CHAPTER 3

10 1 0
                                    

LOUIE'S vision is blurry. Hindi rin siya makapaglakad ng maayos. He can barely recognize where he is, pero pamilyar iyon. He can see doors, carpeted floor.

Oh, is this a dream? Napangiti siya.

If he was dreaming, it was a very beautiful dream. He's being taken back to that sexy night he had with that sexy woman he made love to.

"Can you walk properly? Ang bigat mo kaya." Fantastic. He heard her voice like 3D.

Hinanap niya kung saan nanggaling ang boses na iyon. When he turned his head on his right side, his heart is overwhelmed with happiness.

There she was. Ah, what a perfect dream!

They stopped walking. The woman swiped the keycard while he stared on her back. He suddenly smelled the scent of her hair. God, she smells so good. Parang may nabuhay sa pagkalalake ni Louie.

Nang makapasok ay agad niyang hinila ang kamay nito and pinned her on the wall.

"You're so damn beautiful." sabi niya sabay haplos sa mukha nito.

He stared at those pink glossy lips. As he descended his face to her, agad nitong tinakpan ang bibig niya ng kamay nito.

"Namamanyak ka talaga kapag lasing ka, no?" sabi nito.

Natawa siya. He kissed her palm that's covering his mouth. Agad nitong binawi ang kamay nito saka pinandilatan siya in disbelief.

"Sayo lang." sagot niya saka walang sabi-sabing kinabig ang labi nito.

Napasinghap ito. Naramdaman niya ang pagtutol mula dito, ngunit 'di siya nagpatinag. After all, this is his dream. He should make the most out of it.

"This is insane." dinig niyan sabi nito sa pagitan ng halikan session nila. Ikinawit nito ang kamay nito sa batok niya at malayang tinanggap ang halik niya.

He smiled as he took her to bed. This is the best dream he ever had.


> > > > > 


SIX YEARS LATER.

"Brittney, wake up! Your grandfather just called. He just landed, and he is on his way here." Pukaw ng mommy niya sa kanya nakapagpawala ng antok niya. Agad siyang napaupo sa kama mula sa pagkakadapa.

"What is that old man doing here?" gulat na tanong niya.

"I don't know. He just said he wants to talk to you." Umupo ito sa kama niya kaharap niya.

"Oh my God!" natigilan siya nang may maalala. "Where's Prince, mom?" nanlalaki na ang mga mata niya sa sobrang kaba.

"He's in his room." Imporma ng mama niya na nakapagpawala ng tensiyon niya. Ngunit hindi parin humuhupa ang kaba niya sa nagbabantang muling pagkikita nila ng lolo niya.

"Don't worry. That boy wakes up late," napansin marahil nito ang kaba'ng bumadha sa kanyang mukha.

Alam nito ang lahat ng nangyari sa kanya sa Pilipinas. Ang lahat-lahat ng ginawa niya mula sa muntikan na niyang pagpapakasal dahil sa kagagawan ng lolo niya, at maging ang tungkol kay Prince.

Hindi ito nagalit, gaya ng dapat na reaksyon ng isang ina. Bagkus, natuwa pa ito sa pagdating ni Prince sa bahay at buhay nila.

But not the old man Lee Dong Suk...

Walong taon na ang nakalilipas simula noong huling nagtangka ang lolo niya na ipakasal siya sa anak ng business partner nitong Koreano. She's too young and too stubborn back then para pumayag sa kasal na sinasabi ng lolo niya. But the old man was too old and too stubborn, too, para magpapigil sa gusto nitong mangyari.

PICO Series 1: 'Til I Find YouWhere stories live. Discover now