ONE NIGHT 26: Confused or Confirmed?

10.6K 194 2
                                    

Third Person.

Hawak ang pinagsama samang mga dokumento, nag umpisang iscan ni Lemuel ang mga impormasyong hinanap nya. Sa kabilang upuan katapat ng kung saan nakaupo si Lemuel ay seryosong naghihintay si Zar.

"Victor Ashton. Age, 26 years old. Ayon sa impormasyong nahanap ko, nakasama sya ni Heather sa FnF compan, isang international company na pinagtrabahuhan na ni Heather mula pa noong lumipat sya sa New York. Franco Stewart ang pangalan ng dad ni Heather, co-owner din sya ng FnF. Which is, mas matagal ng nagtatrabaho dun si Victor Ashton. Para san ba to Insan?" pagtatapos na tanong ni Lemuel.

Napabuntong hininga si Zar.

"Ibig sabihin ba nun halos three years na silang magkasama?"  medyo inis na tanong ni Zar sa isipan nya.

"Nakita ko kasing magkasama sila ni Heather." plain na lahad ni Zar.

"Ngayon?" tanong ni Lemuel na parang hindi nya magets ang pinupunto ni Zar.

"Feeling ko kasi, may tinatago sakin si Heather."

"Oh ano ngayon?"

Napatingin ng seryoso si Zar kay Lemuel.

"Hindi mo ba ko maintindihan?"

"Hindi." diretsong sagot ni Lemuel. "Lahat naman kasi ng tao may tinatago."

Napailing si Zar kay Lemuel.

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa."

"Kumain ka na nga! Hindi na naman gumagana yung utak mo mag isip."

"Hindi, biro lang. Kumain na ko." natatawa nyang sabi. "Oh eto na, seryoso na, ano ba tong sikretong sa tingin mong tinatago nya sayo?"

"Sikreto nga di ba. Kaya ko nga gusto malaman kasi nga, sikreto" sagot ni Zar habang patingin tingin sa profile ni Victor Ashton.

"Ahh...baka naman masyadong personal kaya ayaw sabihin sayo."

"Ano naman?" agad na nalipat ang atensyon ni Zar kay Lemuel. "Pwede naman nya yung sabihin ah.." sagot nya na tila ba tunog dumedepensa para kay Lemuel.

Napakunot noo si Lemuel.

"Ikaw nga Zar tapatin mo ko. May gusto ka na ba kay Heather?"

"H-ha? Wala ah! Ano ba yang tinatanong mo?" sagot nya kasabay ng pag inhale ng hangin. Medyo nabigla sa tanong ni Lemuel.

"Siguraduhin mo lang, kasi ako nakakahalata na."

"Wala!" mabilis nyang tanggi.

Tumayo muna si Lemuel papuntang kusina. Ilang minuto rin syang nandun dahil na rin sa napa sakto ang pagtawag ni Sophie sa kanya.

Sa kabilang banda, naiwan namang mag isa si Zar. Napaisip sya sa mga sinabi ni Lemuel.

"Siguraduhin mo lang, kasi ako nakakahalata na"

"Ako din nakakahalata na" nasabing bigla ni Zar sa sarili nya.

Mag uumpisa palang ang pag iisip ni Zar ng pumasok na si Lemuel sa sala mula sa kusina.

"Talagang to si Sophie" naiiling na pasok ni Lemuel.

"Bakit?" naitanong lang ni Zar.

A One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon