One Night 59: I feel so...hot.

11.1K 202 5
                                    

Warning: R-rated ang chapter na ito. Hindi sya nakaprivate pero for sure r-rated sya kaya kung ayaw nyo ng ganitong klase ng situation, please skip nalang muna. Thanks!

 

*

Heather Stewart.

Napalingon ako sa sala ng marinig kong bumaba si Daddy mula sa taas at marinig syang sumisipol sipol.

“Manang, bakit parang ang saya ni Itay?” tanong ko kay Manang habang nandito kami sa kusina.

“Naku, hindi ko alam.” Nakangiti nyang sagot. “Pero, mas maganda na yun hindi ba?”

“Opo.” Sagot ko rin habang nakangiti at mabilis ang bawat pagtango.

Matapos maghugas ng plato, ayusin ang mga babaunin bukas ni Evo at maglinis pa ng konti at tulungan si Manang sa pagkuha ng sinampay, dumiretso na rin ako sa kwarto ko saka naligo. Kukuhanin ko palang ang folder ko para tingnan ang mga dokumentong gagamitin ko bukas ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman yun at tiningnan.

Napakunot noo at nanlaki ang mata ko ng makita kong si Zar ang tumatawag.

“Zar!” pabulong at tila nabibigla kong sagot sa telepono. “Napatawag ka?” tanong ko.

“Uh, bakit ka bumubulong?” tanong naman nya na para bang nagtataka.

“Ano ka ba, 10 na kaya. Tulog na mga tao dito.” Sagot ko naman sa kanya, obvious naman kasi.

“Ganun ba? Ibig ba nun sabihin hindi ako pwedeng pumunta jan?” tanong nya na parang nagdadalawang isip pa.

“Ha? Bakit ka naman pupunta dito?” nagtataka kong tanong. Ang puso ko, bumibilis na naman ang pagtibok.

“Gusto ko kasi sanang mag usap tayo.” Para bang walang pag aalinlangan nyang sagot.

“Usap? Tungkol naman saan?”

“Pwede bang magkita nalang tayo para mas masabi ko sayo ng mas maayos?” tanong nya.

“Uhm…” pag dadalawang isip ko. “Zar, sigurado naman akong maiintindihan mo ako kapag sinabi ko sayong mas kailangan ko munang panigan ang tatay ko di ba, I’m sorry pero wag muna tayo mag usap.” Sagot ko naman sa kanya habang nag iisip kung tama ba o mali yung sinabi ko. Bahala na. Saka na ako mag iisip ng mas maayos pa.

“Uhm ganun ba, so kailangan ko na palang umuwi.” Para bang disappointed nyang sabi.

“Ha? Bakit, nasaan ka ba?” agad kong tanong.

“Nandito sa labas ng bahay mo.” Tila ba masaya nyang sagot.

*

Sa huling pagkakataon, nagpasulyap sulyap pa akong muli sa paligid ng kwarto ko. Tulog na sila. I hope. Sana hindi magising si Daddy at uminom ng tubig sa kusina, o macurious kung bakit bukas pa ang ilaw ng kwarto ko at katukin ako. Magiging sobrang nakakatakot yun kapag nagkataon.

Maingat kong isinara ang pinto ng kwarto ko saka ito nilock para sigurado. Tumalikod ako mula rito at humarap sa taong nakaupo ngayon sa kama ko.

Nakangiti sya habang nakatingin sa akin. Para bang tuwang tuwa sya sa ginagawa namin. Tuwang tuwa sya habang ako, kabang kaba.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now