Chapter 3

470 15 26
                                    

TRIGGER WARNING:

This chapter will narrate scenes and dialogues about suicide, depression, and self-harm. This may be triggering to readers with similar experiences.
Please engage in self-care as you read this chapter.

━━

Chapter 3

"What are you up to, ate?" tanong ng isang binata sa kapatid nitong babae na naabutan niyang nakatitig sa malawak nilang taniman ng mga mais.

Bahagyang maulan na kaya naman makulimlim na ang kalangitan. Naririnig din ang ugong ng umaambang mga kulog. Pinanood ng magkapatid ang paghawi ng hangin sa tanim na mga mais at ang ilang mga trabahador na nagsisimula nang umalis doon para sumilong.

"I want to stop them. . ." halos ibulong ng dalaga sa umiihip na hangin.

"This will be too messy. Aren't you scared? Our parents might get mad at you," nag-aalalang sabi ng binata. "You will relive the pain from the past and stir up everything once again."

"I just want justice for our people, Amnon," she says.

"How? It's too dangerous, Ate."

Gusto man niyang pigilan ang kapatid, alam ni Amnon na sigurado na ito sa gusto nitong gawin. Wala siyang magawa dahil alam niyang kahit ano ang maging desisyon ng kapatid, suportado niya ito at parating tutulungan. Kahit pa taliwas ito sa gusto ng mga magulang nila.

Natitiyak niyang gugulo ang lahat. If she will get herself involved. . . their whole family will get involved. Lalo na't may malaking koneksyon ang lahat ng ito sa mga Ignacio.

Ang mga Ignacio ay madudumi kung maglaro. He knew that since they were young because they have been warned by their parents and the elders.

And what scares Amnon the most is the Dela Vegas. Because he knows that the Ignacios are friends with them. The Dela Vegas are treacherous and wise. Kung magkakamali ang ate niya, ang dalawang malalaking pamilyang ito ang makakabunggo nila.

"I don't know yet. But I will try to find out what really happened with Pablo Abrantes," the girl says with conviction, with her eyes reflecting fire of anger and revenge.

━━

Hindi alam ni Connor Dela Vega kung paano niya ulit makikita si Adi. Hindi na rin kasi siya nakakabisita sa mga Ignacio dahil naging abala ang pamamahala sa mga lupain ng mga Dela Vega, isabay pa ang nalalapit na pagsisimula ng bagong semestre sa kolehiyo kung saan siya nag-aaral.

Hindi kaya nag-aaral si Adi roon? Ito lang naman ang tanging kolehiyo sa Casiguran. O baka sa kabilang probinsya pa ito nag-aaral?

Kapag nagsimula na ang mga klase, baka tuwing weekends na lang din siya makabisita kina Olivia lalo pa't gusto ng ama niya na tumulong kaagad siya sa pagmamando sa plantations.

Bigla niyang naalala ang pinsan niyang si Andronicus. Ganoon din ang set up nito at ni Persis Abrantes noon. Tuwing Sabado nagkikita ang dalawa roon sa burol na sakop ng lupain nila. Alam niya dahil siya ang madalas na makahuli ritong umuuwi nang may ngiti sa mga labi matapos manggaling sa burol.

Nag-aayos na ng mga papeles si Andronicus dahil itutuloy nga ng kanilang lolo ang pagpapatapon dito sa ibang bansa. Mabuti na rin siguro na lumayo na muna rito ang pinsan niya para makalimot ito sa lahat ng nangyari. Masyado itong nasaktan—ang pinsan niya maging ang mga Ignacio—higit kaninuman.

Connor still constantly checks on his cousin. Ipinagpapasalamat na lang niya na wala itong ibang ginagawang pananakit sa sarili maliban sa hindi pagkain nito nang tama at nasa oras. He takes care of that with the help of some of their helpers.

Raging Like The Cerulean Sea (Dela Vega Series #2)Where stories live. Discover now