One Night 21: Father and Son (part 2)

12K 262 11
                                    

Third Person.

"Daddy I want those oreos and those chocolates and those stick o and those nutella. Please hand them over." cute na ngumiti at nag pout si Evo sa Daddy nya.

Bumuntong hininga si Zar.

Paano mo nga ba matatanggihan ang isang nagpapacute na anak.

Kahit na alam nya...sobrang daming matatamis ang hinihingi ng anak nya.

"Here you go anak. Please just limit yourself."

"Okay Daddy! Hihi!" excited nyang inabot ang mga pagkain.

Naglakad pabalik si Zar sa kusina.

Suot nya ang isang yellow apron na may design na kerrokeropi.

Pinabili kasi ito ni Evo para sa Mommy nya pero sinabi nyang sukatin muna ni Zar para makita nya kung maganda daw ba pag sinuot.

At tuwang tuwa ang bata sa naging itsura ng Daddy nya.

Kaya hindi na nya ito pinahubad.

Napalingon si Zar sa galing sa verandang si Lemuel.

Bakas sa mukha nito ang pagkainis at pagkabalisa.

"Oh, ano na naman bang problema mo?" tanong ni Zar habang gumagawa ng salad.

"Anong problema ko, problema natin.." napapailing pa si Lemuel habang iniisip ang nangyari.

"Ha? bakit naman ako napasama sa pagkakaron ng problema?"

"Si Sophie..."

"oh.."

"Sumugod na naman sa opisina.."

"Ha? bakit na naman?"

"Alam mo naman yun...may buwanang topak."

Mahinang natawa si Zar.

"Alam mo naman na palang buwanan yan oh eh bakit ka pa parang naasar jan?"

"Syempre, minsan nakakasawa din.."

"Naku, hiwalayan na yan."

"G*go! Porket may topak hiwalay agad? Hindi ganun yun Insan.." pabirong sabi ni Lemuel.

Natawa at nailing na naman si Zar sa sinabing iyon ni Lemuel.

Minsan, alam nyang asar na si Lemuel kay Sophie pero alam din nyang hindi kaya nitong iwan ang dalaga.

"Daddy!" patakbong pumunta si Evo sa kusina. "I want to watch a movie!" nag pout pa ito at nagpacute.

Lumuhod si Zar para lumevel sa height ng kanyang anak.

"Okay baby, I have disney movies there..what do you want to watch?"

"No! I want to watch saw!"

Nagkatinginan sina Lemuel at Zar.

Bakas sa mga mata ni Zar ang pag aatubili na payagan ang anak nyang manuod nito.

Pero...

"o-okay..we'll watch that.." alangan ngiti nyang sabi.

**

"Ahck! Ayoko na! Pupunta na ako dun sa kwarto! Kadiri! Ahck!" masuka sukang tumakbo si Lemuel sa kwarto ni Zar.

Naiwan ang mag amang nanonood parin ng Saw.

A One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon