Chapter Three: Rumors

102 5 0
                                    

Dumating na ang pinakahihintay ng lahat, ang Mr. & Ms. Intramurals 2016. Sa may gilid kami pumwesto ni Apollo. Si Jaino at Kira ang representative sa aming section. Si Tine at Joseph naman ang representative sa kanilang section. Grabe ang hiyawan ngayon dito sa quadrangle. Medyo maliit ako kaya pumatong ako sa may benches habang si Apollo naman ay nakatayo lang, palibhasa matangkad siya.

Rumampa na ang mga kasali sa pageant. Complete uniform muna ang mga suot nila sa unang rampa. Ang ganda ni Kira, bagay na bagay talaga sa kaniya ang uniform namin. #1 ang number ni Kira at Jaino kaya sa umpisa palang todo hiyaw na ang lahat. Nililigawan kasi ni Jaino si Kira at saksi ang school campus na ito sa panliligaw ni Jaino. Grabe kasi siya mag effort kaya todo kilig ang mga estudyante sa kanilang dalawa.

#2 naman ang numero nila Joseph at Tine, marami rin ang naghihiyawan at isa na ako doon. Siyempre supportive bestfriend ako eh. Palihim ko lang na chinicheer si Jaino at Kira kasi ayaw kong maging unfair sa kaibigan ko. Oo kaklase ko sila Jaino at Kira pero mas matimbang para saakin ang kaibigan ko. Alam ko hindi na kami nagkakasama, pero bestfriend ko parin siya.

Napawow kaming lahat pagdating sa "sports wear ramp" kasi ang gagaling nila. Na portray nila ng maayos ang bawat sports na nirerepresent nila. Finally, the "formal wear". Nakagown at naka-americano na sila. This time iaanunsiyo na rin ang mga special awardees.

Si Kira ang Ms. Friendly at si Gino ang Mr. Friendly. Ang solid naman ng mga kaklase namin, todo sigaw. Samantalang ako tahimik lang na nagchicheer. Tapos si Apollo naman naka poker face lang. Seryoso nito, tss!

Ang Mr. Photogenic naman ay si candidate #8, galing ata sa 4th year(Section 1). Ang Ms. Photogenic naman ay si candidate #9, galing naman sa 3rd year (Section 3). Tig limang section ang mayroon sa bawat year level kaya 20 candidates ang kasali sa pageant. Pagkatapos ianunsiyo ang mga awardees, sunod namang inanunsiyo ang Top5 para sa Question and Answer Portion.

Babae muna ang iaanunsiyo. Unang natawag ang Candidate#8. Pangalawa ay ang Candidate#3, galing sa 4th year (Section3). Ikatlo ay si Tine. Ika-apat ay si Candidate#20,galing sa 2nd year (First Section). Kinakabahan na ang section namin kasi hindi pa natatawag si Kira. Sana si Kira na ang nasa last spot. And when the Emcee announce that Kira belongs to Top5, hindi ko na napigilang mapahiyaw din. Wala na akong pakealam kung balimbing ako, I'm just happy that she's one of the Top5. And she really deserve that spot because she have beauty and brain.

Sunod na inanunsiyo ang Top5 sa mga kalalakihan. Unang natawag ay si Jaino. Napahinga ng maluwag ang section namin. Pangalawa ay si Candidate#9. Ang Ikatlong inanunsiyo ay si Candidate#15, galing sa 1st year (First Section). 13 years old palang pero ang matured ng mukha at sobrang tangkad din. Ang Ika-apat ay si Joseph. Tinignan ko si Tine at grabe yung ngiti niya nung matawag ang number ni Joseph. Ang pinakahuling makakasali sa Top5 ay ang Candidate#3, galing sa 4th year (Section3).

Iba iba ang magiging questions nila.So dahil lady's first daw, ang unang sumalang sa Q.A ay ang mga babae. Ang unang matatanong ay si Candidate#8. Bumunot siya ng tanong niya.

"Here's your question. If you will be the Ms.Intramurals 2016, what will be the first project that you will contribute in our School." tanong nung Emcee.

Hindi muna siya nakapagsalita ng mga ilang segundo, siguro nag-iisip. Pero 4th year na siya kaya alam kong makakasagot siya. Huminga siya ng malalim saka nagsalita.

"If I will be the Ms.Intramurals 2016, the first project that I will contribute is being a role model. I will be the voice of everyone to minimize the bullying in our School..." may gusto pa sana siyang sabihin kaso huminto na siya. Baka kinabahan. Ibinigay na niya ang mikropono sa Emcee.

Fallen ApartWhere stories live. Discover now