Chapter XIX

11.8K 758 102
                                    

Chapter XIX: Plot

"Hindi lang Legend Rank...?"

Unti-unting tumayo ang mga Rogue Adventurers. Napayuko ang ilan sa kanila habang ang iba naman ay nakatingin ng diretso kay Finn Doria.

Umiling si Gregory at nagwika, "Huwag kang magbiro ng ganyan, Finn Doria. Totoong pinapangarap ko na makaabot ako sa Legend Rank sa buhay kong ito. Gayunpaman, kailan man ay hindi sumagi sa aking isipan na makakaabot ako sa antas na ito. Mayroong rason kung bakit wala pang Adventurer ang nakaabot sa antas na Legend Rank sa buong Sacred Dragon Kingdom, kahit ang mga nakaraang pinuno ng Royal Clan ay hindi makaabot sa antas na 'to."

"Tanging mga nagmula sa First Rate Kingdom at malalakas na pwersa lamang ang mayroong kakayahan na makaabot sa antas na Legend Rank. Ang dahilan dito ay hindi dahil sa kakulangan sa talento, kung hindi dahil sa kakulangan sa kayamanan at mga talentadong Alchemists. Kahit na magsanay pa ako ng isang daang taon pa, imposibleng makaabot ako sa susunod na ranggo, kahit ang 5th Level Sky Rank ay imposible na para sa akin."

"'Pag walang pills para sa Sky Rank, imposible para sa katulad kong ordinaryong Adventurer na makatapak sa 5th Level Sky Rank. Pero gaano nga ba kahirap makakuha ng Pills na para sa mga Sky Rank? Kung ipapalit ko ang nakuha kong Mid-tier Epic Armament, marahil makakakuha ako ng limang Sky Nurturing Pills. Gayunpaman, walang kasiguraduhan kung makakatulong ito sa akin dahil hindi naman kahanga-hanga ang kalidad nito." Taimtim na sambit ni Gregory.

Tahimik naman ang anim pang Rogue Adventurers. Pareho lang din kay Gregory ang kanilang reaksyon sa sinabi ni Finn Doria. Tumigil na sila sa kanilang kasalukuyang antas at walang senyales ng pagtaas ng kanilang antas. Nang walang tulong ng mga kayamanan, imposibleng makaabot pa sila sa susunod na antas bago sila tuluyang bumalik sa lupa.

Kahit na ang ilan sa kanila ay hindi pa mukhang matanda, ang kanilang totoong edad ay lampas na ng dalawang daang taong gulang. Kumain lang sila ng pambihirang pills na nagpapanatili sa kanilang batang hitsura.

Nang masaksihan ni Finn Doria ang ekspresyon at reaksyon ng mga bago nilang Guest Elders, napabuntong hininga siya. Nginitian niya ang mga ito at muling nagwika, "Sa ngayon, totoong wala kaming kakayahan na paabutin kayo sa Legend Rank o mas mataas pa. Gayunpaman, nangangako ako sa inyo dahil mayroon akong kumpyansa na sa hinaharap ay makakayanang gawin ito ng Azure Wood Family."

"Sa ngayon, maging tapat lang kayo sa Azure Wood Family. Kung makapag-aambag kayo ng karampatang kontribusyon, magkakaroon kayo ng tsansa na makaabot sa Legend Rank Adventurer." Nakangiting dugtong pa ni Finn Doria.

Natigilan at natahimik ang mga bagong Guest Elders. Pinagmasdan ni Gregory ang ginintuang mga mata ni Finn Doria at nang mapansin niya ang sinsiredad mula rito, napaatras siya.

Sa mga salitang ito ni Finn Doria, syempre hindi lang ito basta pagyayabang lamang. Sa loob ng Myriad World Mirror ni Finn Doria ay mayroong walang hanggang kayamanan at kung tama ang teorya ng binatilyo, sa oras na makatapak siya sa Legend Rank, malaki ang posibilidad na ilabas na ni Munting Black ang mga Excellent Sky Pills. Kung makakatapak naman siya sa Heaven Rank, syempre may posibilidad naman na ilabas ng itim na nilalang ang Excellent Legend Pills.

At sa oras na lumabas na ang mga bagong Pills, lalakas muli ang Azure Wood Family at walang sino man sa buong Ancestral Continent ang maipangtatapat sa kanila.

Ikinalma naman ni Gregory ang kaniyang sarili at marahang nagwika, "Huwag mong babawiin ang mga salitang binitawan mo, Finn Doria. Iisipin ko na lang na iyan ay isa sa mga pangako mo sa amin bilang iyong tauhan. Kung mayroon ka talagang paraan upang paabutin kami sa Legend Rank, nangangako ako na maglilingkod ako sa Azure Wood Family ng habang buhay."

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]Where stories live. Discover now