Mag-uusap pa nga sana sila ni Vito dahil aminin man niya sa hindi, natuklasan niyang masarap palang kakwentuhan ang lalaki. He was a gentleman too. Nagboluntaryo pa itong ihatid siya sa kanyang kabina.

"I'm not drunk. Just a little bit tipsy, maybe." Nagkibit-balikat siya, umarteng tila wala lang ang kinukwento nitong iyon sa kanya kahit sa totoo lang, nakakaramdam na siya ng bahagyag pagpakaphiya dahil sa nangyari. Ayaw niyang bigyan ng impresyon ang lalaki na mahilig siyang uminom at palaging ginagawa iyon.

Ang nangyari ng nagdaang gabi lang kasi ang naging pagkakataon niya upang mag-enjoy nang labis na walang sino man ang maaaring pumigil sa kanya kung sakali. Hindi naman niya akalaing ang kapitan pala ang magiging companion niya ng gabi iyon.

When her secret relationship with Dalton started, she had the freedom she always thought wanted ever since. Noong una ay masaya siya pagkat may mga bagay na nagagawa na siya na hindi naman niya nagagawa noon.

But there were limitations to all that. Hindi man siya pigilan ni Dalton ay panay naman ang paalala nito sa kanya kung ano ang mga bilin ng kanyang ina. Parang nais niyang ismiran ang mga alaalang iyon. She shook her head, smiling bitterly. Kung nalalaman lang ni Dalton kung anong utos ng kanyang ina ang kanyang pinakasinuway sa lahat, marahil ay mahihiya ito sa mga pinaggagagawa nito sa kanya.

She was sure, the least Dalton would get from her mother if she found out what he did her was broken bones. Alam niyang hindi ito sasantuhin ng kanyang ina. Masama man ang loob niya sa lalaki, hindi niya gugustuhing malaman pa ng kanyang ina ang tungkol sa nangyari sa kanila. Kaya nga siguro siya lumayo, upang paghilumin muna ang kanyang sarili nang hindi nagkakagulo ang mga tao sa kanyang paligid.

"You're quiet. May nasabi ba 'kong masama?" Pukaw ni Vito sa kanya mayamaya. Hindi niya napansing kanina pa pala siya tahimik. Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya dito.

"No, I think you're right. I'm so drunk last night and now, I'm having a hangover." Pagdadahilan niya rito.

Pagkasabi niya noon ay sukat bumaliktad ang kanyang sikmura dahilan upang magmadali siya papunta sa pinakamalapit na CR doon sa mess. Doon niya inilabas ang lahat ng kanyang kinain ngayong umaga. At marahil maging ang kanyang inihapunan kinagabihan. Hilong-hilo siya, nangsisimula narinh manghina.

Hindi niya namalayang naroroon pala si Vito at sinundan siya sa CR, hinihimas ang kanyang likod. Inalalayan siya nito hanggang sa makabalik sila sa kanilang pwesto.

"You're pale. I'll call the doctor." Sabi nito, tinutukoy ang naval doctor ng barko.

"Hindi na. Sa tingin ko, pahinga lang 'to. Mukhang hindi pa sapat ang naging pahinga ko kagabi kaya't nahihilo pa 'ko ngayon."

"I'll walk you to your cabin then." Tumango siya rito at iyon ng nga ang ginawa nito. Ang akala niya ay agad rin itong aalis pagkahatid nito sa kanya roon ngunit inayos pa nito ang kanyang hinihigaan at pinatawag pa si Tasha upang bilinan ito na tignan-tignan siya at ang lagay niya habang nagpapahinga siya.

As much as she wanted to object, she didn't wanna argue with him anymore. Alam niyang hahaba pa ang usapan kung nagkataon. Ang besides, it really felt nice seeing Vittorio like that, as if he really cared for her. Mabilis siyang nakatulog pagkainom niya ng paracetamol.

NAPANGITI SI Sienna nang makita ang laman ng kahong galing kay Vito na ipinadala nito sa staff nito para sa kanya. Naglalaman iyon ng mga gloves, coats at earmops at kung anu-ano pang mga gamit na maaari niyang suotin panlaban sa lamig. Nagsisimula na kasing lumamig pagkat ilang araw nalang ay dadaong na sila sa Port ng Tokyo. Ang alam niya, winter ngayon sa Japan.

Araw-araw nalang, may iba't-ibang ginagawa si Vito na sadyang nakakapagpangiti sa kanya. Nang magkasakit siya ay dalawang beses ito kada araw kung dumalaw sa kanya sa kanilang kabina para tignan ang lagay niya.

Flademian Monarchy 9: Sienna JaneWo Geschichten leben. Entdecke jetzt