Chapter 6: Parke De Luna

Start from the beginning
                                    

Napatingin na lamang ako sa lalaking nasa aming likuran na walang imik na nakatayo at halatang malalim ang iniisip. I know hindi pa rin siya naka-get over sa trahedyang nangyari sa kaniyang mga estudyante at naghihinayang ito dahil hindi na niya sila makakasama pa papunta sa Parke De Luna kung saan mas ligtas ang lugar.

All we can do is to move on and continue the journey, to love ourselves, to give love and to wait to be loved by someone else.

"Salamat Jez!" Hindi na ako nakatingin pa kay Khrys at isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin.

Ramdam ko na lang ang pamumula ng aking pisngi sabay uminit ng aking katawan na dumagdag sa kaba at tibok ng aking puso. Hindi ako makagalaw o kaya makapagsalita habang nakatulala sa hangin.

"Stop right there!"

Mabilis namang kumawala sa pagyakap sa akin si Khrys nang marining ang sigaw na iyon. I turn then I see their rifles aiming at us, those soldier with a sharp look and full of rage. Ngayon ay ramdam ko ang mahigpit na kapit ni Khrys sa aking balikat, nabahiran na ng takot ang saya na ipinapakita niya kani-kanina lang.

I raised my both hands, same as Master Yoshi but no one commanded a cease-fire. Anong klase ng biro ito? Hindi naman kami nagpapakita ng kahit anong sintomas para mapagkamalang zombie so what the heck is happening right now?

"Patayin niyo na iyan mga sir! Hindi tayo dapat magtiwala sa mga tao sa labas, hindi dapat tayo magpapasok ng kahit sino rito sa loob ng base camp. Ang Parke De Luna ay dapat lang na magiging ligtas!" Sigaw ng lalaki. Nagpalitan kaming dalawa ng matutulis na tingin.

Halatang isa siyang may ari ng kompanya o kaya naman ay isang politiko dahil sa mga body guards na nakasunod sa kaniyang likuran at sa pormal nitong suot. Gusto ko man sanang depensahan ang sarili namin sa mga binabato niyang salita pero halatang mainit ang aming kalagayan pagitan sa kanila at baka lumalala at magdulot pa ito sa aming katapusan.

They are very inhumane in the situation like this, we think they are the ones who can save us from this great epidemic pero hindi! Pinairal pa nila ang sarili nilang kaligtasan para sa amin na nangangailangan.

Those times I dreamed to become a soldier, I understand that the main goal of a soldier is to protect, ipinapakita naman nila na pinoprotektahan nila ang iba pero sana hindi dapat kaagad sila pumupunta sa konklusyon. Our lives are also important and wasting us is a great mistake.

Patuloy na umiiyak si Khrys, I don't know what she is thinking right now but the only thing I am sure about ay gustong-gusto rin namin maging ligtas sa lahat ng nangyayari ngayon. Lahat kami ay parehong may gusto na maging mapayapa na ang bansa laban sa mga zombies na sumasakop ngayon.

"I am begging, let us enter the area, just in one night... then we will go far away." napatingin na rin ako kay Master Yoshi, I think he is hiding his tears.

At sa ngayon ay kasalukuyang nasa isang tent kami na malayo sa mga ibang survivors o sa mga sundalo, thanks to the commander who commanded a cease fire and agreed for what Master Yoshi's request.

"Nagugutom na ako, hindi pa ba tayo maaaring makahingi roon sa kabila?" Nagmamakaawa na sa akin si Khrys pero natatakot ako sa lagay namin ngayon at baka umiba ang isip nila at patayin kami ng tuluyan kung patuloy na magiging makulit.

Ang pinoproblema ko sa ngayon ay ang komunikasyon, kailangan kong matawag sina Gasper, Delvon at Titus. Sila na lang ang natitira naming pag-asa at sana ay walang may nangyari sa kanilang masama. They are my closest friends!

"Jez, sumunod ka muna sa akin." utos ni Master.

Napatingin lang ako kay Khrys at nagbigay naman ito ng kusang loob na pahintulot at nagpahiwatig na kaya niya ang kaniyang sarili.

The Last Survival EscapeWhere stories live. Discover now