Chapter 9

154 6 1
                                    

Chapter 9

“You can meet her,” ani Thiago sa kabilang linya ng tawag.

Napabuntonghininga si Connor. “Are you sure?”

“Oo. Pero mag-ingat ka pa rin, Connor,” ani Thiago na ikinangisi naman ni Connor. “You know lolo. Masiyado siyang magaling sa mga ganitong bagay. May inaasikaso kami ngayon tungkol sa lupa kaya abala siya roon. Pwede mong puntahan si Adina.”

Tumango si Connor. “Thank you, Thiago.”

Natahimik ang kabilang linya. Hindi alam ni Connor kung paano niya masusuklian ang kabutihan ng pinsan niya.

“Ingat, Connor. Ingatan mo rin ang girlfriend mo.”

Napangiti si Connor dahil doon. “She’s not my girlfriend.”

Tumawa si Thiago sa kabilang linya at napangisi rin si Connor.

“Then, the girl you love.”

Hindi maiwasan ni Connor ang labis-labis na nararamdamang pagpapasalamat niya sa pinsan. Hindi man siya ganoong kalapit dito tulad ng pagiging malapit niya kay Andronicus, tinutulungan pa rin siya ni Thiago.

Dahil sa sinabi ng pinsan, maluwag ang loob ni Connor na lumabas ng mansyon nila para makipagkita kay Adina. Susurpresahin niya na lang ito. Sinabi ni Adina na pupunta raw ito sa isa sa mga plantation ng mga bulaklak ng mga Saavedra kaya roon siya dumiretso.

Ano kaya ang magiging reaksyon nito? Hindi na rin siya makapaghintay na makita ang dalaga.

━━

Ibinaba ni Thiago ang tawag at itinaas niya ang kamay upang tawagin ang atensyon ng isa sa mga tauhan.

"Keep an eye on my cousin and Adina Saavedra. Do it in secret," aniya na agad na sinunod ng tauhan.

Tumanaw si Thiago sa labas ng bintana ng opisina niya sa pabrika nila sa katabing probinsya ng Casiguran. Idinikit niya sa labi ang isang stick ng sigarilyo at humithit doon bago ibinuga ang usok sa hangin.

Nang tumunog ang telepono niya, pinulot niya iyon at sinagot. Lolo niya ang tumawag. Inaasahan niya na ito.

Abala sila sa maraming trabaho at siya ang inaatasan ng kaniyang lolo sa karamihan ng mga responsibilidad na iyon.

"Ginawa mo ba ang hinihingi ko sa iyo?" tanong nito sa kabilang linya.

"Yes, lolo," sagot ni Thiago, itinataktak ang sigarilyo sa ash tray sa malawak niyang office table.

"Good."

Iyon lang at ibinaba na nito ang tawag. Muling humithit si Thiago sa sigarilyong nasa pagitan ng dalawang daliri at tumanaw sa labas ng bintana.

━━

Hindi mapigilan ni Connor na tanawin si Adina habang nasa gitna ito ng plantation ng mga bulaklak. Ang makulay na paligid nito ay bumagay lang sa dalaga.

Minsan niya nang inayawan ang probinsya. Pero ngayong nakikita niya si Adina sa gitna ng makukulay na mga bulaklak at berdeng-berdeng mga dahon at ‘di kalayuang mga bundok, ipinagpapasalamat niyang pinauwi siya rito ng pamilya.

Raging Like The Cerulean Sea (Dela Vega Series #2)Where stories live. Discover now