Chapter Ten: Bonding

75 5 0
                                    

"Para sa new year ng pamilya Fernando!!!" sigaw ni Lolo Cj. May hawak siyang isang baso ng coconut milk.

"Cheers!" sabi namin tapos pinagtunog namin ang aming kani kaniyang baso tsaka uminom. Nasa harap kami ngayon ng hapag kainan. Bago kami umalis, magbo booflefight muna kami. Ang pamilya namin ay hindi umiinom ng alak kaya coconut milk ang ininom namin. Naalala ko tuloy si Mama. Kaya siguro siya uminom ng totoong alak noon kasi hindi na niya nakaya ang problema.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Ate Elli kaya napabalik ako sa realidad.

"Wala naman. Namiss ko lang tong ganito tayo." pagdadahilan ko.

"Basta kapag may time ka, bisita ka lang dito ha?" ngumiti siya saakin tsaka niya ginulo gulo ang buhok ko.

"Ate, dalaga na ako. Yan ka na naman sa paggulo mo ng buhok ko eh." reklamo ko. Gawain kasi niya yan eh, kaya tuloy lagi kaming nag-aaway dati.

"Namiss lang kita bunso." tumatawang sambit niya. Bunso ang tawag ng lahat saakin dito pero si Ate Elli tinatawag akong Yent pero kapag nagseseryoso nagiging Bunso ang tawag saakin.

Nakabalik na kami dito sa Manila. Hindi ko alam pero namiss ko agad ang mga kamag anak ko sa Nueva Ecija.

January 3 na ngayon at 2017 na. Sa January 9 pa ang pasok namin.

"Baby Len, may naghahanap sa'yo sa labas. Nakabike." sigaw ni Mama kaya dali dali akong tumayo sa sofa at pumunta agad sa labas ng bahay. Napalitan ng lungkot ang malapad kong ngiti.

"Hoy ngumiti ka diyan, new year ngayon hindi Halloween." inis na sabi ni Kira. Napairap nalang ako tsaka napatawa.

"Namiss ko kayo." masayang sambit ko tsaka ko niyakap si Kira, Jaino, at Del habang nakasakay sila sa mga bike nila.

"Oh!" sabay sabay na sabi nila habang iniaabot saakin ang paper bag na hawak nila. Una kong kinuha yung bigay ni Kira tapos yung kay Jaino and then kay Del.

"Thank you dito. New year's gift to?" tanong ko.

"Yes na yes. Ikaw lang naman ang kuripot kaya wala kaming gift galing sa'yo but it's okay. Friendship with you is much better than any gift." sabi ni Kira kaya niyakap ko siya ulit.

"Thank you sa inyo. Tara pasok kayo sa bahay." pumasok na kami sa bahay and then kumuha ako ng cookies tsaka juice para pameryendahin sila.

"Kung hinahanap mo si Zeal, wala siya. Nasa America pa, nagbakasyon. Mukhang sa 8 pa ang uwi." pakindat kindat na sabi ni Kira. Napatingin naman ako kay Del, he also stared at me tsaka ngumiti ng pilit. I know kapag si Apollo ang usapan, he's still concerned but knowing na may gusto siya saakin alam ko ding nasasaktan siya ng patago.

"Pasyal tayo Guys." pag-iiba ko nalang ng usapan. Sumang-ayon silang lahat sa suggestion ko kaya ura urada ay napabiyahe kami ng Baguio. Bale isang araw lang kami dito. Pinayagan naman ako ni Mama at Dad kasi may kasama naman akong babae, si Kira.

Nagcheck-in na kami sa hotel. Isang room lang ang nirent namin pero dalawa yung bedroom. Bale magkasama kami ni Kira sa isang kama at si Del at Jaino naman ang magkasama sa isang kama. Kumain lang kami saglit tapos namasyal na agad. Pumunta kami sa Burnham Park. Ang hangin dito. Sinubukan namin ang lake smack kung saan sumakay kami sa isang bangka at nakita namin ang magagandang view ng Burnham Park. Matapos kaming mamasyal, nagpahinga muna kami at bumili ng strawberry taho.

Pagsaput ng hapon, pumunta naman kami sa Mines View Park. Ang ganda dito. Kitang kita ang nagtataasang mga bundok at makukulay berde na mga puno. Nagsuot din kami ng costume na mukhang pang-igorot tapos nagselfie kaming apat habang tumatawa. After ng tawanang yun, bumalik na kami sa hotel at kumain. Napagdisisyunan naming muling lumabas tapos naglatag kami ng carpet at humiga dito. Nakatitig lang kami sa kalangitan. Ang daming nagniningning na mga bituin. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype ng Tula sa notes ko. Habang nagtatype, muli akong tumingin sa langit at saktong may dumaan na bulalakaw. Agad akong pumikit, "Sana nandito siya." Hindi ko alam kung bakit iyon ang hiniling ko pero yun kasi agad ang pumasok sa isipan ko.

Fallen ApartWhere stories live. Discover now