Chapter Eleven: Drowning

62 5 0
                                    

Dumiretso parin sa paglakad si Apollo sa kabila ng narinig niya mula kay Del. Lumapit naman si Kira saakin at winisikan niya ako ng tubig.

"Tara doon Bro, hayaan muna natin silang magbonding." pagyayaya ni Jaino kay Del sa malalim na parte ng pool. Nanlaki ang mga mata ni Del kasi hindi siya pwede doon dahil hindi siya marunong lumangoy.

"Dito na siya, kuha nalang kayo ni Kira ng foods natin." singit ko. Napapout naman si Kira.

"Tara na nga Ino, mukhang gustong solohin ni Lenient tong si Del." pagbibiro niya. Umalis na sila kaya naiwan kami ni Del dito. Tahimik lang kaming pareho, hanggang sa may naisip akong kalokohan.

"Del, i-prank kaya natin sila." seryosong sabi ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Anong klaseng prank naman?" curious niyang tanong.

"Magpanggap tayong nalulunod." diretsong sabi ko.

"Delikado yan. Parehas tayong hindi marunong lumangoy." angal niya.

"Lokaret ka...pupunta lang tayo doon banda tapos doon ba tayo kunyari malulunod. Sa tingin ko hanggang leeg lang naman natin yun." pagpipilit ko.

"Basta ayaw ko parin." disididong sabi niya.

"Bahala ka. Basta ako pupunta doon." dahil sa kakulitan ko, pumunta parin ako doon. Medyo malayo na ako kay Del.

"Kita mo oh, hanggang leeg ko lang siya." sigaw ko.

"Balik kana dito" sigaw din niya.

"Ayaw ko!" pabalik kong sigaw tsaka napailing iling pa ako. Naglalakad  na palabas ng gate yung dalawang pinsan ni Jaino. Ewan ko pero ang cute cute nilang magkapatid, nakaakbay yung K-Kyel ata ang pangalan? Oo ata..Basta yun. Nakaakbay siya kay Nachelle at sobrang tawa ni Nachelle kasi nagkakaasaran ata sila. Dahil sa pagkatsismosa ko, hindi ko namalayang napapaatras na pala ako at may natapakan akong madulas na part kaya bigla na lamang akong napahiga sa tubig. Sobrang kaba ko nang wala na akong maapakan. Iwinagayway ko nalang ang kamay ko. Wala na akong ibang makita kundi puro tubig. Naramdaman ko nalang na may humawak sa baywang ko at inangat ako. Pero hindi marunong lumangoy si Del,  kaya sino ang nag-ahon saakin sa tubig? Buti nalang at hindi ako nakainom ng tubig. Sobrang bilis ng pagkakaligtas saakin, saka ko na lamang napagtanto na si Kyel pala ang nagligtas saakin. Pinaupo niya ako sa gilid ng pool.

"Are you okay now?" He asked worriedly. Napatango tango nalang ako dahil hindi ako makapaniwalang kinausap niya ako. Akala ko kasi puro cellphone nalang gawain niya.

"Oh, shocks!" bugla niyang sabi tapos kinuha niya sa bulsa niya yung cellphone niya na sobrang basa na. "Excuse me, I need to go." seryosong sabi niya tapos hinila na niya yung kapatid niya papalabas ng gate. "Thank you!" pahabol kong sigaw pero hindi na sila muling sumulyap pa. Grabe, basang basa siya pero umalis pa din siya. Papatakbong lumapit saakin si Del at alalang alala.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya. "Oo, ayos na ako. Del, can we just hide if from them? Huwag nalang natin sabihin sa kanila na nalunod ako. Okay naman na ako eh." pilit akong ngumiti sa kaniya. "Sige." sabi niya.

Pagkatapos ng araw na yun, hindi ko alam pero hindi mawala saakin yung Kyel na yun. Nung araw na yun, gumawa ako ng tula. And now, I tried to make a poem again.

I ate potchi. Gumaan kahit papano yung nararamdaman ko.

Dumating na ang unang araw ng klase ngayong bagong taon which is 2017. Wala naman kaming masyadong ginawa ngayon. I want to be happy but I felt worried, hindi kasi pumasok si Apollo. Ano kayang nangyari doon?

Kinaumagahan, nagulat na lamang ako kasi pagkababa ko ng hagdanan, nasulyapan ko na agad si Apollo sa may sofa.

"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko. I want to hug him pero pinigilan ko ang sarili ko kasi nasa kusina si Mama at Dad, nagpreprepare ng food. Nakabihis at nakapag-ayos na din naman ako kaya confident ako sa itsura ko.

Fallen ApartWhere stories live. Discover now