CHAPTER 1

23 1 0
                                    


PAGKATAPOS marinig ni Brittney ang sinabi ng lolo niya sa kanya at sa lalakeng kaharap niya, agad nabalot ng pagrerebelde ang kalooban niya. Kung sana ay masabi niya dito ang lahat ng saloobin niya.

Kontra siya sa desisyon nitong ipakasal siya sa Koreanong bisita nila ngayon sa bahay. Kahit pa mukha naman itong mabait at may hitsura naman, alam niya sa sarili niyang hindi niya ito makakayang pakasalan dahil hindi niya ito mahal at higit sa lahat, napaka-bata pa niya.

Beinte anyos pa lamang siya at gusto na siyang ipatali ng lolo niya sa kung sinong Poncio Pilatong ngayon lang niya nakilala.

Gusto niyang sigawan ito, murahin at kung anu-ano pang walang karespetuhang ginagawa ng mga kabataan sa mga nakakatanda, sa kanila sa Pennsylvania. Pero nasa Pilipinas siya ngayon at Asiano ang lolo niya.

Sampal ang aabutin niya kapag ginawa niya ang bagay na iyon dito. At ayaw niyang masampal, lalo pa ang mapagalitan. Kaya nanatili siyang tahimik at hinayaan ang puso, isipan at kalamnan niyang maghimagsik sa desisyong iyon ng lolo niya.

"So, I believe everything is settled." Tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa sofa. "Now all you have to do is get to know each other more." ngumiti ito.

"Ne kamsahamnida." tumayo ito saka yumuko sa matandang hukluban. "With your beautiful grand-daughter, I believe we can do our part fast." sagot ng koreanong nakilala niya sa pangalang Pao Jung Ho.

"You still have one month to do your thing as lovers." nakangiting wika nito saka tuluyan na siyang iniwan kasama ng Koreano sa sala.

Sinundan niya ito ng tingin habang umaakyat sa hagdan patungo sa opisina nito sa ikalawang palapag ng bahay. Lovers? Is he out of his mind? Napatingin siya sa lalakeng nakatayo at nakasunod din ang tingin sa kanyang lolo.

Binalingan siya nito saka ngumiti ng matamis. "So, where do we start?" tanong nito.

Nagkibit-balikat siya saka walang ganang tumayo. Hirap pa ito sa pagsasalita ng Ingles, pero alam niyang nakakaintindi ito.

Galing raw ito sa pinaka-maimpluwensyang pamliya sa South Korea sabi ng lolo niya nang ipakilala sila kanina. Shareholder 'di umano ito ng Yumyong Techs, ayon pa sa kanyang lolo. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit pati sariling apo nito ay kaya nitong ibenta sa Koreanong ito.

Alam ni Brittney na ganoon din ang nangyari sa mga kapatid ng papa niya. Sa pagkakaalam niya, may dalawang nakakatandang kapatid ang kanyang ama. Babae ang mga ito at kasalukuyan ng nainirahan kasama ang mga koreanong asawa nito sa Korea.

Kung hindi siya nagkakamali, ay ang lolo din niya ang pumili sa mga mapapangasawa ng mga ito.

Nag-iisang lalake ang kanyang ama, kaya naging paborito ito ng kanyang lolo. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit hindi nagawang ipakasal ng lolo niya ang papa niya ayon sa kagustuhan nito.

"You decide." sabi na lamang niya.

Hindi muna siya gagawa ng kahit na anong labag sa kagustuhan ng lolo niya. Pakikisamahan niya ito hanggang sa makabuo siya ng plano kung pano didespatyahin ang lalaking ito.

"Okay then. Let's go to my place."

"What?!" gulat na sagot niya. Sa pagkakaalam niya, conservative ang mga Asiano, pero baka naman tuluyan na ding nabago ng makabagong panahon ang mga ito, lalo na ang Koreanong kaharap niya ngayon.

"My Palace, have you been to that restaurant? They serve delicious food there."

Natawa siya. Mali kasi ang pagkabigkas nito sa pangalan ng restaurant na My Palace. Nagtunog 'Puhlase' ang Palace. Buong akala pa naman niya ay may pagka-liberated ang taong 'to.

PICO Series 1: 'Til I Find YouWhere stories live. Discover now