Chapter LVII

12.6K 980 217
                                    

Chapter LVII: Craftsman Alliance

Nasurpresa si Finn Doria sa sinabi ng kanyang ama. Inimbitahan siya ng kasalukuyang hari ng Sacred Dragon Kingdom sa palasyo at medyo nasurpresa siya rito. Gayunpaman, hindi maman ibig sabihin noon ay hindi na niya inaasahan ang ganitong pangyayari. Alam niyang makatatanggap siya ng imbitasyon mula sa Royal Clan pero hindi niya inaasahang mismong hari pa ang mag-iimbita sa kanya.

'Marahil maayos na ang pakiramdam ng mahal na Hari...' sa isip ng binata.

Isa pa, kahit na hindi siya padalahan ng imbitasyon ng hari, pinaplano pa rin niyang magtungo palasyo dahil mayroon siyang importanteng pinaplano na kailangan ang tulong ng Royal Clan, lalo na ang tulong ng hari ng Sacred Dragon Kingdom.

Muling pinagpatuloy ni Finn Doria ang pagbabasa ng sulat. Talaga ngang nakahayag sa sulat na iniimbitahan siya ng hari. Bukod sa imbitasyon, nakahayag din na lubos ng umayos ang kalusugan at unti-unti nang bumabalik ang lakas ng hari.

Masaya si Finn Doria para sa hari, sa Sacred Dragon Family at sa buong Sacred Dragon Kingdom. Ang isang kaharian ay hindi maituturing na kaharian kung walang haring namumuno rito.

Isa pa, alam ng binata na isang mabuting pinuno ang hari ng Sacred Dragon Kingdom. Inilagay niya sa peligro ang kanyang buhay para sa kanyang nasasakupan.

Si Haring Nicolas Vildar, ang pang isandaang hari ng Sacred Dragon Kingdom. Kilala si Haring Nicolas sa kanyang pagiging magaling at mabuting hari dahil sa halos apatnapung taon nitong pamumuno, marami na siyang nagawa upang umunlad ang buong kaharian.

Kilala rin si Haring Nicolas sa kanyang kagitingan at kabayanihan sa Sacred Dragon Kingdom. Pinrotektahan niya ng buong tapang ang kanyang nasasakupan noong sumugod ang isang assassin sa Cloud Soaring Sect. Pinrotektahan ni Haring Nicolas hindi lang ang Cloud Soaring Sect kundi maging ang buong Sacred Dragon Kingdom.

Ginawa niya ito nang walang pag-aalinlangan kahit na alam niyang malalagay sa peligro ang kanyang buhay.

Nang maalala ni Finn Doria ang kwentong ito, nakaramdam siya ng paghanga kay Haring Nicolas. Isa siyang hari at maaari naman siyang magpadala ng maraming tauhan pero hindi niya ito ginawa. Marahil iniisip niyang marami ang mamamatay at masasayang na buhay kaya mas ginusto niya na siya ang humarap sa kalaban.

Hindi lahat ng hari ay kagaya mag-isip ni Haring Nicolas. Makikitang hindi ito ganoon ka-makasarili. Pinahahalagahan niya ang kanyang mga mamamayan. Ito ang nasa isip ng binata. Sinasaluduhan niya ang kabayanihang ito ng hari, gayunpaman, ang pagsaludong ito ay sa paraan ng pamumuno nito sa kanyang nasasakupan. Hindi pa rin alam ng binata ang totoong ugali ng hari. Hindi alam ng binata kung gaano nito pinahahalagahan ang kasalukuyang Crown Prince na kasalukuyan namang kinagagalitan ng binata.

Kung hindi magiging patas si Haring Nicolas, walang magagawa si Finn Doria kundi ang personal na gumawa ng hakbang laban sa Crown Prince. Hindi niya pa nakakalimutan na ito ang naging dahilan nang pagsisimula ng digmaan sa pagitan ng Azure Wood Family at Nine Ice Family. Ginawa ito ng Crown Prince dahil sa kanyang matinding kasakiman at ganid sa kayamanan.

"Hmph. Isa lang siyang hari ng maliit na kahariang ito, bakit kailangan niyo pang bigyang halaga ang kanyang imbitasyon? Kung nais niyang makausap ang aming master, dapat siya ang magtungo rito dahil hindi siya karapat-dapat na pagsayangan ng oras."

Habang nagbabasa si Finn Doria, narinig niya ang walang pakundangang pangungutya ni Eon habang nakatingin kay Creed at Neleos. Napabaling ang binata kay Eon at naiinis itong tiningnan.

"H'wag kang magsalita ng ganyan. Isa pa ring hari ng kahariang ito ang kinukutya mo. Malaki ang utang na loob ng kinalakihan kong angkan sa Royal Clan kaya naman dapat pa rin kaming magbigay-galang sa kanya," nakasimangot na paliwanag ni Finn Doria.

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]Where stories live. Discover now