymoon namin, saka lang namin nalaman yun. Para sa akin, Zar at Lemuel, magandang balita yun. Pero hindi kay Sophie. Dahil kahit ganyan lang yan si Sophie, marami syang pangarap para sa sarili nyang gusto nya muna matupad. Nung nalaman nyang nabuntis sya, feeling nya naputulan sya ng karapatang abutin yung mga pangarap nya dahil magiging nanay na sya. kaya simula nun, mas naging mabigat ang pag aaway nila ni Lemuel. Lalo na ngayon.

A One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon