Chapter Twenty Four: Happiness

54 5 0
                                    

Simula nang maging kami ni Kyel, wala akong ibang naramdaman kundi ang maging masaya. Nakaka-blooming pala talaga ang magkaroon ng jowa. Kaso LDR kami dahil sa Manila na nga siya nagwowork.

Ngayon ay May 19, bakasyon na namin kaya lumuwas ako ng Manila. First Monthsary namin ngayon ni Kyel. I texted him na nandito na ako sa Manila at nagreply siya na nasa kanila Jaino daw siya. Naka-receive naman ako ng text kay Kira.

From: Kira
I am here at Jaino's house. We need to talk!

Kahit kakauwi ko lang, nagpahatid agad ako kay Dad sa kanila Jaino. Nagulat ako nang sinalubong agad ako ni Kira at nakarinig agad ako ng mga sumbat sa kaniya.

"How dare you! Bakit hindi mo sinabi sa akin na kayo na pala ni James. More than a year ka niya niligawan pero wala akong kaalam alam. Kaibigan mo ba taga ako ha?" nakataas ang kilay na saad niya.

"Okay, ang OA na naman ng girlfriend ko." hirit ni Jaino.

"Shut up." sinamaan ni Kira ng tingin si Jaino.

"I'm sorry." yun lang ang tanging nasabi ko.

"So, paano mo ngayon ie-explain sa akin ito ha? At si Apollo, paano siya ngayon? I'm not against Kyel pero paano naman yung bestfriend namin?" napatingin ako kay Kyel, nakayuko lang siya. Mukhang inaabangan din niya yung sasabihin ko.

"Sorry pero nasaktan ako ni Apollo. Noong sinabi mong hinihintay niya ako sa harap ng School, pinuntahan ko siya but I just saw him kissing Dame in lips. Tell me! I tried to understand, Kira. Pero anong magagawa ko, nasaktan ko. So I just move forward. Alangan naman sirain ko ang buhay ko ng dahil sa kaniya." napabuntong hininga ako, "Kyel is a great guy. He've been there when I'm broken. So please, just accept our relationshio because we're celebrating our first monthsary now." seryosong sambit ko. Nanatiling tikom ang bibig ni Kira.

"Frenny, I'm so...." pinigilan ko siya sa gusto niyang sabihin.

"You don't need to apologize, naiintindihan kita. Ako ang dapat mag-sorry kasi naglihim ako sa'yo." I held her hand, "Let's just have new beginning, no more secrets and lies. I promise." nginitian ko siya. Kira hugged me tightly.

"You're so brave, Frenny. I'm so proud of you." she whispered. Nagluto nalang si Kyel ng lunch namin tapos sabay sabay na kaming kumain. Nanood nalang kami ng movie. Well, okay na din naman ang ganitong celebration. Hindi naman kasi kami materialistic na dalawa. Basta't kasa kasama namin ang isa't-isa sa bawat okasyon, okay na kami doon.

After ng halos 2 years, I graduated as Cum Laude. Natupad ang pangarap ko. Sobrang saya ni Kyel nun para sa akin at masaya kong ipinagdiwang ang karangalang ito kasama ang pamilya ko. Next week ay babalik na ako sa Manila dahil doon na ako maga-apply ng trabaho at doon na ulit ako titira. Kaso, kakatapos lang mapagawa ng bago naming bahay sa tabi ng resto ni Mama kaya for sale na yung dati naming bahay dahil lilipat na kami sa bago naming bahay next week.

Cum Laude din si Nachelle sa BSBA kaya super congrats kami sa isa't-isa. Next week pa ang graduation nila Jaino, Kira, at Del kaya dadalo kami sa graduation nila.

Pagkauwi namin sa bahay, naabutan kong gumagawa si Ate Elli ng lesson plan niya. Umupo ako sa tabi niya.

"Hindi pa kita nakakausap ng matino simula nung naglasing ka. Pero Ate Elli, hindi ka naman umiinom ah. At saka, bakit nandoon si Sir Vexon nun?" nagtatakang tanong ko. Napahinto siya sa ginagawa niya.

"Nagbakasyon lang siya dito noon. He just want to say goodbye and have closure kaso nang malaman niyang mahal ko pa rin siya ay bigla niya akong hinalikan and then dumating ka.." walang emosyong saad niya.

Napakunot noo naman ako, "Ate Elli, how about Paul? Mahal ka nung tao."

"I know, kaya nga nagpaalam na ako kay Mr.V at tuluyan ko nang tinapos ang ugnayan namin. Huwag kang mag-alala, nasa matinong pag-iisip pa naman ako. At saka, kahit papaano nagugustuhan ko na din si Paul." she explained.

Fallen ApartWhere stories live. Discover now