Junior Year

8 0 0
                                    

June 14, year 8: first day of classes.

3rd year highschool, 2 more years before victory - maaga akong pumasok only to find out wala pang tao sa classroom namin.

 ”Akala ko late na ako...” Sabi ko sa sarili ko habang nakaupo sa maalikabok na upuan ng may biglang pumasok sa loob ng classroom.

Kaklase ko ata siya kasi hindi naman siya papasok at mag-stay ng matagal sa room kung hindi dito ang klase niya. She was in her own universe at that moment – nag-tetext siya at para walang taong nakikita sa paligid. Umupo siya sa mismong gitna ng seating arrangment ng hindi namamalayan nasa room din ako.

Snob? I grabbed all the courage i have to start a conversation.

“Hi”

“Hi” she responded pero hindi siya nakatingin sa akin, she was still staring on her phone’s screen. Ganito na ba talaga mga tao ngayon? People should respond to “hi” with “hello” hindi “hi” ulit, weirdo.

“Bago ka lang ba dito?” I know, dumb question asked - obvious na nga pero itinanong ko pa din.

Huminto siya sa pagpindot sa keypad at tumingin siya sa akin. “Oo, ikaw ba?”

Sabi na, mababaw sarcasm level nito.

Sfx: school bell ring.

The first day of the school year began at ikinagulat ng lahat nung malaman nila na nakalipat na kami ng bahay, lalo na si anna. Nakatingin lang naman talaga ako ng maigi sa kanya at sa reaksyon niya.

We were seated on the corners of the same row and i can still catch her taking a glimpse, or is it just me? Is it me who she caught taking a glimpse? Dahil ba i am sitting next to the windows kaya feeling ko nakatingin siya sa akin? Si Anna.

I was staring her hard eventhough we were a couple of chairs apart. She hadn't changed much - her brown eyes still sparkle as i took a glimpse, her dark hair is still long like the last time we saw each other and most of all she's still pretty as i can remember.

“Ui! Ayos ka lang?” Ginulat ako nung biglang nagsalita si will.

Kaklase ko  si will since freshmen at kahit medyo kulang siya sa height hindi siya nagkulang sa mga dapat sabihin. Sobrang swabe lahat ng advice niya, pasok lahat sa banga.

"Try mong kausapin para hindi hanggang tingin lang lagi." dagdag niya.

Napansin kong kanina pa pala ako nakatingin kay anna. Hindi na siya nakatingin sa akin. I completely forgot na may nakatayo sa harap ko at may nagiintroduce ng sarili sa klase.

"Ha... Hindi ko siya tinititigan. I...inaantok pa kasi ako. Ang aga ko kasing nagising." lie. Tumawa lang si will sa sinabi ko. Sobrang obvious pala nung ginagawa ko pero parang hindi naman niya ako napapansin.

Ang mas ikinagulat ko ngayong araw: siya lang ang bago naming kakaklase – si Jane. Si jane na walang ginawa the whole time na kausap ko siya kundi mag-text sa harap ko.

Siya lang ang bago kong kaklase.

Can't open up my lipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon