Chapter Thirteen: Jealousy

54 5 0
                                    

Mabilis na lumipas ang ilang mga araw, mayroon ng resulta ang exam namin. Matataas ang naging scores ko sa exam lalo na sa TLE. Lahat kami sa buong section ay matataas ang nakuha sa TLE pero si Apollo ang lowest sa amin. Ayos lang naman sa kaniya iyon, kaya lang bigla kaming nakonsensiya ni Del. Maybe, lesson nga talaga siguro sa amin ang ginawa namin nung exam.

Ngayon ay tinatapos nalang namin ang mga requirements for graduation. 2 weeks nalang graduation na namin. Next week pa sasabihin iyong mga may awards at next week na din mag-uumpisa ang practice para sa graduation. Konting konti na lang talaga at ga-graduate na kami ng high school. Ang bilis talaga ng panahon.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa parking lot kasama si Apollo. Sasamahan kasi niya ako sa resto ngayon dahil aalis mamaya si Mama at aasikasuhin niya iyong kasal nila ni Papa next month kaya kami muna ang magbabantay sa resto.

Pagkarating namin doon, konti palang ang mga customers. Sinalubong kami ni Mama, kumaway siya kay Apollo and then niyakap naman niya ako. Binilinan muna kami ni Mama na kami na ang bahalang magsara ng resto mamaya at agahan nalang daw naming magsara para hindi kami gabi makauwi. After nun, nagpaalam na si Mama na aalis na. Nagsuot na kami ng apron ni Apollo. Sa counter ako pumwesto habang si Apollo naman ay  magwi-waiter. Natawa nga ako sa kaniya eh kasi pinapakita niya iyong braso niya at nagmamayabang na may muscle daw siya kahit wala naman. Ang taba taba na nga niya eh.

Makalipas ang ilang minuto, madami ng customers kaya naging busy na kaming dalawa. Bale tatlo kaming babae na nandito sa counter Kaya mabilis lang ang pagse-serve ng foods. Nang wala ng  nakapila sa side ko, pumila naman si Apollo. Kaloka talaga ang lalaking ito, nasa trabaho kami pero ang pasaway niya.

"Ano Miss Heroine, magugustuhan mo pa rin ba ako kahit maging waiter ako?" pakindat kindat niyang sambit tapos napapangiti pa siya. Nakakainis man aminin pero ang cute cute talaga niya.

"Nasa trabaho po tayo Mr. Apollo kaya tigilan mo po munang lumandi!" natatawang sabi ko.

"Grabe ka, panglalandi na agad sa'yo yun?" seryosong sabi niya tapos napairap pa kaya natawa ako. Hinawakan ko iyong ilong niya saka pinisil pisil.

"Baliw ka. Binibiro lang naman kita." panglalambing ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.

"Hoy! Biro lang yun. Pansinin mo na ako." ngumiti ako sa kaniya tapos kumindat kindat pa pero seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Ewan ko ba pero iyong ngiti ko biglang napalitan ng lungkot at parang maiiyak na ata ako pero ilang saglit lang ay bigla siyang natawa.

"Nakakatawa yang itsura mo!" humahalakhak niyang tugon. Sa sobrang inis ko, sinuntok ko siya sa may dibdib niya.

"Excuse me... it's a restaurant and not a motel so why are you flirting here?" nagulat kaming dalawa ni Apollo sa narinig dahil pamilyar ang tinig nung Babae. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang Tita ni Apollo na kaharap na namin ngayon.

"T-Tita, w-why are you here?" nauutal na tanong ni Apollo. Pumunta naman ako sa tabi ni Apollo at napahawak ako sa damit niya dahil sa labis na takot. Hindi ko pa pala nakausap ang Tita niya tungkol sa pagkakaibigan namin ni Apollo.

"How about you? Why are you here?" taas kilay na tanong ng Tita niya sa kaniya.

"I'm here because I want to work here." diretsang sabi ni Apollo.

"You don't need to work here. We have our own company, you can work there." medyo tumataas na ang tono ng pananalita ng Tita niya kaya nagsisitinginan na ang mga customers sa amin.

"Ma'am, can we just go outside and let's talk there." magalang kong pakikiusap pero tinignan lang niya ako ng masama.

"I already talk to you that you need to avoid my nephew but why you're still with him? I'm just came here to visit you and then I was shocked that you already broke our agreement!" galit na galit niyang sabi saka muling nagsalita, "Do you want me to ruin your family again?"

Fallen ApartWhere stories live. Discover now