Chapter Fourteen: Graduation

49 5 0
                                    

Kung mayroon mang award na 'Best Actress in Pretending' baka ako na yun. Graduation na ngayon at imbis na saya ang maramdaman ko, lungkot ang siyang tanging nafifeel ko. Alam ko na dapat masaya ako kasi isa ako sa mga with honors, pero may isang bagay na siyang nagdudulot ng lumbay sa akin at yun ay ang pagkakaibigan namin ni Apollo. Alam ko na sa nangyari kahapon ay siguradong kinamumuhian na ako ni Apollo. Tinapos ko kahapon ang masayang samahan namin. Ang tanga ko lang.

Ang saya nila ngayon. Kasama ni Apollo ang kaniyang Tita pati si Dame. Alam ko na sa loob loob ni Apollo ay nalulungkot din siya. Pero siguro, suko na siya sa akin. Ang dami na niyang naranasan na pasakit ng dahil sa akin.

Nang matapos na ang buong programa ng graduation, napansin kong umalis na iyong Tita ni Apollo. Mukhang may importanteng lakad at sumaglit lang talaga siya sa graduation ni Apollo.

Nagpicture kaming tatlo nila Dad at Mama. After nun, lumapit sa amin si Kira at ipinaalam ako kila Mama na susunduin niya ako mamaya dahil may handaan daw sa kanila Jaino at kaming magkakaibigan ay dapat daw kompleto doon kaya agad namang pumayag si Dad at Mama. Besides, hindi naman kami maghahanda kasi gusto ko na magkaroon ng piano at iyon nalang ang ipapabili ko bilang regalo nila sa akin sa pagtatapos ko ng sekondarya.

Hinila muna ako ni Kira bago kami umuwi para sa group picture naming magkakaibigan. Hinila naman ni Jaino si Apollo. Ibinigay ni Del kay Dame iyong camera para siya ang kumuha ng litrato sa amin. Ngumiti ako ng malapad kahit na hindi iyon ang totoong sinasabi ng mga mata ko. After nun, nagpaalam na muna ako sa kanila.

Dumiretso muna kami nila Mama at Dad sa resto at doon na naglunch. Pagkatapos nun ay naiwan na si Mama sa resto tapos hinatid naman ako ni Dad sa bahay para makapagbihis at makapagprepare dahil susunduin ako ni Kira. Ang bongga nga niya eh kasi may bago na siyang kotse. Regalo sa kaniya ng Parents niya. Kaya, sabi niya sa akin may bago daw silang bonding ni Jaino at yun ay ang pangangarera. Aba! Astig din nung naisip niya diba?

Naghanap ako ng masusuot. Nagshirt nalang ako saka nagjacket. Alam kong tanghaling tapat pero wala e, trip kong magsuot ng ganito. Nagpantalon nalang din ako. Nang may marinig na akong busina galing sa labas ay dali dali akong lumabas ng bahay. Sumakay na agad ako sa kotse ni Kira.

"Iba talaga pag yayamanin." pagbibiro ko.

"Pabili ka na rin kasi." natatawang sabi niya.

"Saka na... pag nakabili na ako ng piano." nakanguso kong sambit.

"Seryoso ka? Mag-aaral kang magpiano?" napataas kilay naman ako.

"Aba! Oo naman 'no. Pangarap ko kayang tumugtug ng piano. Magsesearch lang ako sa YouTube at siguradong mabilis lang akong matuto." natigil na kami sa pag-uusap nang makarating na kami sa bahay nila Jaino. Hindi ko alam pero parang nasesense ko na muli kong makikita yung pinsan ni Jaino. Ito na ang chance para makapagpasalamat. Sana makapag thank you ako.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay nila Jaino, nakaprepare na agad ang mga foods. May pa-buffet ang Mayor namin hehe. Sinalubong kami ni Jaino tapos nag-offer na kumain na kami. Nang makakuha na kami ng foods ay saktong kararating lang ni Del at Apollo. Buti naman at hindi kasama ni Apollo si Dame. Pero ano nga bang pake ko? Diba nga pinagtutulakan ko na si Apollo kay Dame.

Magkakaharap kaming magkakaibigan sa isang table. Nasa tapat ko si Apollo kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Seryoso lang ang aura niya.

Nang matapos na akong kumain, nagpaalam muna ako na magc-CR. Napaharap ako sa salamin. Actually, hindi naman talaga ako naiiihi. Sadyang gusto ko lang makatakas sa awkwardness. Napahinga ako ng malalim saka lumabas na. Nagulat ako nang may humila sa akin at nagpunta kami sa isang sulok.

Fallen ApartWhere stories live. Discover now