CHAPTER 2

29 1 0
                                    

NARAMDAMAN ni Louie ang isang kamay na pumaikot sa kanyang beywang dahilan upang magising siya. Awtomatikong iginala niya ang kanyang mga mata sa paligid at 'di siya nagkamali ng hinala. Nasa ibang kuwarto na naman siya at sigurado siyang 'di na naman niya maalala ang babaeng katabi niya.

Natigilan siya. Aw, shit! Babae nga ba?

Marahas niyang nilingon ang kanyang katabi. Laking pasasalamat niya'ng diyosa ang nakikita niyang natutulog at nakapulupot na parang sawa sa katawan niya.

Minsan na kasi silang na-tanso ng mga kaibigan niya ng isang grupo ng mga bading na nagpakilala sa kanila sa isang bar. Mala-diyosa ang mga alindog nito, kaya't laking yabang nila nang sa lahat ng lalakeng nagpapapansin dito ay sa kanila ito lumapit.

Hindi na sila nilubayan ng mga ito hanggang sa malasing na sila ng tuluyan. Nalasing din marahil ang mga ito at inaasahan na nila ang mangyayari sa bawat isa sa kanila nang gabing iyon.

Silang lima ng mga kaibigan niya ang na-take-home ng mga ito. Dinala niya ang 'babae' sa paborito niyang hotel. Sa pinto pa lang ay 'di na mapuknat ang paghahalikan nila. Ngunit sa kalagitnaan ng mainit na tagpo ay biglang napaamin ang pinakamaganda sa tatlong bading na nakilala nila at kapartner niya ng gabing iyon.

"Be gentle with me, honey. This will be my first time since the operation."

Dalawa ang posibleng bagay na pumasok sa isip niya noon. Una, baka nagpa-revirginize ito kaya marahil kailangan niyang mag-dahan-dahan dito. Na-excite pa siya sa isiping iyon. The thought of devirginizing a revirginzed woman, oh man!

Ngunit agad ding naputol ang pantasya'ng iyon sa ikalawang posibleng dahilan ng sinabi nito. Right there and then he stopped and stared at the neck of the "woman" he was making out with.

Muntik na siyang masuka ng makita ang umbok ng Adam's apple nito sa leeg. Oh no! He was about to make love to a transgender!

Kaya ngayon, sa bar pa lang ay sinisigurado na niya ang kasarian ng lahat ng nakaka-flirt niya. It's not that he is against third sex, pero bilang isang straight na lalake, hinding-hindi niya kailanman masisikmura ang pumatol sa kapwa lalake. It's just not his kind.

Napatingin siya sa wall clock na nakasabit malapit sa pinto ng kwartong kanilang inuokupa. Alas-sais na ng umaga. May sinag na ng araw na nagmumula sa bintana ng kanilang kuwarto.

Marahang gumalaw sa kanyang tabi ang babaeng hindi parin niya matandaan ang pangalan.

"Wake up sleepy head!" bati niya nang mapansing magigising na ito. And by the way, salamat sa taong naka-imbento ng endearments.

Pinakatitigan niya ito, at napangiti siya sa nakita. Maganda ang babae. Ang bilugang mga mata nito ang una niyang napansin nang lapitan niya ito upang magpakilala noong nagdaan gabi.

Matatas itong managalog ngunit halatang may dugong banyaga ito. Buong gabi silang magkasalo sa inuman, nagsayawan at nagkapalagayan ng loob. At doon nga nagsimula ang lahat hanggang humantong sila sa kamang iyon.

Nagmulat ng mata ang babae at dumako ang tingin nito sa kanya. Kumunot ang noo nito. Sinalubong niya ito ng ngiti at akmang hahalikan niya ito nang bigla siya nitong itulak.

"Who are you?!" sigaw nito na ikinagulat niya. Kipkip nito ang kumot na ipinantatakip sa dibdib.

"Well, I can't remember your name either, but I believe we enjoyed what happened last night." kampanteng tugon niya.

"Oh, no. No..." naguguluhang sabi nito. Hindi niya maintindihan ang inaasta nito. Kagabi lamang ay game na game ito na para ba'ng isang dekada ng tigang, at ngayon kung umasta ito ay parang...

PICO Series 1: 'Til I Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon