ONE NIGHT 24: Bothered

11.4K 190 1
                                    

Heather Stewart.

 It's been three days.

Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng magkita sina Zar at Vic.

Tatlong araw na ring hindi pumapasok si Vic sa trabaho. Lagi ko syang tinatawagan sa cellphone nya pero lagi na lang busy. Nakalimutan ko rin pala tanungin kung saan sya nakatira kaya ayan, hindi ko tuloy madaanan.

 Haayy... galit pa kaya yun sa akin?

Sa totoo lang, ang hirap mag isip.

"Ms. Heather, may tawag po kayo from Line 1." napaangat ang ulo ko ng biglang tawagin ako ng secretary kong si Kimberly.

"Okay Kim thank you." ngumiti ako sa kanya saka pinindot ang teleponong kumokonekta sa Line 1.

"Hello?"

"Heath!" sa boses palang nya, alam ko ng si Sophie to.

"Oh, napatawag ka Sophie? Tsaka bakit sa telepono ng kumpanya ka tumatawag?" nagtatakakongtanong.

"Kanina pa kaya kita tinatawagan sa phone mo. Ewan ko, naka off ata."

 Kinuha ko ang phone ko.

" Ah, low bat pala kasi. Oh bakit ba?"

"It's Friday. Tara, gala tayo!" yaya nya.

" Uhm..."

"Wag ka na mag isip! Daanan kita ng 3pm jan ha. Bye!"

"Tek--"

At binabaan na nya ako ng telepono. Baliw talaga yun. Teka, alam ba nya kung saan ako dadaanan? Baliw talaga. Tsk tsk.

"Ms Heather?" tawag sa akin ni Kim mula sa pinto.

"Yes?"

"Nandito na po ang client natin Ma'am. We're all ready to go."

"Oh, Sige Sige Salamat." agad akong tumayo at inayos ang mga gamit na kakailanganin ko para sa client ko ngayon.

Naging mabilis ang oras. I spent my whole day sa trabaho guiding and giving a tour sa mga clients namin.

Nakakapagod pero at least almost lahat ng deals ay okay naman. It's June kaya marami ang ikakasal hence, marami din ang nangangailangan ng mga venues para sa mga kasal nila. For sure, magiging busy ang buong buwan na ito.

"Heath dito!" napatingin ako sa isang black Toyota.

Agad akong lumapit dito.

"Sophie?"

"Like yeah.. pumasok ka na."

Agad akong pumasok sa sasakyan nya.

"Woah! Bago kotse mo?"

"Yup!" nakangiting sagot nya. "Maganda ba?"

"Hmm..maganda nga. Tsaka bagong bago, may plastic pa nga dito oh." natatawa kong sabi sabay turo dun sa upuan na may plastic pa.

"Syempre!! Hahaha! San mo gusto pumunta ba?"

"Ba malay ko sayo. Ikaw nagyayaya jan eh."

"Okay, leave it to me." nakangiti nyang sabi.

**

"The person you are calling is not yet in service. Please try again later"

A One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon