p'wede ba?

90 4 0
                                    

Sabi nila palagi raw kontrabida ang tadhana

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sabi nila palagi raw kontrabida ang tadhana.

Sabi nila ang unfair daw ang tadhana.

Sabi nila ang sama raw ang tadhana.

Sabi nila mapaglaro ang tadhana.

"Liexie, mahal kita." sambit ng lalaking nasa harapan ko. Lalaking kilala ko na simula bata pa lamang. Lalaking kaibigan ko simula pa lamang. Lalaking nililigawan ako at minamahal ako.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako.

Mahal ko din siya pero alam ko sa sarili ko na may something na humahadlang. Kung sasagutin ko ba siya ay magiging maayos ang lahat? Magiging masaya ba ang lahat?

I'm stuck between kung makikinig ba ako sa opinyon ng iba na huwag nalang at sayang ang pagkakaibigang aming pinabunga o kung pwede bang sundin ko ang sinisigaw ng puso ko, sigaw na oo, pwede.

Sabi nila; sayang ang pagkakaibigan kung sakali mang matapos ang magkakaroong kami. Matatapos nalang ba bigla ang lahat? -- pero bakit naman matatapos kung aalagaan namin ito?

Pero kase, wala pang kasiguraduhan. Walang kasiguraduhan. Hindi sapat ang mahal mo lang. Hindi sapat ang gusto mo siya.

P'wede naman. Kaso ang tanong. Kaya mo ba?

Kaya mo bang humarap sa mga hamon ng mapaglarong tadhana?

Kaya mo bang lumaban sa pagitan ng digmaan ninyo ng tadhana?

Kaya mo bang huwag bumitaw kung kailan wala ng maintindihan ang lahat?

Kaya mo bang tumayo at panindigan na pag aari n'yo ang isa't-sa?

'Yan ang mga tanong na patuloy na humahadlang sa akin. Kaya ko ba? Pwede ba?

"I will wait no matter when is it, Liexie. Hindi ako nagmamadali. Hahayaan kita. Pero sana huwag mong pakinggan ang sinasabi ng iba at alamin mo sa sarili mo kung ano ba talagang nais nito? Nais ba nitong maging akin? O nais nitong hanggang dito lang. Hanggang kaibigan lang." Wika nito na dahilan upang mapatulala ako sa kaniya.

Ano nga bang nais nito? Ano nga bang nais ko?

Oo. Mahal ko itong lalaking nakatayo sa harapan ko at laging nandiyan anumang oras.

Perfect guy, an ideal man. Almost everything is with him. But, there's this me; hesitating to be with him.

Bakit hindi ko subukan? Duwag na ba ako? Natatakot ba ako?

Ang mga tanong sa sariling kahit ako ay hirap ko ng sagutin.

Pero bakit hindi ko subukan at magpatuloy lang hanggang sa tuluyang marating ang dulo ng kabanata?

Makikipaghamunan ako hanggang sa makakaya ko. So why would I choose to stay being friends with him only? Kahit na alam ko sa sarili ko na... gusto ko sya. Mahal ko siya. Gusto kong tawagin siyang akin lamang at wala na.

"Let's go?" Banggit nito at sabay abot sa akin ng kaniyang kamay na hinihintay ako na hawakan din iyon.

Ngumiti ako.

Bakit pa ba ako nag dadalawang isip na mapa-sakaniya?

Bakit pa ba? Kung may tiwala naman ako.

Tanga mo self.

Pero, oo na.

"Pwede ba?"

Inabot ko ang kamay niya at pinagsalukop ito. "Oo naman. Who am I to resist, right?"

Ginulo niya ang buhok ko habang may naka-ukit na ngiti sa kaniyang labi.

Tama, ito na. Final na, mahal ko siya at sabay kaming lalaban sa kahit ano pang hadlang ng tadhana.

W O R K  O F  F I C T I O N.

BLACK ROSE: One ShotsWhere stories live. Discover now