Camping

9 0 0
                                    

Apparently, may pakpak nga talaga ang balita.  

“Kayo ba?” Tanong ni Angel habang nakapila kami sa canteen. Parang ang aga naman ng tanong na yan at kailangan sa canteen pa itanong.

 “K-kami, Nino?”  medyo pautal kong sabi kay Angel. Alam ko naman kung sino yung sinasabi niya pero mas gusto ko sa kanya manggaling kung sino. Mahirap manguna baka mali.

“Ni Ate Anna…Kayo ba ni Ate Anna?” Medyo napalakas ang boses ni Angel. Hindi lang ako ang nakarinig ng boses, nanlaki ang mga mata ko at nagulat sa tanong niya. Gusto ko man sabihing Oo pero hindi naman yun ang totoo, tumawa na lang ako ng sandali.

 “Bago yang issue ah… magkaibigan lang kami. Saan mo naman narinig yang balita”. Sabi ko sabay hila kay Angel sa pinakamalayong lamesa sa canteen. Lower year si Angel sa akin at siya ang representative ng level niya sa student council kaya close kami. At, alam parang nagkamali ako ng kwento ko sa kanya ng lahat.

Hindi na bago sa akin yung issue, dahil nga lagi kong kasama si Anna hanggang sa pag-uwi kaya nagsimula yung ganitong tsismis - Meron lang bago ngayon sa kwento. Ilang araw na din nung nangyari yun pero may nakakita pala sa amin nung isang Friday – Yung araw after ng Advance C.A.T. class na nakatulog si Anna sa balikat ko at kami lang ang tao sa loob ng classroom. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba dapat yung tsismis. As much as I wanted na maging kame at kahit gaano ko kagustong maging totoo ang tsismis, Malabo atang mangyari yun. Tsimis nga kasi.

“Pero gusto mo si Ate Anna diba?” sabi ni Angel habang kumakain ng spaghetti. Nabilaukan ako sa sinabi niya. Ganoon ba talaga ka-obvious? Halata pala talaga, na gusto ko siya.

“H-ha?” yun na lang ang nasabi ko sa kanya. It’s been weeks nung nangyari yung sa room at wala lang yun. Wala lang yun sa kanya, kahit na sa akin meron.

“Obvious kasi kuya.  Wag ka nang denial!. ‘Wag kang mag-aalala at boto po ako sa’yo.” Biro ni Angel na ikinatawa ko ng malakas. Baliw na siya, at mas baliw ako dahil gusto ko yung sinabi niya. Para namang may-count yung boto niya.  Nilibre ko na lang siya sa pang-uuto niya at sinabing bumalik na kami sa field at baka hinahanap na ako, mahirap ng maparusahan ulit. Camping kasi ngayon at kami ang assigned na maging facilitators – Ang C.A.T. students. Luckily, nagkulang ang medic team kaya nakalusot ako sa trabaho ng pagiging faci. Sa school lang ginaganap ang camping ng mga scouts, malaki naman kasi dito at may area talaga para sa mga camping events.

Isa na siguro sa perks ng medic team ang abswelto ka sa init ng araw sa field, madalas kasing nakapayong at nasa lilim lang ang mga medic. Buti na lang din at nakasama ako sa medic team, grade 2 pa lang kasi nung nadiscover kong sobrang sensitive ako sa liwanag. Hindi ako allergic sa araw pero hirap akong makakita on broad daylight - photo sensivity ata base sa mga nabasa kong article.

Tanghaling tapat at siesta ng mga campers ng pumasok si jhay sa medic quarters - Si jhay ang iilan sa mga barkada kong lalaki. Hindi kasi ako gaanong close sa mga lalaki sa school dahil ang gulo lang nila. Well I am different from those guys kasi I had my own world back then. Anyway, yun nga nasa quarters namin si Jhay para tumambay. Nagusap kami. Madami kaming napagusapan from school to love life, pero yung akin talaga ang gusto niyang marinig - Tinanong niya ako ng tungkol kay Anna tsaka dun sa balita na pilit kong tinatanggi sa kanya.  Alam naman niyang may gusto ako kay Anna, at kasama siya sa mga taong boto na maging kami kahit wala namang poll.

“Tara tulog...” Sabi ko sa kanya. Ang lakas ko mag-alok - Perks kasi ng medic ang matulog kaya inalok ko na din si Jhay. Ako na ang bahala kapag tinanong kung bakit siya andito. Malakas naman ako sa faculty.

“Patulog naman, hindi maganda yung amoy sa mga rooms.” Biglang pasok ni Anna sa medic quarters. Nakakatawa yung hitsura niya nung pumasok siya ng room, hindi maipinta; may halong pagkadiri na hindi mo malaman – Ang taray na naman lalo ng dating niya. Tinawanan ko siya pero hinampas naman niya ako sa braso.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Can't open up my lipsWhere stories live. Discover now